Kabanata Siyam (Ex--)

26 2 0
                                    

Pagkatapos ng makaagaw pansin naming eksena kanina ni Adrian ay napag pasyahan ko na maglakad lakad na lang dahil nawalan na ako ng ganang kumain.

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Pero isa lang ang sigurado ko ngayon, kailangan kong makausap si SM.

At doon ko natagpuan ang sarili ko. Nakatayo sa harapan ng maliit na bakuran nila SM na napalilibutan ng magagandang halaman at mga bakod may iba't ibang kulay at isang gate kung saan nakaukit ang salitang MARIE.

Lumapit ako rito at sinimulang i-trace ang bawat letra ng pangalang iyon..

"Haayy, Satana I don't think you will believe me... "

"Camilo?"

Napatalon ako ng bigla kong narinig ang boses na iyon. Matagal ko na din siyang hindi nakakausap at nakikita, agad ko naman siyang hinarap upang hindi naman ako magmukang isnabero.

"O-oh, Stacey!"
Sagot ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ahhm binibisita si SM?"

May pag aalangan kong sagot.

"Hala? Di mo ba alam?"

Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Stacey. Anong di ko alam? Bakit hindi ko alam? Ang alin?

"H-huh?"

"Di mo talaga alam? Camilo? Totoo ba to? As in? Ang mismong bestfriend ni SM ay walang alam??!"

Nakita ko ang medyo gulat na may halong panunukso sa reaksyon ni Stacey

"Ano ba kasi talagang meron? Ano bang nangyari?!"

Magkahalong inis at galit ang nararamdaman ko ngayon..

"Woah. Easy Camilo.. Ahm gusto mo lakad lakad muna tayo? I'll tell you everything I know promise.."

Pumayag na lang ako sa gustong mangyari ni Stacey kahit na wala talaga ako sa mood maglakad kaysa naman hindi ko malaman kung ano ba talagang nangyayari.

"Camilo!"

May awtoridad ang boses ng tumawag sa akin.. Ngunit kahit ganoon maririnig mo pa rin dito ang pagka malumanay into..

"Looks like your best friend's here.. Or should I say EX-BESTFRIEND?"

Tinapunan ko nang Isang masamang tingin si Stacey ngunit tinawanan niya lang ako,

"Haha. Kidding! Sige na. Got to go! Haha"

Napa iling na lamang ako kay Stacey.. Hindi ko alam na may pagka makulit pala siya. Haayy..

"Oy tol! Bakit?? Miss mo na ko?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend is an EVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon