Sway

58 3 0
                                    

Kate insisted that she come with her in a party. Cholo would be there daw and he doesn't have a date kaya pagkakataon na nya. Hindi sya party animal but she like the idea that she will see Cholo again.

You're unbelievable Gwen. Hindi daw sasama pero ayos na ayos ka? May pinagpapakyutan ka dun no? sita nya sa sarili sa harap ng salamin.

Maya maya ay narinig na nya ang katok ni Kate. "Ano Gwen? Kinain ka na ba ng kwarto? Come out! Malelate na tayo."

Tumingin pa uli sya salamin upang masatisfy sa itsura bago tuluyang lumabas.

Sumipol si Ric nang makita ang mga ayos nila ni Kate.

"Come on lovely ladies!"

Gwen rolled her eyes. Alam niyang damay lang sya sa compliment nito.

"Pwede ba Ric? Wag nga kayong masyadong cheesy?"

Nagtawanan ang mag asawa. And she knows na sya nag pinagtatawanan nito. Kulang na lang kasi aminin nyang naiinggit sya.

Pagdating nila sa party, Gwen met some of Kate and Ric's friends but she doesnt seem to mind. May hinihintay talaga syang dumating.

Sa sobrang inip nya abot abot ang pagpipigil nyang itanong kay Kate kung nasaan si Cholo. Marahil ay nasa trabaho pa ito at kasalukuyang nakaduty. Kung bakit pa kasi siya napapayag ni Kate na sumama? Natulog na lang sana sya kung hindi naman pala nya makikita si Cholo.

Sa kabilang banda nang lingunin nya sina Ric and Kate, they seem to be enjoying themselves. Lalanggamin na ang mga ito sa sobrang lovie dovie.

Nagpasya muna syang lumayo sa dalawa. Ayaw niyang maging chaperon sa mga ito.

Good thing umaapaw sa food and drinks sa party. Kumuha sya ng drink sa waiter. Hindi nya alam kung ano yun pero mukhang juice naman.

Maya maya ay nakaramdam na sya ng hilo. Mukhang may alcohol content nga ang ininom nya. Masama ito. Ayaw pa naman sana nya sumabay kina Kate.

Then a guy suddenly showed up. "Care for a dance?"

"S-sorry." Anya sabay iling. "I dont dance."

"I'll teach you how." sabi nito sabay hila sa kanya.

Pinipilit niyang bawiin ang kamay sa lalaki pero lasing na ata talaga sya at kulang sya sa pwersa.

"Bingi ka ba, bro? Sabi niya ayaw nya." sabi ng kaharap nilang lalaki at binawi ang kamay niya mula sa nagpipilit sa kanyang sumayaw.

Dismayadong umalis ang isang lalaki saka palang niya napansin na si Cholo pala ang bumawi sa kamay niya.

"Cholo!" she said in relief.

"Did you have too much drink? Ni hindi mo mabawi yung kamay mo e."

Umiling sya. "I only had that juice. Yung blue."

"That's margarita." napapalatak ang lalaki. "Nahihilo ka ba?"

Hindi nya pinansin ang sinabi ni Cholo. Tila naeestatwa pa sya sa pagkakatitig sa mukha nito. He looked so dashing in his semi formal attire. His lips curved into a smile.

"Gwapo ko no?"

Doon pa lang sya natauhan at tila nawala ang pagkalasing nya.

"Wag ka ngang feeling." sabay bawi niya sa kamay niya pero muntik na syang ma out of balance.

Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ni Cholo at nahapit nito ang baywang niya.

Mas naging awkward ang ayos nila. Masyadong magkalapit ang mukha nila.

Si Cholo ang unang nakabawi sa pagkabigla. Maingat siya nitong tinulungan makatayo ng maayos.

"Mag ingat ka kaya. Kaya mo pa ba?"

Tumango lang siya. Akmang maglalakad na sya palayo. Kailangang makauwi na sya at makalayo kay Cholo dahil nagbago bigla ang ritmo ng puso niya.

"Wait. San ka pupunta?" pigil nito sa braso niya.

"U-uwi na." she hate herself for stammering.

"Kakarating ko pa lang. Can't you stay a bit? Sabi ni Kate hinihintay mo ko? So I went here straight from the hospital."

"Sinabi yan ni Kate?" she asked in a worried voice. "Asan ba yung babaeng yun..."

Ibubuking pa yata siya ng best friend. Masasabunutan niya talaga yun.

"Easy," he chuckled. " Alam ko namang hindi mo ko hinihintay. I know Kate. She loves playing Cupid."

Nahawa na rin sya sa pagtawa nito.

"I'm glad you made it. Akala ko you prefer staying at home. Kate always tell me you're a party pooper."

Napaface palm si Gwen. Talagang madaldal talaga ang best friend nya. Pati yun naikwento nito. Ano na lang pag umamin syang type niya nga si Cholo?

"Tara. Sayaw tayo. I hope you won't turn me down."

Crazy wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon