Kabanata Tatlo (The Transferee)

93 4 1
                                    

Pag labas ko ng gym ay agad kong hinanap si SM at awa ng diyos di naman ako ganong nahirapan na hanapin siya dahil agad ko siyang nakita sa rooftop, paborito niya kasi ang lugar na toh sa school dahil maganda daw ang atmosphere dito. Naka headphones siya at suot niya ang paboritong cap niya na bigay ng mommy niya.

"Hoy! SM!!"

I doubt kung narinig niya ba ko, pero mukhang malabo yun, kaya lumapit ako sa kanya at tinakpan ang mata niya.

"Anong kailangan mo Camilo?" saad niya sa isang napaka-seryosong tono na nakakakilabot kaya agad kong tinanggal ang mga palad kong nakatakip sa mga mata niya, at sa wakas humarap na siya sa akin.

"Sabi ko anong kailangan mo?"

"Ah?! A-ano.." Fuck. Kinakabahan ako.

"Ano?"

"Kasi Ano..??" Shit

"Ano SM..ahm"

"Fvck! Ano ba?" Sigaw niya na halatang naiirita na actually yon talaga plano ko ang asarin siya.

"SM..."

Sa pagkakataong yon hindi siya nagsalita at kinuwelyuhan agad ako sabay akmang susuntukin.

"SM! SORRY NA! BATI NA TAYO! SIGE NA PLEASE!" Dire diretso ko yung sinabi nag-pout pa ko para mas makatotohanan sabay litaw ng isang box ng ferrero sa mukha ni SM.

Tumingin siya dun sa ferrero sabay, "Tss."

"Ano? Is it a yes? Hah? Hah?" Pangungulit ko.

"Hay nako para kang babae napakadaldal mo! Amina nga yan." Sabi niya sabay hablot sakin nung chocolate.  Tsk, tsk. Sabi ko na nga ba yan lang kahinaan niya eh.

"May kailangan ka? Ano yon?" Tanong niya. Hay kabisado niya na talaga ko.

"Ah. Eh. Ano. Pano nga ba? Kasi ganito yun.."

"Tangna. Matutuloy ba yan o ano?!" Iritable niyang tanong.

"Tulungan mo naman akong manligaw kay Stacey?"

"Kaya naman pala niyang sabihin pinahaba pa, ang dami pang...Ano!? Teka nga, teka lang sinasabi mo bang ako tutulungan kita sa panliligaw sa Stacey na yan? AKO? HAH?!"

"SM naman ngayon lang toh promise, sige na please! Bestfriend mo naman ako eh please, please, please." Pinaglapat ko ang mga palad ko para mas effective.

"Psh. Fine. Fine. Anyway I have to go may practice ako, and oh thanks for thia." She winked.

Cute ng Bestfriend ko. Pero teka nga may practice? Diba kasali ako dun? Ay! Pota late na ko. Anak ng tupang baog!

Humihingal akong dumating sa tennis court dahil tumakbo ako mula rooftop hanggang dito.

"Waaah! Pogi!!"
"Grabe! Kuya single ako! Promise!!"
"Yay. Akin ka nalang pogi."

Teka nga ano bang meron dito?

"Uhm teka Miss ano bang meron bat ang gulo?"

"Huh? Di mo alam? Ayun oh may bagong player ng tennis, transferee daw yun, sobrang galing daw nun mag tennis, ang pogi pa yay!"

Napatakip na lang ako sa tenga ko sa sobrang ingay nang mga babae dito.

Ayun tuluyan na kong pumasok at tama nga yung babaeng kausap ko kanina mayron ngang transferee at may ka close agad siya?

Di ko makita kung sino yung kausap nung transferee kaya lumapit pa ko lalo. At si...SM? Si SM yung kausap niya? Kaano-ano kaya ni SM yung transferee na yon?

Naputol ang ingay ng biglang dumating ang aming tennis teacher/coach.

My Bestfriend is an EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon