G/N: Hi Angels. Busy lang ako sa pagmamahal sa kanya. Toink. Hahaha 🤣
Pulis or Army?
---
Fear not, for I am with you; be not dismayed, for I am your God; I will strengthen you, I will help you, I will uphold you with my righteous right hand. - Isaiah 41:10
Chapter 4Ezra POV
Para parin akong nasa alapaap. Sobrang saya palang lumipad kahit wala kang pakpak. Tapos isama pa ang mga iba't-ibang kulay ng ilaw. Astig.
"Gusto ko pa. More. More. More," napapahagikhik kong sabi habang napapalingon sa lalaking mahimbing ang tulog sa gilid ko. Parang mas papasa pa itong anghel kaysa sa 'kin' e.
Opo. Tama po.
First night at magkatabi po kami ni JZ.
Nagpresenta kasi siya kina kapatid na sa kanya lang daw muna ako ngayon.
Pero ang totoo niyan, hindi naman talaga ako natutulog ng kagaya nitong mga mortal. Ang isang cute na cute na cherubin na kagaya ko ay kahit walang tulog ng ilang araw ay cute parin. Walang nagbabago sa itsura namin. Kaya ito at gising na gising ako. Matutulog lang ako kung trip ko lang.
Sana all, 'di po ba?
Bumangon ako para tingnan uli si JZ.
Grabe. Ba't ba kasi ang kinis niya?
Ang gwapo ng side profile oh. Ang amo pa ng mukha. Ganito ba talaga sa personal ang mga nilalang sa lupa?
Tapos ang unang gabi ko pa rito ay sobrang nakakatuwa na ang nangyayari. Ang saya ko talaga kanina. May pa airplane ride pa sina kapatid kasi. Mas masaya pa yun sa laging grand entrance ni kapatid Raphael.
Ang swerte mo ngang cherub, Ezra.
Napabalik ako kunyari sa paghiga ng gumalaw ito kaunti at napaharap sa akin.
"Mighty night, baby," sleepy voice nitong sabi habang mahinang tinap ang sa may paa ko. Nakapikit parin ito.
Napalingon ako sa kabilang banda at napanguso. Bakit ba kasi si JZ ganito?
Can I call him daddy instead of dada?
Para medyo may iba naman.
Daddy Jairen Zac. Baby Ezra here oh.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa. Bagay din pala yung tawag na daddy sa kanya. Daddy Jairen Zac. Daddy Zac. Daddy JZ. Di di Z.
Nilingon ko ito uli.
Mukhang malalim na ang tulog niya kaya walang ingay akong bumaba sa higaan. Inamoy ko muna ang bedsheet bago gumapang sa sahig. Amoy mabango. Bagong laba 'to dahil malinis.
Gumamit kaya siya ng fabric conditioner kagaya nung sa commercial ng mga mortal sa TV? Ito na ata ang amoy nun' e. Amoyless kasi lampin namin.
I'm sure talaga na magiging mabuting ama itong si JZ balang araw. Mukha lang itong snober tingnan at masungit lalo na kapag nagmumura ito. Sa aking unang judgement sa kanya. Isa itong mabait na mortal. Judgemental kasi ako.
Nilingon ko muna ito bago buksan ang pintuan. Hindi naman ito nakasara talaga. Sinadya nila kapatid baka umiyak daw ako at mapuntahan agad nila.
Oh 'di ba? Ganyan ang mga dada ko.
Dadaluhan agad ako. Tehehe.
"Kapatid JZ," mahina kong sabi. "Hindi talaga halatang nagmumurang tao ka ngayon sleeping handsome ka. Dapat nagmamahal ka lang lagi. Oh siya, batsi mo na ang cute na si ako. Stay sleeping handsome daddy ka muna d'yan aking bagong kapatid. Ciao."

BINABASA MO ANG
Pilyang Cherubin
FantasyPapaano kung ikaw ang naatasang bantayan ang mga hindi napapanahung mga kaluluwa sa lupa? Lalung-lalo na ang kaluluwa ng isang gwapo, masungit at palamurang lalaki na myembro pala ng isang matinik na gang. "Jairen Zac Escintosh? Pa'no ko ito mahaha...