Apat

26 3 0
                                    

"SHOT PA!!"

Sigaw ni Louie, isa sa mga tropa ko.

Andito ako ngayon sa bahay ni Mykaellah. Sila na kasi ang kumopkop sakin simula nang lumayas ako sa bahay ampunan. Kaya di lng best friend ang turing ko sa kanya kundi parang kapatid na rin.

Umuwi ako pagkatapos ng first day ko sa trabaho para kunin yung mga gamit ko. Ayaw pa nga sana ni ma'am eh. Pinilit ko lng.

"Hoy Jace!"

"Oh?"

"Gumanda ka pare. Nag mukha ka ng babae! Hahaha"

Nkitawa na rin ang iba ko pang tropa. Pagtulungan ba naman ako?

"Sige tawa pa. Balatan ko kayo jan eh."

"Hahaha high blood ka masyado. Kamusta yung first day sa trabaho?" Si Carlo.

( >///////>)

"Nak ng!? Si Jace nag blush!?" Sigaw niya. Bwisit! Ang ingay ng puta.

"Patingin!?"

Sigaw nilang lahat. Oo nga pala. 9 lng kami ngayon dito. Di nkapunta ang iba eh. Paano nlng kung dumami pang mga toh? Tsk

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"

"Mga putang ina niyo! Mka uwi na nga!!"

"Hahahaha andito ka na kaya sa bahay. Tanga! Hahaha" si Mikay.

"Pakyu!" Sabay dirty finger ko sa kanya at umalis.

"PIKON TALO! Hahahaha"

Nilingon ko sila at tinignan ng masama. Sakto namang pag harap ko ay papalapit ang isang pamilyar na mukha.

"Long time no see Jace." Ngising aso niya. Dumilim ang mukha kong nakatitig sa kanya. "If looks could kill, I'm dead."

"Ano pa nga ba." Matigas na tugon ko din sa kanya.

"Sino yan Jace?" Tanong ni Oliver na sinundan pala ako. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wala. Binibisita lng ang mahal ko. May angal ka? >:) "

"Baka nakakalimutan mo Kean nasa teritoryo kita." Pagbabanta ko sa kanya pero di man lng siya natakot o nabahala. Ba't ba umuwi pa toh!?

"Na miss lng kita mahal ko. Ang laki ng pinagbago mu ah?. Lalo kang gumanda. >:)"

"Kung ayaw mo ng gulo umalis ka na."

"Bakit ba ang sama mo sakin Jace? Ano ba yung ginawa ko sa'yo?"

"Umalis ka na pare!" Sita sa kanya ni Oliver na di pa din umaalis sa tabi ko.

Alam kasi niya. Alam niya kung bakit muhing muhi ako sa lalakeng toh! At alam kong ayaw niyang dumanak ang dugo dito.

"Tandaan mo Jace. Kahit kailan di ko ninais na saktan ka."

"UMALIS KA NA!!! Kung gusto mo pang mabuhay hayop ka!"

"Anong nangyayari dito!?" Si Mikay at sabay silang lahat na lumapit samin.

Pero tumalikod na siya at umalis.

Kahit kailan, di ko siya mapapatawad. Buhay ang inutang niya sakin, buhay niya rin ang kapalit! Humanda ka sakin Keith Adrean Monticillo.. Magbabayad ka!

**************************
MdiA

(^_____^)

>>feeling flattered sa papuri ni ate Camille. Hehe tuloy, lalo akong ginanahan na pagpatuloy ang storyang to! Weeeeeeee!! Salamat nga din pala sa pagbabasa! Sana suportahan niyo pa si Jace hanggang sa huli. :) mwah mwah love lots!

God bless! v(^____^)

Love VS Destiny

Written by: Miss-dork-it-all

Love Vs DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon