Kabanata Anim (Revelations)

31 3 0
                                    

*eeenk* nagpakawala ng isang matinis na tunog ang speaker kung saan nakakonekta ang mike.

"Ehem! Ehem!.." Panimula ng host.

"Attention everyone! Sa lahat ng magta-tryout for table tennis, please proceed now to the school's gym. The tryout will start within a minute.

Nang marinig ko iyon ay agad kong nilingon si SM para sana again na siya pero laking gulat ko ng wala na pala siya sa akong tabi.

*Nasan na kaya iyon?* naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

Medyo natagalan din ako sa paghahanap kay SM kaya naman naisipan ko ng pumunta sa gym at inisip na siguro ay nauna na si SM dahil sa sobrang excitement.

Grabe ang dami ng tao sa gym, sobrang daming gustong mag tryout, ilan sa kanila ay dati ko ng nakakalaban ang iba ay ngayon ko lang nakita at hindi pamilyar ang mga mukha.

Sa di kalayuan ay nahagip ng aking mga mata ang kanina ko pang hinahanap na si SM. Lalapitan ko sana siya kaya lang ay bigla Kong nakita na kausap niya pala yung kumag na si Adrian. Psh! Nakakainis! Kanina ko pa siya hinahanap tapos nandito lang pala siya. Nakikipag-usap sa iba, Kala ko ba bestfriend ko siya? Ganon ba ang Bestfriend? Nang iiwan?

Kahit asar na asar ako ay pinilit ko ang sarili kong kumalma.

Hinayaan ko na silang magsama don. Umupo na lamang ako at naghintay na tawagin ang pangalan ko.

Samantala unang sumabak si Jerico Talavera na may malaking katawan. Halos manlaki na ang kanyang ilong dahil sa sobrang gigil niya sa paglalaro. Nag mukha tuloy siyang si Captain Akagi ng slamdunk. Sa kabilang banda ay kalaban niya ang medyo may kapayatan na si Patricia de Belen, sa sobrang gaan nito ay kayang kaya niyang pektusan ang bola dahilan upang matalo niya ang kalaban na si Jerico.

Sumunod na sumabak si Rovelyn alias Bae, balita ko ay may gusto daw ang isang toh kay kumag pero wala akong pakialam dun, tss! Samantala kalaban naman niya ang napaka angas na si Derwin Mendoza. Heartthrob siya sa school kaya iyon ang naging advantage niya para matalo si Rovelyn. Ginamit niya ang kanyang charm skills.

Hindi na ako nanood dahil naboboringan na ako. Alam ko naman na kami ni SM ang mapipili eh.

Nagfocus nalang ako sa paglalaro sa cp ko.

Agad namang nabuhay ang nabobored kong dugo ng marinig ko na tinawag ang pangalan ko. Hudyat na ako na ang sasabak para sa tryout. Pero mas lalong nabuhay ang dugo ko ng marealize ko na ang makakalaban ko pala ay yung kumag.

Magsisimula na ang laro, gigil na gigil ako at dito ko binuhos ang lahat ng sama ng loob ko dahil sa rebelasyong nakita ko kanina.

Buong lakas kong hinampas ang bola gamit ang raketa ng table tennis dahilan para makapuntos ako. Lalo pang nakapagpainis sa akin yung score namin. Dahil halos hindi ito nagkakalayo. Kanina pa kami naglalaro ngunit wala pa ring nananalo, pero buti nalang at lamang ako. Bigla namang nahagip ng aking mata si SM. May banner pa siya na halata mong nagong gawa lang at may nakalagay pang "GO ADRIAN!!!" Nadistract ako at dahil dun ay makapuntos si Adrian. Pantay na ang aming puntos. Nagulat ako ng pumito ang referee. Buong akala ko ay may nanalo na, subalit ang sabi nila ay masyado daw kami magaling kaya magpahinga muna kami at sa iba nalang kami ilalaban.

Naupo ako at idinukdok ang aking ulo sa aking mga hita. Hindi ko namalayan na napaidlip pala ako dahil sa sobrang pagod. Nagising na lamang ako na si SM na ang nagta-tryout. Halos tinambakan ni SM ang score ng kalaban niya. Kaya sa huli ay siya ang si SM ang nanalo.

Bigla naman nagsalita ang host at sinabi ng iaannounce na daw ang napili ng mga judge.

"Okay, these are the lucky players. We have...Satana Marie Buque, Camilo Dimayuga and Adrian Barurat. Let's give them a round of applause."

Pumalakpak ang mga tao ngunit kita ang gulat at pagtataka sa kanilang mukha dahil kahit ako ay nagulat kung bakit tatlo ang nanalo.

"Excuse me. Okay I know you guys are confused bakit tatlo sila iyon ay dahil kanina nagbunutan ang judges at among the three may dalawang maglalaban at ang siyang nananalo ay isa sa masasali sa tournament."

"Okay ang maglalaban ay si...Camilo and Satana Marie, since naglaban na din si Adrian at Camilo hindi na sila maglalaban. So we'll start the game now."

Nagulat ako sa naging resulta ngunit wala akong magagawa kundi lumaban. Nagsimula na ang aming laro at talaga namang magaling mag laro ang Bestfriend ko, tuwing naglalaro kami ay palagi siya ang nanalo laban sa akin.

Kaya nga sa huli ay si SM ang nanalo at silang dalawa ni Adrian ang 2 representatives ng school para sa tournament.

Sa sobrang disappointment, asar at inis ko ay pinili ko na lamang umuwi at doon magmukmok. Pagkarating sa bahay ay nagpalit ako ng damit at magpahinga. Nang bigla kong naalala na sabay nga pala kami dapat uuwi ni SM. Patay!

Naisipan ko na tawagan si SM at nagulat ako nang sumagot siya dahil...

"He-hello. Camilo! Tulungan mo ko!" Humihikbi siya at takot na takot ang boses niya.

"Ha? Bakit? Ano nangyari? Nasan ka ba? SM?" Sunod sunod kong tanong dahil sa pagkataranta

"Hindi ko alam. Basta may mga lalaki na nagsakay sa akin sa van habang pauwi ako tapos dinala ko dito." Pa tuloy pa din siya sa paghikbi.

"Okay. Kumalma ka lang. Tingnan mo yung paligid, describe mo sakin yung mga nakikita mo dyan pupuntahan kita." Sabi ko para kumalma siya.

Dinescribe ni SM ang lugar kung nasan siya at nagmadali naman akong umalis para hanapin iyon. Nang nakita ko lugar na tugma sa description na sinabi ni SM ay dali dali ko siyang hinanap. Nakita ko si SM ngunit nagulat ako ng makita na masaya siyang tumatawa kasama si..Adrian? Akala ko ba nakidnap siya? Ang gulo!!

A/N

Hi. Dedicated to Trisha Mae at Reela na maganda ulit ang chapter na ito. Thank you guys!

My Bestfriend is an EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon