Nandito ako ngayon sa aking kwarto. Nakahiga, nakatitig sa kisame at nag-iisip ng mga pwede kong gawin bukas. Bukas kasi gaganapin ang tryout namin at kung sino man ang mapipili ay sayang lalaban para sa isang tournament, dalawa ang pipiliin para i-represent ang among school. Tsk, humanda sakin ang kumag na Adrian na yun. Akala niya naman kung sino siyang magaling! Intayin lang niya at ipapakita ko sa kanya ang akong...
Mighty...
Meaty...
Jumbo...
Juicy...
At tasty..., skills pagdating sa table tennis.
----
Kinabukasan ay maaga akong nagising bandang alas singko ay mulat na ang akong ulirat. Pero nanatili ang akong likuran sa malambot kong kama. Ganito ako palagi tuwing nagigising ako ng maaga ay hindi ako kaagad bumabangon.
* Ayayay ang galing kong magsuklay
Ayayay ang galing kong magsuklay
Ayayay ang galing kong magsuklay
...truut..truut.*
Nagulat ako ng biglang tumunog ang ringtone ko. Ang aga naman kasing nambubulabog niyo eh. Dali-dali kong hinanap ang cellphone ko na nakalagay sa ilalim ng aking unan. Patuloy pa din ito sa pagtugtog at ng matagpuan ko na ito ay nasilaw ako sa liwanag na dala nito dahil madilim pa at nakapatay ang ilaw sa aking kwarto kaya naman sinagot ko ang tawag ng hindi man lang tiningnan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" Panimula ko habang humihikab
"Hoy, Camilo! Baka naman gusto mo ng lumabas dyan at kanina pa ko naghihintay dine. Alam mo namang maaga dapat tayo ngayon eh. Bilisan mo na at lumabas ---"
Naputol ang sinasabi ni SM dahil pinatay ko na agad ang tawag. Dali-dali nakong bumangon, naligo saglit at sinuot ko na yung uniform ko para sa tryout. Nagmamadali akong lumabas at dmiretso na sa kusina para kumuha ng tatlong crossini, paborito namin ni SM ang tinapay na iyon kaya bibigyan ko na din siya at para na din di niya na ko bulyawan. Tumakbo na ko palabas ng among bahay at paglabas ko ng gate ay bumungad sa akin ang likod ni SM.
"Ahm..SM!" Tawag ko sa kanya habang nginunguya ang Crossini na kinuha ko.
Lumingon siya suot ang kanyang itim na aura. Naku, patay!
"Camilo!!!" Bulyaw niya.
"Tangna ka. Alam mo bang kanina pa ako naghihintay sayo. Gago ka. Namuti na mata ko dito, tinubuan na ko ng ugat, wala ka pa din." Sigaw niya sabay batok sa akin pagkatapos niyang nagsalita.
"Aww. Teka lang. Sorry na. May bibigay pa naman sana ko sayo" ngumuso ako.
"Hoy! Lubayan mo ko Camilo, wag mo kong artehan." Sagot niya.
"Tadaaah.." Sabay pakita ko ng crossini sa harap niya.
"Dinala ko yan para sayo." Kinindatan ko sya.
"Okay." Umirap sya at kinuha yung crossini.
Napangiti ako ng palihim.
Nagsimula na kaming maglakad papuntang school dahil malapit lang naman ito. Nauuna si SM sa paglalakad kaya..
"Hoy, aba bilis-bilisan mo dyan kung gusto mong makaabot tayo sa tryout."
Tumango ako at tumakbo palapit sa kanya para masabayan sya sa paglalakad. Tahimik kami habang naglalakad kaya ako na ang nagsimulang magsalita.
"Uy, SM, wag ka ng magalit dyan. Di tayo male-late at sigurado naman akong tayo ang mapipili eh. Tiwala lang." Puno ng confidence kong sambit.
Napangiti si SM dahil sa sinabi ko. At tumuloy na kami sa paglalakad.
-----
A/N:
Sorry po tagal ng update medyo busy eh. Dedicated to Reela and Trisha Mae ang chapter na toh. Thankie!

BINABASA MO ANG
My Bestfriend is an EVIL
Teen FictionAuthor's Note: Una, ipagpaunmanhin niyo po ang kung may typo kayong mababasa. Di ako perpekto. Nagkakamali din ako. Pangalawa, ang inyo pong mababasa ay kathang isip lamang. Sadyang mapaglaro lang talaga ang isip ng tatlong author. Pangatlo, sa pho...