PC 1 - Basket

191 25 17
                                    

G/N: WELCOME TO PILYANG CHERUBIN, ANGELS! 😀❤

---

Chapter 1

Jeremiah 29:13: God promises that if we search for Him, we will find Him.

Ezra POV

Required bang sumigaw kapag nahuhulog mula sa langit? Parang yung nangyayari sa palabas na pinapanuod namin nila tats. Alam niyo na, updated kaya kami kung anong nangyayari sa lupa. Sa mga mortal.

"Uwahhhhhhhhhhhhhhhh aray!"

"Hala! Hulog ng langit oh."

Napalinga ako sa paligid.

May mga nakatingin sa akin.

Nandito na agad ako? Ang bilis ko namang makarating dito sa mundo ng mga mortal. Wala man lang grace landing.

Bigla nalang tumigil ang paggalaw nila kaya napatayo na agad ako. Ang sakit-sakit ng balakang ko ha. Ang cute cute kong baby tapos may rayuma na ako. Kulang lang ata ako sa zumba.

Tsaka, nandito na rin lang ako pero hindi man lang nagbago ang anyo ko.

Isa parin akong super cute na cherubin.

Pero wala na akong cute na pakpak.

Cute lang ang lahat sa akin.

Hahay. Cute problem. Hashtag.

Nasa 812 Convinience Store pala ako malapit. Ito yung sikat na store sa lupa, 8 days bukas tapos 12 hours ang duty ng mga tao. May mga sasakyan sa gilid at may kumakain sa labas. Pero hindi parin gumagalaw ang lahat.

Gabi na rin pala. Ang ganda ng mga ilaw sa paligid ha. Ganito pala ang concept dito sa lupa. Mas maganda pala sila sa malapitan. Pwede rin kaya akong magkulay dito? Open minded naman ang mga mortal 'e. Pwede seguro.

Hinila-hila ko ang palda ng ale na naghihintay ata ng sasakyan at pumasok sa loob ng saya niya. Napakurap ako ng ilang beses. Maling desisyon ata ang pagtago ko sa saya ng mortal na ito. Kakaiba ang amoy niya at madilim sa loob. Parang mahihilo rin ako kaya lumabas na agad ako.

Hah! A breath of not so fresh air.

Napakamot ako sa cute kong ilong. Mukhang matutuwa ako sa mga mortal ah. 'Wag lang yung ale kanina.

Lumapit ako dun sa magsyota.

Ang sweet-sweet nila.

Nagsubuan pa ng hotdog.

Ang inosente at cute kong mata.

Rated SPG ba ito?

Hindi na kayo pwede sa langit nyan uy!

Pero teka, wala naman si tats eh. Wala rin sina pareng Pedro. Tapos mga kapatid ko. Wala ng sasaway sa akin.

Umakyat ako sa upuan tapos sa mesa.

Ang cute kong mga biyas hindi agad sila maabot. Parang kanina lang nasa langit ako at lumilipad. Tapos dito halos gumapang ako. Gapangin ko kaya sila?

May kasama rin pala ang dalawang 'to. Mukhang busy ito sa pagbabasa ng libro. Sinilip ko ang binabasa niya.

The Bible?

Kay tats na libro?

Galing-galing naman. May fan si tats dito sa mortal world. Idol talaga si tats ah! Kinuha ko ang nakaipit na perasong papel sa Bible na binabasa niya. Mukhang magiging kapatid ko ang mortal na ito ah. Mukha lang. Hindi pa naman yun sure. Tsaka, hindi ko masyadong maaninag ang itsura niya kasi nakayuko ito. Busyhar lang.

Pilyang CherubinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon