Siyam

11 2 0
                                    

"PleAse be my queen Jhastine Ace Romero and let's build a kingdom together."

Kyaaaaaah! Hanggang ngayon ay hindi ako mkapaniwala na kami na ni Darren! At parang sirang plaka na paulit-ulit na nagfaflashback lahat ng nangyari. Parang tanga lng dba?

Dahil sa katangahan na toh ay maaga akong nagising. Ewan ko nga kung nakatulog ba ako kagabi. Haha Halos madaling araw na rin kasi kami umuwi.

"We're the king and queen.. of hearts... Hmmm hmmmm hmmmm hmmmm.. Lalalalala" kanta ko habang nagluluto ng pinaghalong corned beef at itlog.

"Aba himala nay ang--JACE!? PUTANGINA!? MGA KAPITBAHAAAAAY!! SI JACE NAGLULUTOOOO!!"

Tarantang sigaw ni Mykaellah habang nakadungaw sa bintana.

Sinulyapan ko siya at ang mga kapitbahay namin na nagmadaling lumapit. Napangiti na nga lng ako sa ka OA'han nila. Haha

"Kain tayo. ^____^" gayak ko sa kanilang lahat.

Sari-saring reaksyon ang natanggap ko mula sa kanila na para bang isang himala ang nangyari. Di ko mapigilang hindi matawa sa kabaliwan nila.

Sabagay,hindi nga kasi ako nagtatrabaho sa loob ng bahay. Haha

Natahimik lng kmi nang may humintong sasakyan sa tapat ng bahay.

Siya na yun. Hehe

Nagmadali akong tumayo at inayos ng konti ang magulo kong buhok tsaka nagpatiayod papunta sa pinto.

Oo nga pala, napagdesisyunan namin na tumigil na ako sa pagtatrabaho bilang PA niya. Ayaw niya daw kasi nang ganun.

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang nakangiting si Darren na may dalang isang bouquet ng puting rosas.

"Good morning sweetheart. :) para sa'yo." Sabay abot niya sakin nun.

"Salamat. Pasok ka. :) nag-almusal ka na ba?"

"Hindi pa nga eh. Hehe"

"Halika, may niluto ako dito. :)"

Hinila ko na siya papuntang kainan at sumalubong samin si Mikay na nakataas ang kilay. Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na kmi na ni Darren.

"Sumabay ka na samin Mike." Aya ko sa kanya.

"Talaga! Minsan lng kaya magkahimala. Papalampasin ko pa ba?" Humirit pa talaga tsaka umupo.

"Kumain ka na nga lng. Tss" nakangiting sagot ko sa kanya.

Ako naman ay tinapon yung plastic na bulaklak sa sala at pinaltan ng mga bigay ni Darren tsaka bumalik sa mesa.

Paglapit ko ay tumayo sa Darren para ipaghila ako ng upuan. Aww Why so sweet? Nakz English yun ah! Haha

"Salamat. :)"

Nang makaupo na si Darren ay biglang nag tanong si Mikay.

"Kayo na?"

"Obviously, yes." Seryosong sagot lng niya at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa.

"Kaya naman pala.." Ang tanging nasagot ni Mikay na nagpipigil tumawa.

Napailing nlng ako sa kakulitan niya.

"Starting na pala ng enrollment ngayon Jace. Kailan ka mag-eenroll?" Tanong ni Darren bigla.

Napalingon kaming dalawa sa biglaang pag-ubo ni Mikay.

"Oh tubig." Sabay lapag ko ng baso sa harap niya. At mabilisan niyang ininom yun.

"Lamat." Ngising aso niya at niligpit na yung pinagkainan tsaka umalis. Panigurado. E'bobroadcast niya yun sa barkada.

"I really don't like her." Darren frowns.

"Yaan mo na siya. Ano, tara? Ngayon na ako mag-eenroll."

Tumayo na ako sa upuan at niligpit ang pinagkainan namin tsaka nagbihis.

Mag-aaral na ko. Aayusin ko ang buhay ko para kay Darren. Babaguhin ko ang lahat lahat sakin, matanggap niya lng. Ganun ko siya kamahal. Gagawin ko ang lahat wag lang siya mawala sa akin.

************************
South Ville Royale University

"Oi Darren! Ba't tayo nandito?"

"I thought mag-eenroll ka?"

"Oo nga. Pero ang mahal kaya ng tuition dito! Di ko afford!"

"Then I'll help you. I can pay your tuition fee." Walang pakialam niyang sabi.

"Ala wag na! Sa iba nlng kasi. Please?"

"No, baby. Gusto kitang makasama dito. I want to be with you every minute."

"Kuha ko nman kasi yun Darren eh. Ang akin lng, ang mahal nga ng tuition dito. Saan ako kukuha ng ipambabayad? Alam mo namang mahirap lng kmi."

"I can lend you some."

"Darren. Hindi mo na kailangang gawin yun... Okay! Para matahimik ka na. Dito na ako mag-aaral. Gagawa nlng ako ng paraan."

"Yey! I love you! Hahaha" parang bata siyang yumakap sakin at nagtatalon talon kasama ako. Parang tanga lng.

"Hahaha hoy anu ba! Tama na ang pagtalon. Para tayong tanga dito. Haha"

Mabuti naman at tumigil siya.

"I'm just happy babe. Tara na!"

Hinila niya ko palabas ng campus. T-teka! Palabas!?

"Huy Darren! Akala ko ba mag-eenroll ako? Saan tayo pupunta?"

"We'll have our first date. As couple. (^_____~)♥♥"

*****************************
MdiA (revised)
Iniba ko na naman ulit. Haha sorry po..

Love VS Destiny

Written by: Miss-dork-it-all

Love Vs DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon