G/N: Hi Angels! This will be our UpComing Story (after BM). Side story ito ng BM, pero mababasa niyo ito ng 'di babalik sa BM. Kumuha lang ako ng character sa kanya. Isasabay ko ito sa ating Historical Fiction na My Love From 80's.
TO GOD BE THE GLORY! 🙏
---
PROLOGUE
Ezra POV
"FUCK! THE FUCK WAS THAT?!"
Napatigil ako sa masayang pagkukulay ng mga ulap. May pumutok kasi na bula sa harapan ko.
Taboo na naman! Hss!
Nakasimangot akong pinagpuputok sila ng tuluyan sa hangin. Mga bula ito na may lamang mga mura at masasamang salita na kapag napunta sa ulap ay iitim. Nagiging makulimlim ang mga kulay nila hanggang sa umiyak ang langit at nagiging malakas na ulan sa lupa.
"Sinisira niyo ang masterpiece ko mga mortal!"
Pinutok ko uli ang mga bula.
Fucking shit! Shut the fuck!
"Aba't, sumasagot pa kayo ha! Hss!" Tinusok ko ang natitirang lumulutang. "Ayan. Tumahimik din kayo."
Hss. Kumakati na naman ang cute kong tenga kaya kinalikot ko 'to. Dahil talaga 'to sa mga murang taboo 'e. Ang sakit nila sa tenga pakinggan. Ba't ba trip ng mga nilalang sa lupa ang mga salitang ganun? Hss. Hss.
Mga pinapanood na naman ito ni tats.
Inamoy ko agad ang cute kong hinliliit dahil pre-requisite ito bago ipahid ang nasungkit na uhog sa tenga.
Napangiwi ako.
Ew, balahura ka self ha.
Napahagikhik ako at tiningnan nalang ang maliliit na pakpak sa likod ko. May mga kulay na ito. Hehe. Ang ganda tingnan. Para akong pixy. Hmm. Mabisita nga sila minsan sa fairy land.
Lumipad ako pababa bitbit ang mga pangkulay. Sa kabila na naman ako para sa mga borealis.
TEHEHEHEHE.
Playtime. Playtime. Playtime.
"Ezra, ano na naman 'to?!"
Afatay.
Si kapatid.
Para akong naistatwa habang dahan-dahang humarap sa likoran ko. Si kapatid na Abi. Isa sa unang cherubin. Ilang libong taon na ito pero hindi parin lumalaki kagaya ko. Mukha kaming mga one year old baby na tanging makinis na lampin lang pang-ibaba ang suot. Pero syempre, ako ang pinaka cute sa aming lahat. Magba-bias na ako sa sarili ko. Self-love ang tawag dun. He he.
Lihim akong napapitik. Pagagalitan na naman ako nito. Malamang sa malamang. Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Y-Yow. Ka.. k-kapatid ko."
"Ba't mo na naman kinulayan ang mga ulap?" Unang matinis na sermon niya tapos sunod-sunod na yun. "Ako na naman ang pagagalitan ni ama nito, Ezra. Alam mo namang bawal nating pakialaman ang mga ulap kapag hindi pa panahon ni Ulani. Pinagpuputok mo pa ang mga taboong bula. Kailangan nilang makalapit sa mga ulap para mamuo bilang bagyo. Iyan ang kaparusahan ng mga nilalang sa baba. Lahat ng ginagawa nilang hindi mabuti ay babalik sa kanila ng doble o sobra pa. Kailangan nilang matuto."
Napanguso ako.
Maganda kaya na may kulay ang ulap.
Rainbow ang tawag d'yan, kapatid.
Napaaga lang.
At tsaka, kapag hindi ko pinutok ang mga bola. Mawawala ang mga pinaghirapan kong pagkulay sa ulap.
BINABASA MO ANG
Pilyang Cherubin
FantasíaPapaano kung ikaw ang naatasang bantayan ang mga hindi napapanahung mga kaluluwa sa lupa? Lalung-lalo na ang kaluluwa ng isang gwapo, masungit at palamurang lalaki na myembro pala ng isang matinik na gang. "Jairen Zac Escintosh? Pa'no ko ito mahaha...