Love Vs Destiny

86 3 0
                                    

Love Vs Destiny Official Soundtrack: Mahal ko o mahal ako by KZ Tandingan
* * * * *
Naranasan mo na bang magmahal o magkagusto sa isang tao?

I'm sure oo.

Lahat naman tayo eh.

Sabi nga ng teacher ko nung elementary, "Jhastine, abnormal ka kung wala kang crush."

Eh sa wala naman talaga akong crush noon eh.

Back to the topic. :)

Crush man o kayo na, ganun pa rin yun. Nagmamahal ka at nahaheartbroken din kahit crush pa lang.

Pero dba minsan dumadating tayo sa point na andami na nating tanong sa isipan?

Tulad na lang ng..

"Magugustuhan niya rin kaya ako?"
"Ako lang ba talaga ang babae sa buhay niya?"
"Hanggang kailan tong relasyon namin?"
"Siya na ba talaga ang binigay ni God para sakin?"
"Siya na kaya ang soulmate slash destiny ko?"
"Forever na ba kami Lord? Penge po ng sign."
"May forever nga ba?"

Marami pa yan. Sa dami niyan ay kulang ang isang chapter para enumerate lahat yun..

But come to think of it.

The uncertainty of this game often have its players go to lose, right?

Questions, mysteries, and uncertainties are present always.

Isa na dun ang debate tungkol sa love at destiny.

Noong highschool ako, halos magpatayan na kaming magkaklase dahil lang dun.

Pinagtatalunan namin kung may destiny nga ba o choice mo lang ang lahat.

Ang kabilang kampo, naniniwala sa destiny.

Lahat daw kasi ng tao ay pinanganak para lang sa taong nakalaan na sa kanya. Na kahit anong trials and errors ang haharapin nila ay sila talaga ang para sa isa't isa.

Kami naman ay sumasalungat dun. Lalo na ako.

Para sa akin kasi choice mo talaga lahat yun eh. Choice mong magustuhan siya. Choice mong sagutin siya. Choice mong mahalin siya. At choice mo din ang lahat ng desisyon na ginagawa mo sa buhay. WALANG. DESTINY.

Pero akalain mo yun.

Dumating ako sa point na makakarelate ako sa kanta ni KZ Tandingan. Yung ♪sino ang pipiliin ko? Mahal ko o mahal akoooo...♪ >insert sintunadong boses here

Kailangan ko nang magdesisyon kung sino nga ba sa kanila ang pipiliin ko.

Yung tinitibok at sinisigaw ng puso ko?

O

Ang taong nanjan para mahalin ako ng buo at ang nakatadhana talaga sakin?

Dahil sa totoo lang.. Naeestris na ako.. Hahaha

Ganito kasi nagsimula ang lahat..  ;)

* * * * *

Love Vs Destiny

Written by: Miss-dork-it-all

Mdia/N; baka sa mga susunod na chapter, maraming magbabago huh? Hehehe edit edit lng ng slight. Geh, coc muna ako.. ;)

Love Vs DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon