"Congrats sa unang mong art exhibit!" Pag bati sakin ng mga kaibigan ko.
"Thankyou. Anyways, I have to go may mga kailangan pa kong gawin. Tawagin niyo lang ako ung bibili man kayo sa isa sa mga paintings ko. Bibigyan ko kayo ng discount." Natawa pa ko ng konti sa huli kong sinabi.
"Ayan ang gusto namin!" Masayang sambit ng Hera.
Nag libot libot muna ako para tignan kung maayos naman ang lahat sa exhibit.
Napatigil na lamang ako ng makita ko ang isang babae na nakatingin sa isa sa mga painting ko nung bata pa ako. Tila ba nakatunganga ito habang nakatingin sa painting ko na yon.
Painting iyon ng isang babae na may mahabang buhok at magandang kulay kayumangging mga mata. That is practically my favorite painting na nagawa ko. Tanda ko pa na 18 years old ako noong nakita ko sya sa panaginip ko at ayaw kong makalimutan ang kanyang mukha kaya ipininta ko ito.
"Ang ganda niya diba?" bungad kong tanong na tila ba nagpabalik sa realidad ang babae.
"A-ah- oo..." Nagulat pa ito sa biglaang pag sulpot ko.
"Nakita ko kanina ka pa tulala dito habang nakatingin sa painting na ito. May I know why?"
"Ka-kamukha niya kasi kapatid ko nung nabubuhay pa sya." pilit na ngumiti ang babae.
I nodded. DI ko na alam ang isasagot. Mukang sensitive ata ang topic na yon sakanya.
"May nabanggit syang isang lalaki na nagpatibok sa puso niya habang naka coma sya. Sinabi niyang naka upo lang raw sya non sa isang bench nang may mag approach sa kanyang lalaki at nag tanong kung okay lang ba sya. Nang malamang hindi, tinray nung lalaking maging masaya sya kahit sandali lang. Sa huli ay na tagumpay sya. At dahil don, Mas naging pursigido si mamang gustong mabuhay at mahanap ang lalaking yon. Pero a week after niyang magising ulet galing sa kanyang coma, namatay sya." pilit tinatago ng babae ang mga luhang nag babadyang lumabas sa kanyang mga mata.
"May nabanggit bang pangalan ang kapatid mo kung sino ang lalaking yon?" tanong ko dito.
"Oo. Linden ang pangalan niya."
At tila ba tumigil ang lahat ng marinig ko ang sinagot niya. Same scenario. The exact same scenario na naganap sa panaginip ko nung 18 years old pa ko.
Names and events are all work of fiction. Walang totoo sa lahat ng toh.
BINABASA MO ANG
Random Thoughts
Random⚠️THIS IS NOT A STORY⚠️ A compilation of random things. Started: April 3,2021 Republished: May 25,2022