G/N: Hi Angels! I'm back. Bwahahahaha. Busy lang. Toink. 😁
PS: Rainbow PC OST
Love love ko pala 'yang si Victor. Matagal na kami. HAHAHAHA 😍
---
Chapter 2
Mark 11:24: Therefore I tell you, whatever you ask for in prayer, believe that you have received it, and it will be yours.
Ezra POV
Love is like a thief in the night.
Sabay suntok sa hangin at 'yeah'.
Napakurap ako mga limang beses. Limang beses na walang labis at walang kulang. Wah! Ewan ko ba ba't napunta sa love at thief in the night ang naiisip ko pagkakita sa nakasalubong kilay ng lalaking ito na nakadungaw ngayon sa akin.
Napabalikwas ang munti kong katawan ng biglang kumulog ang langit.
Si Jairen Zac Escintosh na po ba ito, tats?
Nakatulala lang itong nakatingin sa akin. Maya-maya pa ay may sumunod dito.
"Tol prim-- o hahhhhhhh!"
Naka high pitch na tili nito sa gulat.
Napatakip pa ito sa bibig niya habang nanlalaki ang mga mata. Ang angas po niya, pwamis, pero ang tinis ng boses kung makasigaw. Tehehehehe.
"Shims! Ang gayish ng tili mo, Vince," biglang sulpot ng isa pa sa kanila. Sa dalawang unang lalaki pa ito nakatingin at hindi pa ako napapansin. Siya yung nag 'Welcome to Denverland' bago pumasok sa loob nitong bahay nila. "Shims na shims. Papuntang Denverland na sana ako 'e. Anong mero-- oh my shims? There's a b-baby?"
Napatakip din ito ng bibig.
"Mga Ginoo, halina't pumasok na ta-- por diyos por santo marimar fernando."
Isa ring napatakip ng bibig niya.
Naparakurap pa ito ng maraming beses. Mas marami pa sa kurap ko kanina na lima lang. Ang OA po nila. Pwamis po. Ngayon lang po ba sila nakakita ng cute na cute na cherub na kagaya ko? Iintindihin ko nalang po sila.
Maliban sa nakasalubong na kilay ni JZ. Jairen Zac but JZ for short. Huhu. Ang haba po ng name niya kaya JZ nalang tawag ko. Itong isang lalaki lang ang may magandang comment sa pagdating ko sa mundo ng mga mortal. Kasi si JZ, no comment pa rin.
"Hahhh," mahinang tili nito tapos tumikhim. "Amazing," maikling sabi niya.
Biglang umilaw ang langit at kumulog na naman ng malakas. Grabe talaga itong si tats. Inanounce na seguro sa langit na nandito na ako sa babantayan ko. Bigla tuloy akong nilamig dahil sa kasabay ng kulog ay may ihip din ng hangin ito. Wahh! Kanina okey naman ang panahon habang kasama ko si kapatid na Raphael na lumilipad. Pero ngayon ay mukhang uulan pa ang langit. Nagpaparty na seguro ang mga kapatid ko dun sa taas sa safe landing ko sa lupa kanina. Ahay naku po.
"F-Fuck," unang lumabas na salita kay JZ. Kaya kumulog na naman ang langit. Lahh! Kada mura ba may kulog?
Tats, galit ka po ba niyan?"
Umayos ang lima sa pagkakatayo nila ng kumulog uli. Yung kaninang naka high pitch na tumili ay biglang lumabas para ata tingnan ang gate nila. Parang naging alerto agad ito.
"I-Ito'y isang.. isang hindi inaasahang pangyayari," salita nung isang lalaki na palagay ko ay kapareho nila kapatid Raphael mag salita. Mukhang makata po itong tunay. "H-Halina't pumasok na muna tayo at mukhang uulan pa ng 'di napapanahon. Vince, ikaw'y ay pumarine na't pumasok sa loob. Mapanganib magbanta ang kalikasan. Hindi dapat nating ipagwalang bahala."
![](https://img.wattpad.com/cover/252843107-288-k113742.jpg)
BINABASA MO ANG
Pilyang Cherubin
FantasyPapaano kung ikaw ang naatasang bantayan ang mga hindi napapanahung mga kaluluwa sa lupa? Lalung-lalo na ang kaluluwa ng isang gwapo, masungit at palamurang lalaki na myembro pala ng isang matinik na gang. "Jairen Zac Escintosh? Pa'no ko ito mahaha...