Anim

22 3 0
                                    

Kasalukuyan kaming nagbabyahe ni Darren gamit ang sasakyan niya. Hindi nga niya sinabi kung saan basta samahan ko daw siya.

Alam niyo ba, ang sweet niya sakin nitong mga nakaraang araw. Kahit na halos limang araw pa lng kaming nagkakakilala.

At sa araw na lumipas, naramdaman kong mahal na mahal ko na siya.

Alam kong masyadong mabilis na nahulog agad ang puso ko sa kanya pero...

Ganun nga siguro pag pinaramdam niya sa'yo kung gaano ka ka special. Yun bang ginagawa ka niyang prinsesa.

Na kailan man ay di ko naranasan. Para kasi sa mga nkarelasyon ko noon at mga tao sa paligid ko, mas lalake pa ako sa kanila. Na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Ako daw kasi yung taong di naniniwala sa happy ending.

Pero iba si Darren. Pinatunayan niya na pwede rin pala akong maging prinsesa at magkaroon ng isang magiting na prinsipe tulad ng pinapangarap ng bawat babae sa mundo. Pwede rin pala akong magkaroon ng happily ever after tulad ng mga bida sa mga love story.

Feeling ko nga ako si Cinderella. Ang babaeng basahan na nakilala ang prinsipeng magbabago ng buhay niya. At si Darren yun.

Pero tulad nga sa storya niya, dadating at dadating ang hating gabi kung saan ay matatapos ang lahat. Lahat ng masasayang nangyari kasama ang prinsipe. At magiging isang magandang panaginip nlng ang lahat.

At ayokong mangyari yun! Ayokong maging panaginip lng yun!

Alam ko, ang tingin sakin ni Darren ay isang mahinhin at mabait na babae. Masipag. Makadiyos.

Pero hindi ako yun. At kahit kailan ay hindi magiging ako. Hanggang kailan ako magpapanggap? Hanggang kailan ko siya papaniwalain sa aking huwad na katangian?

"Jace... Jace... Wake up.. Nananaginip ka lng."

Isang malambing na boses ang narinig ko at pagmulat ko ng aking mga mata ay bumungad sakin ang napakagwapong lalake na nag-aalalang nakatitig sakin.

"Why are you crying?" Sabi niya sabay pahid ng luha sa pisngi ko.

"W-wala.. Hehe masamang panaginip lng."

"Ituro mo sakin kung saan ang masamang panaginip na yan at bubugbugin ko! Wala siyang karapatang paiyakin ang Miss Lame ko!"

Sabay acting niya na parang galit. Pinahid ko ang luha sa mata ko at tumawa ng mahina.

"Baliw!"

"Ayoko ko lng na nakikita kang umiiyak Jace. Good thing, napatawa na kita."

Sabi niya sabay hawak sa baba ko.

"Alam mo Darren, minsan nakakalimutan ko ng boss kita dahil jan sa mga pick-up lines mo." Sabay pisil ko ng ilong niya.

"Ok lng. :) Mas mabuti nga yun eh. Malay mo isang araw hindi na kita PA kundi MB na."

"Ano yung MB?"

"Maybahay ko."

Pagkasabi niya nun ay nagmadali siyang lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan ako habang ako naman ay natulala.

Shit ka Darren! Pinapabilis mo na naman ang tibok ng puso ko! Kainis ka!

"Tara na?" Tanong niya at nilahad ang kanyang kanang kamay sakin.

Inabot ko naman yun ng nkangiti at lumabas ng kotse.

"Nasaan tayo?"

"A place beyond your imagination." Sabi niya ng nakangiti.

"Naku Darren wag mo kong english englishen jan. Alam mong di ako marunong nun! Naku baka kidnap for ransom toh! Alam mong wala akong pambayad. O di kaya rape toh! Sinasabi ko sa'yo Darren pupuguta---mmm!"

Naputol ang sasabihin ko dahil tinakpan niya ang bunganga ko gamit ang kamay niya at mukhang naiirita.

Ano bang ginawa ko? Ba't parang nagalit siya bigla?

"You should stay away from that Mikay Jace. Nahahawa ka na sa kadaldalan niya. You know I hate it."

Seryosong sabi niya.

Ouch? Kadaldalan pa lng yun. Paano na kung buong pagkatao ko pa ang malaman niya?

"Sorry." Sabi ko nlng at napayuko. Naiinis ako sa sarili ko kapag di ako maka angal sa kanya. Haist! Ba't kasi nasasapawan ng puso ang isip!?

"It's okay Jace. Pasok na tayo."

Seryosong saad niya sabay hawak sa kamay ko at hinigit niya ako papasok.

Sumalubong samin ang isang hardin. May kongkreto itong daan sa gitna. Tapos yung kisame ba tawag dun? Na parang arko tapos napupuno ito ng mga hanging plant na kulay violet, purple.. Basta all shades of violet na para bang nagsisilbing kurtina.

(Di ako magaling mag describe eh sorry.. Hehe pakitingnan nlng yung picture. Yan yung gusto ko sanang ipa visualize sa inyo kaso bulok ako at konti lng ang vocabulary ko. Pasensya ulit. Haha sige po, continue.)

Kahit di ko paborito ang violet ay manghang mangha ako.

Ano ka Jace? Nganga? Pakisara ng bunganga please.. Heh! Tumigil ka nga konsensya! Panira ka ng moment. Haai nababaliw na ko.

"Saan ba talaga tayo pupunta Darren?"

"Just wait Miss Lame.. (^____^) may sorpresa ako sa'yo.."

*********************
MdiA

(@_____@) (^_____^)

(Grabe! Salamat po ulit sa pagbabasa!! Okay po ba? Vote, comments, questions, suggestions, violent reactions ay pwedeng pwede po.)

Love VS Destiny

Written by: Miss-dork-it-all

Love Vs DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon