RRRRRIIIIIIIING!
"Hello."
"Oh?"
"Kumusta? Matagal-tagal din tayong hindi nagkausap, ah."
"Kaya nga, eh. Heto, okay pa naman. Ikaw, kumusta?"
"Gan'on pa rin. Walang pinagbago. Doon ka pa rin ba nagtatrabaho?"
"Hindi na. Umalis na ako r'on. Medyo toxic na kasi, eh. Palagi pang delayed ang sweldo."
"Ah. Akala ko nandoon ka pa rin. Eh, saan ka na nagtatrabaho ngayon?"
"Wala. Hindi na muna ako magtatrabaho. Magpapahinga muna ako."
"Hindi ka ba nabo-bored diyan?"
"Hindi naman. Palagi naman akong my ginagawa."
"Ganoon ba? Eh, ano namang balita sa asawa mo?"
"Nandoon siya sa trabaho ngayon. Mamaya pang alas-5 uuwi."
"Edi pwede kang lumabas ngayon?"
"Hindi rin, eh. May sakit kasi yung anak ko. Mahirap naman iwanan kasi iyak nang iyak."
"Sayang naman. Gusto sana kitang makausap nang personal, eh."
"Tungkol naman saan?"
"Tungkol sa atin."
"Anong tungkol sa atin?"
"Napapansin ko kasi na iniiwasan mo na ako ngayon. Dati palagi tayong nagkikita. Ngayon bihira na lang. Halos hindi mo na rin sinasagot ang mga tawag at text ko."
"Sorry! Naging busy lang ako dito sa bahay."
"Kung ako na lang kaya ang pumunta diyan sa inyo?"
"Huwag! Pagchi-chismisan tayo ng mga kapit-bahay. Bak isumbong pa ako sa asawa ko."
"Gustong gusto lang naman kitang makita. Nami-miss na kasi kita."
"Alam mo naman yung sitwasyon hindi ba? Noong una pa lang sinabi ko na 'yon sa 'yo."
"Oo, alam ko 'yon. Pero gusto lang talaga kitang makita. Kahit saglit lang."
"Pasensya na talaga. Hindi talaga pwede."
"Bakit ba kasi hindi mo pa hiwalayan 'yang asawa mo? Bakit hindi na lang ako ang piliin mo?"
"Mahal ko siya. At may anak kami. Ayaw kong lumaki ang bata sa broken family."
"Kaya ko naman maging punan ang magiging kulang, eh."
"Kahit na! Iba pa rin 'yong alaga ng tunay na magulang."
"Eh, paano na tayo ngayon? Ganito na lang 'to?"
"Pasensya na pero hanggang ito lang ang kaya kong ibigay sa 'yo. Hindi ko kayang iwanan ang asawa ko."
AWKWARD SILENCE...
"Sige na. Papaliguan ko pa 'yong bata. Bye."
Toot..
YOU ARE READING
Random Thoughts (Short Stories)
Cerita PendekThis is where I will put all of my short stories so I can see my progress as a writer. I will try to put a story everyday here.