Sober Reality

16 3 0
                                    

The next day, sobrang sakit ng ulo ni Gwen. Alcohol is really a bad idea. Kaya nga ba pinakaiiwasan nya ito.
She doesnt even remember a bit of what happened except sa nauulinigan nya si Kate na may kausap sa phone before she passed out. Everything was a  blurry. She even dreamnt that Cholo was there to fetch her.

She phoned Kate.

" Kate, did you take me home?"
"Hindi. I asked somebody to fetch you..."
Parang hindi nya magugustuhan ang susunod na sasabihin ni Kate pero mas mabuting alam nya.
"Cholo brought you home."
Parang lalong sumakit ang ulo nya sa narinig. So hindi panaginip ang lahat? Ano pa kaya ang hindi nya alam? The last person she wanted to see fetched her home.

Maya maya ay may kumakatok na sa pinto nya. She was surprised to see Cholo' s two sisters waiting for her. Hindi damay ang mga ito sa kasalanan ni Cholo sa kanya pero hindi rin nya gustong pakitunguhan ang mga ito sa ngayon.

Questions keep bugging her. " Gwen, we know you're not okay but please take these." Angel started.

She handed her tomato shake and fruits. On the other hand, Rachell hugged her. " I hope you can still patch things up wih my dear brother."

Gwen did not respond. She wanted to be alone and she doesnt feel like talking. She's like a walking zombie now. Ganto pala ang feeling ng broken hearted.

Nagpaalam rin agad ang dalawang babae para makapagpahinga sya. Hindi nya maintindihan ang sarili nya. Umiiyak nanaman sya. Napagpasyahan nyang wag muna syang pumasok sa work. She needed to heal her wounded heart. Kanina pa sya nagmumukmok sa kwarto nya nang dumating si Kate.

"Gwen, what is happening?"

Ang tingin nya kay Kate ay tila super hero kaya niyakap niya ito. Now she has someone to release her problem. Ito lang talaga ang nagtitiyaga sa kanya.

"Teka, mainit ka ah. May sakit ka?"

Napansin din niyang napakaputla ni Gwen. Naawa siya sa kalagayan nito.

"Dadalhin na ba kita sa ospital?"

Umiling si Gwen, "Simpleng lagnat lang ito."

"Wag mong ipagwalang bahala ang maliit na bagay kung ayaw mong lumala."

Pinahiga na nya si Gwen. Hindi nya malaman ang gagawin at natataranta na siya. Kasalanan nya kung bakit nagkasakit ang kaibigan. Kung hindi nya ito niyayang uminom ng alak, hindi siguro ito magkakaganun.

Agad pumasok sa isip nya si Cholo. Oo nga pala at doktor ito. Tinawagan nya ito at tinanong ang mga dapat gawin.

Narinig ni Gwen na may kausap sya sa telepono. Tila alam nito na si Cholo ang kausap nya at nakumpirma nya ito nang muli itong nagsalita.

"If you really want to help me, stop calling him."

"Stop worrying best. Nagtanong lang ako ng gamot para sa may lagnat. If I tell him na may lagnat ka, for sure susugod yun dito."

Kumalma ito nang malamang hindi nya ipinaalam kay Cholo na miserable sya.

"I'll be fine. This is just another heartache."

"If you say so."

Maya maya ay pumatak na ang mga luha ni Gwen.

"Pero aaminin ko, masakit talaga."

Niyakap ni Kate ang kaibigan. 

Crazy wishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon