- - -
"Kailan mo ba 'ko balak sagutin?"
Malalim kong pinag-iisipan ang tanong ni Euiko kanina habang nakatingin sa bintana ng kotse at pinagmamasdan ang bawat puno, bahay na nadadaanan namin nang tuluyang makapasok sa village nila.
Syempre, ang palaging sagot ko ay 'wala pa akong balak' or 'pinag-iisipan ko pa'. At iyon lang ang naging sagot ko sa kaniya nitong nakaraang anim na buwan. Jusko, ginawa ba namang monthly ang pagtatanong sa 'kin kung kailan ko siya sasagutin.
"Nandito na tayo," he informed.
"Ay, ha? Nandito na pala," tugon ko, agad na umupo ng tuwid.
Hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa tapat ng bahay nila. Their modern, large home painted in black and grey. I spotted that the first floor's lights were on through their large glass windows, brightening the dark area as I unbuckle my belt.
Nagsalubong ang kilay ko nang lumabas ako ng sasakyan at napansin kong bukas na rin ang ilaw sa second floor room kung saan ako madalas na natutulog kapag bumibisita dito. Bakit nakabukas? Wala namang pumapasok d'yan kundi ako.
"Tita..." Pagod na bati ko bago lumapit at bumeso sa mommy ni Euiko pagbukas niya ng pinto.
"Oh, ginabi na kayong dalawa. Pasok na kayo," tumabi siya ng kaunti sa gilid para bigyan kami ng daan papasok.
I took off my heels before entering their home. Dumiretso naman ako sa spacious living room bago umupo sa L-shaped sofa, placing my bag on my lap.
"Sa'n naman kayo nanggaling?" Tita asked as Euiko was taking off his coat.
"Nanood lang movies, mom," he answered.
"Aba, aba... Baka mamaya kayo na tas 'di niyo pa sinasabi sa 'kin ah," pang-aasar ni tita.
I turned my head away, awkwardly smiling while pressing my lips together.
"Ikaw naman unang makakaalam kapag naging kami na," mahinahong wika ni Euiko.
"Kinikilig na si Yumi oh."
Natigilan agad ako sa sinabi ni tita.
"Luh si tita!" I scoffed, forcing a smile. Ako pa kinikilig? Paano naman 'yang anak niyang abot langit ang ngiti.
Natawa si tita sa reaksyon ko. "Nga pala. Yumi, dito ka ba matutulog?" Tanong niya naman.
"Ah, yes po tita," I answered, a little confused. Hindi niya naman ako tinatanong kung dito ako matutulog o hindi since sa kwarto ako ni Azzy natutulog, unless...
My eyes were full of hope as my body remained frozen in place. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay tita habang hinihintay ko ang sasabihin niya pa.
"Hindi pa ba sinasabi sa 'yo ni Euiko?"
I then fixed my gaze on Euiko.
"Ah, nand'yan na si ate sa taas," sagot naman niya.
Tama nga ang hinala ko! "Kailan pa?" Hindi ko pinahalata kung gaano ako na-excite!
Hindi ko siya nakita sa loob ng anim na taon... Actually, almost 7 years na nga. She spent those years at NU MOA studying dentistry, as far as I know. And since then, saglit na bumibisita nalang 'ata rito kapag holidays.
"About two months, 'ata," sagot ni Euiko.
2 months na? Tapos hindi man lang ako na-inform?!
"Oo, kaya nandun na si ate Azzy mo sa taas. Pwede ka naman siguro sa guest room..." Sabi ni tita bago iniligay ang kaniyang palad sa pisngi na para bang may nakalimutang sasabihin. "Kaso hindi ko 'ata nalinis doon..."
BINABASA MO ANG
Running the Risk (wlw/gxg)
RomanceRisk-Taker Series #1 Yumi Solaine Lamora spent years hiding her sexuality, ambition, and notably her feelings for Azaki Yanai. As her love for Azzy grows over time, their friendship, which is all that ever existed between them, stayed the same. Not...