PC 5 - Angel Baby

47 9 10
                                    

G/N: Hi Angels, kumusta? 🤭

I'm back! Medyo busy talaga ako kaya slow update ang story. Thank you for not leaving IAmGuardianAngel. ENJOY READING. 😘

--
Have I not commanded you? Be strong and courageous. Do not be frightened, and do not be dismayed, for the LORD your God is with you wherever you go. - John 1:9

Chapter 5

Ezra POV

The enlighten one are those who question everything, those who seek for answers.

Nakatingala akong pinagmamasdan ang liwanag ng langit. Pero dahil sa medyo masakit sa mata ang liwanag tinakpan ng cute kung kanan na kamay ang nakasisilaw na nilalabas nito.

Literal na enlighten nga.

Parang dadalhin ako pabalik sa langit.

Napahagikhik tuloy ako.

Dapat maiinis ako kanina dahil sa itsura ko ngayon kaso bigla kong naalala ang turo ni tats. Sabi niya walang puwang dapat sa puso naming mga anak niya ang magtanim ng sama ng loob sa kapwa at magalit sa mga kapatid namin sa langit tuwing nagkukuletan o asaran kaming lahat.

'Do not take revenge, my child and leave the room for God's wrath. It is mine to avenge. I will repay,' naalala ko pang sabi ni tats. Medyo nakakakilabot pa nga pagkasabi niya nun. Buo at malamig kasi boses niya. 'At ang pilit na ibinababa ay siyang aking itataas. Iyon ang inyong laging pakatandaan.'

Kaya naman mababait kami sa langit.

Matindi kasi si tats magparusa.

Lalo na itong nangyari sa akin ngayon. Wah! Pilya naman kasi ako. Aminado naman din po ako dun.

"Hindi bali, matatapos ko rin tong misyon ko para makauwi na ako kasama ang mga kapatid kong cherub," sabi ko sa sarili. Napapasuntok pa ako sa hangin sa tuwa sabay palakpak. "Maglalaro kami ng maglalaro. Babalik na ang sigla sa langit dahil nakabalik na ang pinaka cute na nilikhang cherub sa immortal world. Yey. Yey. Yeyyyyy!"

Napatingin ako sa paligid at muling nagumpisang maglakad. Ito ata ang tinatawag nilang hall way ng campus nila kapatid. May nabasa kasi akong nakaukit sa dingding kanina na National Hall Way tapos may mga arrow kaya sinundan ko nalang.

"Aray ko po," daing ko ng may isang batang nasagi ang kaliwang siko ko habang ito'y tumatakbo. Muntik pa akong matumba kaya sinamaan ko ito ng tingin pero tinawanan lang niya ako.

"Wahahahaha.. tanga mo. Bleh!" asar niya habang ipinagpatuloy uli ang pagtakbo. Lumingon ito saglit sabay sabing. "KULOT SALOT! WAHAHAHAHA! SALOT KAYA KULOT!"

Ang bully naman nun.

Sino bang mga magulang ng batang palaaway na yun? Mapagsabihan nga.

Salot daw ang mga kulot? Aba!

Hindi niya ba alam na ang mga kulot na kagaya ko ay mga natural cute.

Susundan ko sana ito para maturuan ng leksyon ito pero 'wag nalang muna. May mas importante pa akong gagawin kaysa paghigantihan ang batang iyon. Naku talaga. Mga bata ngayon oh. Mabuti nalang iba ako sa kanila.

"Bawal ang pilya ngayon Ezra ha,' paalala ko sa sarili ko." Cute lang ikaw dapat. Uwu? Omsim? Yeko? Hindi mo pa kabisado ang mga mortal. Yeko? Palampasin mo muna. Bata e. Ganun talaga."

Nagpagpag ako kunyari sa suot kong puting damit kahit wala namang dumi. For the effect lang naman po. He he. May kalakihan ito sakin pati na rin ang pulang shorts ko oversize. Tinalian ko lang para hindi malaglag.

Pilyang CherubinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon