Pagkapasok namin ni SM sa gym ng school ay nakita ko agad ang nga kaklase namin kasama na dun ang pinakamamahal kong si Stacey.
Si Stacey Balmeo ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Hindi lang siya maganda, sexy pa, mabait, matalino, etc. etc. Basta she's almost perfect.
*TOINKS*
Napahawak ako sa ulo ko.
"Aray ko naman! Hoy SM ano bang problema mo?!!" Sigaw ko sa best friend ko habang hinhimas ang ulo kong tinamaan ng bola.
"Yung laway niyo ho kasi tumutulo na kakatitig diyan sa Stacey na yan! Tss!" Sigaw niya pabalik.
Ang init talaga ng dugo ni SM kay Stacey. Ay ewan! Oh! By the way hindi niyo pa nga pala ko kilala. Camilo John Dimayuga. Gwapo *ehem* matalino *hmm* at mabait at sporty person din ako I also use to sing and play guitar.
*TOINKS*
"Ano ba naman SM, nakakadalawa ka na ah!" Iritable kong sigaw habang iniinda ang sakit ng ulo kong tinamaan ulit ng bola.
"Tulala ka kasi eh andyan na si Sir!"
"Tss."
"Tss." Panggagaya ni SM sabay make face.
"Aish! Tumigil ka nga Satana Marie!"
"Anong sabi mo hah?!"
"Hah? Ako? W-wala joke lang yun hehe, peace na tay- -"
Naputol ang pagsasalita ko dahil sa biglaang pagdating ni Sir.
"Okay class. Silence please!"
Hindi ako makapag-concentrate dahil kay SM eh. Panay kasi ang paninitig niya ng masama sa akin. Dapat talaga diko na siya tinawag sa pangalan niya eh, hay kulit kasi e. Naku! Patay na naman ako neto.
"Thursday is our first activity ang I hope everyone will attend my class by that day ayrt?"
"Yes Sir" sabay sabay naming tugon.
"Okay class dismiss."
Wala pa masyadong ginawa kasi first day of class pa lang naman. Isa isang tumayo ang mga kaklase ko mula sa pagkakasalampak sa sahig ng gym at kasama na dun si SM. . nako Neto na nga bang sinasabi ko eh. Hindi niya talaga ko papansinin.
"Uy! SM!" dinig kong tawag ng isa naming kaklase kay SM.
"Oh?" Sagot ni SM
"Tara, sabay na tayo?"
"Sige" sabay nod ni SM
Pinanuod ko lang sila habang naglalakad palabas ng gym. Umiisip ako ng paraan kung pano kami magkakabati ni SM. . .
"Hi Camilo!" Sabi ng isang babae sa likod ko.
"Hello!" Sagot ko nang hindi man lang lumilingon.
"Hindi mo yata kasabay si SM? May halong pagtataka niyang tanong.
Nalungkot ako sa sinabi niya, oo nga first time kong di kasabay si SM kahit noong nakaraang taon ay palagi kaming magkasabay. Nilingon ko ang babae.
"Oo kasi- - - S-stacey?"
"Bakit?"
"Hah? Ah..eh. Wala. Wala"
"Ah ok. Bye na! Mauna na ko sayo!" Paalam niya.
"S-sige bye!"
Grabe! Pakiramdam ko pulang pula yung mukha ko. Nakakahiya! Ang ganda niya talaga! Kailangan ko talaga ng gumawa ng paraan para maging girlfriend ko siya. Hmm! Alam ko na! Nakaisip na ko ng plano kaya lang sana pumayag ang best friend ko.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend is an EVIL
Teen FictionAuthor's Note: Una, ipagpaunmanhin niyo po ang kung may typo kayong mababasa. Di ako perpekto. Nagkakamali din ako. Pangalawa, ang inyo pong mababasa ay kathang isip lamang. Sadyang mapaglaro lang talaga ang isip ng tatlong author. Pangatlo, sa pho...