*Ano ba ang nangyayari?
Pinagtritripan ba nila ako?
Nasa wow mali ba ako? Nasan ung hidden cameras?* Sunod sunod kong tanong sa sarili ko. Gusto kong mag mura parang sasabog na ako anumang oras.
Akala ko ba nakidnap siya? Bakit siya nakikipagyakapan sa kumag na adrian na yon?!!
"S-sm" may halong panginginig ang aking bosea ng tawagin ko siya.
"Oh, Camilo!" Sambit niya kasabay ng paglingon nila ni Adrian sa akin. Bakas pa sa kanyang mukha ang natuyong luha. Pero bakas din dito ang tuwa.
"A-akala ko ba nakidnap ka?" Tanong ko na may pagtataka.
"Akala ko nga rin e..." Bakas pa sa tono ng boses niya ang saya.
"Yun pala may surprise tong si Adrian" pagpapatuloy niya sabay siniko pa ang kumag na yon. "Kaya pala ako pinapunta dito ay dahil manliligaw siya. At dahil na appreciate ko naman ung effort niya. Sinagot ko na siya!" Sabi niya sabay ngumiti.
"So kaya mo pala ako pinapunta dito para ipamukha sa akin na kayo na?" Malumanay at may halong inis kong tanong.
"Hindi, nagkakamali ka ng iniisip. Diba nga sabi ko sayo na di ko rin alam na ganto pala. Ang akala ko talaga ay nakidnap...."
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at lumabas na lugar na iyon. Nanggigilid na ang luha ko at kanina ko pa toh pinipigilang di pumatak. Diko din alam kung ano bang nangyayari sa akin.
Akala ko susundan niya ako at magpapaliwanag pa. Pero pag tingin ko sa likod ko ay walang kahit na anino ni Sm. Naririnig ko ang boses nila na nag uusap. Mukhang masayang masaya sila samantalang kabaligtaran non ang nararamdaman ko.
Para akong matutumba. Pinilit kong ilakad ang nanghihina kong mga tuhod at napag desisyunan ko na umuwi nalang sa bahay namin.
Habang naglalakad ako pauwi ay para akong tanga na kinakausap ang sarili ko. Andami kong tanong. Naguguluhan ako.
*Ano na nangyayari sa bestfriend ko? Kelan lang sila nagkakilaka nung kumag na Adrian na yun ah. Bakit ang bilis nilang magkainlaban? Ang alam ko mas lalaki pa siya at mas astig dun e. Hindi na siya ung Sm na nakilala ko, Nagbago na siya. Naimpluwensyahan na siya ng Gagong yon.
Bigla naman akong nawala sa ulirat ng marinig ko ang malakas na busina ng kotse sa harap ko. Hindi ko namalayan na nasa gitna na p
"Hoy! Ano ba balak mo sa buhay mo?" Bulyaw nung driver ng kotse sakin.
"A-ah so-sorry po"mapagkumbaba kong sagot at yumuko pa ako.
Agad namang umalis ang kotseng muntik nang makabundol saken. Buti nalang at mukhang nagmamadali.
Ilang minuto pa ang nakalipas at hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng bahay namin.
Agad na akong umakyat papunta sa kwarto ko para makapag pahinga na. Umaasa na isang malaking bangungot lang ang nangyari maghapon. Ang pag katalo ko sa Adrian na yon at nung nalaman ko na sila na pala ni Sm. Hindi ko na nakuhang kumain dahil sa pagod at sa unexpected happenings buong maghapon.
Bigla naman akong napatingin sa wall clock at nakita ko na mag aalas diyes na pala ng gabi. Grabe hindi ko namalayan ang oras. Kaya naman agad ko nang pinikit ang aking mga mata and then everything went black.
A/N:
Dedicated toh Kay Trizza Ganda, hoho. Salamat sa inyong lahat.

BINABASA MO ANG
My Bestfriend is an EVIL
Teen FictionAuthor's Note: Una, ipagpaunmanhin niyo po ang kung may typo kayong mababasa. Di ako perpekto. Nagkakamali din ako. Pangalawa, ang inyo pong mababasa ay kathang isip lamang. Sadyang mapaglaro lang talaga ang isip ng tatlong author. Pangatlo, sa pho...