Lima

30 3 0
                                    

"Okay ka lng?" Tanong ni Lance sakin.

Ano na naman ba ang kailangan niya!? Di pa ba sapat ang ginawa niya!? Ano ba kasing kasalanan ko sa kanya at kailangan niya pang sirain ang buhay ko!?


"Ano na naman daw ang kailangan ng gagong yun!? Ba't di niyo kami agad tinawag!? Kundi sana pinaglalamayan na yun ng pamilya niya." Nanggagalaiting sabi ni Mykaellah.

"Kumalma nga kayo. May araw din ang gagong yun." Para wala ng gulo, papakalmahin ko nang mga toh.

Hindi lng kasi ako ang galit sa kanya. Kundi lahat kaming magkakabarkada.

Dahil sa kanya. Nawala ang dalawang importanteng tao sa buhay namin.

Si Warren.

Ang kababata ko at sanggang dikit ko mula pagkabata at kuya ng barkada.

At si Noemi.

Ang aking ina.

Pinatay niya ang mga ito sa di malamang dahilan. Ang sabi lng niya ay may rason kung bakit niya yun ginawa pero ng tinanong ko siya kung ano yun ay tinalikuran niya lng ako.

Sobrang gulo niya. Gustong gusto niyang nakikita akong nahihirapan.

Tulad ngayon. Bumalik na siya. Sino na naman ba sa mga importanteng tao sa buhay ko ang kukunin niya!?

* * * * * *

Di ko alam kung anong oras ako nakatulog. Sobrang nag-aalala kasi ako sa pwedeng gawin ni Kean. Pakiramdam ko tuloy ang bigat bigat ng katawan ko.

"Babae!! Gumising ka na jan at may naghahantay sa'yo sa labas!!"

Sigaw ni Mikay mula sa baba.

"Ayan na.."

Sino namang maghahanap sakin na ganito kaaga? Wala naman akong inutangan kagabi ah?

Kinukuha ko pa ang muta ko habang pababa ng hagdan nang mabaling ang mata ko sa nka-upo sa sala.

"Darren!?"

Namula ako pagkakita sa kanya. Naknang! Di ako prepared! Nka shorts shorts pa ko at nakasando habang magulong nakatali ang buhok ko. Mukha akong ewan!

"Good morning. :) "

"Good morning din. :) Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka."

"Ha? Grabe. Amo pa talagang sumusundo sa katulong? Imba ka Darren. :) "

Ngumiti lng siya tsaka umiling. "I don't see you as a maid or what Miss Lame. Coz your special."

"Hahaha ang aga mong mag joke." Tapos ay tinabihan ko siya. "Teka, kumain kna ba? Pano mo ko nahanap--? Este, pano mo nalaman kung san ako nakatira?"

"Isa-isa lng. Hehe kumain na ko at tinanong ko si mom."

"Aah ganun ba? Dala mo ba kotse mo?"

"Yup, bakit?"

"Wait lng." Tatayo sana ako para e'check kung buo pa ang sasakyan niya ng..

"Sandali!" Pigil niya sabay hawak sa kamay ko. "Lalabas ka ng nkaganyan?"

Napatingin naman daw ako sa kamay kong hawak niya tapos sa suot ko. Ano bang mali sa damit ko? Di naman ako mukhang gusgusin. Tsaka sanay na ang mga tao dito na ganito ako manamit.

"Oo. Bakit?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.

"Magbihis ka. Ayokong pagnasahan ka ng mga tao jan. Na parang hinuhubaran ka na. You deserve to be respected Miss Lame."

(O////////O)

"Ehem! Ehem! Ikaw pala yung ser nitong si Jace pogi?"

Sino pa nga ba ang langya't epal sa buhay ko? Kahit kailan talaga si Mikay! Panira ng diskate eh.

"Yes."

Seryosong sagot naman ni Darren.

"Ayy biglang suplado? Bongga! Pero kanina halos mapunit ang pisngi sa kakangiti!"

"Alam mo Mikay... Ang daldal mo." Mahinhing sita ko sa kanya.

"Ayy ganern?? Bait ba---" I glared at her kaya pasimple niyang iniba ang sasabihin. "Ser! Mag-ingat ka jan kay Jace. Mukhang mabait lng yan! Hahaha hoy babae! Mag agahan kna dito!"

At lumayas na siya. Siguradong tumatambay na naman yun.

"Pagpasensyahan mo na ang kaingayan ng kaibigan ko ha? Loka loka yun eh."

"You don't have to apologize Jace. I'm just wondering kung paano kayo naging magkaibigan. Total opposite kasi kayong dalawa. Hehe"

Naku Darren! Kung alam mo lng. Kahit nga ako di ko alam ang sagot sa tanong mo.

"Siguro nga totoo yung sabi nilang 'opposite attracts'? Hahaha" yan nlng yung sinabi ko tsaka nagpaalam sa kanya para mkapag prepare ng dadalhin ko.

Hanggang kailan ko kayang mag panggap na mabait sa harap ni Darren? Dahil base sa nakita ko, ayaw na ayaw niya sa ugali ni Mikay which is ugali ko din. Mag-iiba rin kaya ang pakikitungo niya sakin? Iniisip ko pa lng, ang sakit na. Lalo pa ngayong pakiramdam ko unti unting nahuhulog ang loob ko sa kanya at hindi simpleng crush lng. Anong gagawin ko?

**************
MdiA

(^______^)

(Yeeeeey! Mahaba na! Salamat po at nka abot kayo sa chapter na to which means sinusuportahan niyo ako. Salamat talaga. Kahit po sa simpleng pagbasa niyo ay na'aapreciate ko po. Sana po subaybayan niyo pa si Jace sa kalokohan niya. Again. Maraming maraming thank you po!! God bless you all! Mwah mwah (^____^)

Love VS Destiny

Written by: Miss-dork-it-all

Love Vs DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon