- - -
Papunta na ako sa usual brunch spot namin ni Ziggy tuwing weekends. Nagsuot ako ng beige cargo trousers from H&M at isang navy blue sweatshirt na may 'Palais Vision' print.
Agad naman kaming nagkita ni Ziggy nang makarating ako sa Pop Up. Nakasuot siya ng shorts at puting skechers katulad ko, at saka Fallett sweatshirt.
"Yumiii!" Lumapit siya sa akin habang nakabuka ang mga braso para yakapin ako.
Nang kumawala ako sa yakap. Marahan niyang pinalo ang upper arm ko. "Pa V.I.P ka talaga kahit kailan 'no! Gutom na gutom na 'ko!" Hinaplos ni Ziggy ang tiyan niya.
"Sorry talaga, Zig! Nag-effort din ako mag-ayos ngayon dahil pupunta pa ako sa dance studio mamaya." Ngumuso ako.
"Sa susunod, ang ma-late, siya ang manlilibre ha," mungkahi niya.
Agad naman akong umiling dahil ako yung palaging late. "Lah. Walang gano'n uy!"
"Sinusubok mo ba pasensya ko. Kahapon nasa jeep na 'ko tas biglang 'di ka sasama. Ayon, balik ako e."
Mapusok akong bumuntong-hininga at tinanggap ang pagkatalo ko. "Libre ko nalang ngayon, ano? Basta walang 'libre ng late' sa susunod ah?"
Nagliwanag agad ang mukha niya, pasimpleng natuwa. "Hmm... Sige na nga!"
"Parang napilitan pa siya oh. Gusto mo naman!"
"Swerte ka pa nga eh! Ngayon na lang! Dapat libre palagi ng late!"
Natawa ako. "Ay swerte pa pala ako. O sige na!" Ginulo ko yung buhok niya at inakbayan siya dahil mas matangkad ako sa kaniya ng konti.
Ilang metro na lang ang nilakad namin bago makarating sa Almusal Cafe. The presence of plants, greenery, wooden-style tables and seats enhanced the homely atmosphere. Usually, nagda-dine kami indoors, but today is ideal for alfresco dining dahil sa magandang panahon at malamig na simoy ng hangin, kaya sa labas kami pumwesto.
After they served the food on the table, I grabbed up my phone to snap a photo of what we ordered. Pork Belly Tocino and Iced Cappuccino lang akin habang Beef Belly Tapa, Pancakes, and Strawberry Mint Iced Tea with Add-ons pa yung kay Ziggy. Sinulit talaga nito yung libre eh.
Pinost ko na sa story ko. Pagkatapos, kumain naman agad si Ziggy na kanina pa gutom na gutom. Nakahawak ba naman sa kutsilyo at tinidor, abang na abang na makakain habang pinipicturan ko palang.
Habang sumusubo ako ng kanin, hawak ng kabilang kamay ko ang cellphone ko. Nasa profile ako ni ate Az. Gusto ko siya i-follow para ma-message ko siya at makita mga post niya. At para na rin magparinig sa IG stories ko.
"Kumain ka nga muna. Puro ka cellphone!"
Minataan ko si Ziggy na naka simangot habang ngumunguya. "Lunukin mo nga muna 'yan, uy."
Nilunok niya nga 'yon bago siya magsalita ulit, "sino ba 'yan? Si Euiko?"
"Mama mo."
"Ha? Bakit mo naman kausap mama ko?"
Hindi ko pinansin yung tanong ni Ziggy at pinindot na lang yung follow button. Bahala na si batman! Ang daming problema sa mundo tas namomroblema lang ako kung i-aaccept niya ba follow request ko o hindi?! Kung na-accept, edi yay! Kung hindi, edi ouch.
"Huy! Bakit mo kausap mama ko?!"
Tinabi ko na cellphone ko. "Hindi ko kausap mama mo."
His forehead creased. "Eh, ba't sabi mo- ah..." Tumango-tango siya na parang ngayon lang na-realize. "So, sino talaga kausap mo kanina?"
BINABASA MO ANG
Running the Risk (wlw/gxg)
RomanceRisk-Taker Series #1 Yumi Solaine Lamora spent years hiding her sexuality, ambition, and notably her feelings for Azaki Yanai. As her love for Azzy grows over time, their friendship, which is all that ever existed between them, stayed the same. Not...