- - -
"Uy, madalas kitang nakikita na pumupunta dito tuwing monday ah? Naaalala mo pa ba 'ko?"
Bahagyang napaawang ang bibig ko nang may random guy na lumapit sa 'kin while I was doing dynamic stretches. "Ay, hello? Sino ka po ba?"
"Ako yung tumulong sa 'yo sa squat rack."
Huminto ako saglit para ma-refresh yung memories ko. Pumitik ako nang makilala siya! "Ah! Ikaw pala 'yon?! Salamat pala, haha! Kung wala ka siguro nabalian na 'ko ng buto!"
"Ouch, sakit. Hindi mo pala ako nakilala! Ako, tandang-tanda ko yung orange na buhok mo eh."
I unconsciously raked my fingers through my hair. "Ah, haha! Magpakulay black na ba 'ko? Hahaha! Joke." Nag peace sign ako.
He awkwardly laughed. "I mean, ano... Ang ibig kong sabihin bagay sa 'yo yung kulay orange."
"Alam ko! Hahaha!"
Tumawa na naman siya, halatang pilit habang nakatingin sa ibang lugar kaya akala ko tapos na ang usapan namin. Nagsimula na akong mag-reverse kicks, ankle circles, and high knees. Pagkatapos, napansin kong nakatayo pa rin siya roon.
"Nand'yan ka pa pala?" Inosenteng tanong ko.
Natigilan siya. "A-ah, oo. May hinihintay akong matapos."
"Gano'n? Sino?" Nilibot ko pa ang tingin ko sa buong gym.
"Ikaw."
Napangiwi ako sa sagot niya. Binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti nang humarap ulit ako sa kaniya. "Gagamitin mo rin ba 'tong yoga mat? Marami pa naman doon sa gilid pero wait, patapos naman na 'ko-"
"Ha? Hindi 'yon..." Napasapo siya sa kaniyang noo. "Hayaan mo na yung sinabi ko, uh... Every monday ka nandito 'di ba?"
"Yup, every monday!" Nakangiti kong sagot kahit thrice a week naman talaga ako nag-ggym.
Napakamot siya sa ulo. "Ah, eh may nakita akong babaeng may orange na buhok dito last sunday, ikaw ba 'yon?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi lang naman ako ang nag-iisang babae na may orange hair sa mundo."
"Sabagay..."
"Oh!" I rolled the yoga mat before handing it to him.
Kahit na sinigurado na niya sa 'kin na hindi niya gagamitin, pinakiusapan ko na lang siyang ibalik iyon bago ako nagpaalam.
Tumungo ako sa cardio area pagkatapos kong mag-stretch, nakita kong marami-rami na ang gumagamit ng stationary bike kaya pinili kong gamitin ang isa sa mga treadmill kung saan malayo ako sa ibang tao.
Nagsuot na 'ko ng airpods para makinig ng music upang maiwasan ang higit pang pagtatangka nila na makipag-usap sa akin. 'If U Seek Amy' ang unang kanta na tumugtog sa playlist na ginawa ko sa Spotify with my favorite Britney Spears songs.
Ipinatong ko ang kamay ko sa handle bar at nagsimulang maglakad sa treadmill. Goal ko is at least 20 minutes or more.
Hindi ako magsisinungaling na madaldal ako at mahilig akong makipag-usap sa mga tao, kaya nga ang dami kong naging kaibigan dito sa gym. Pero, may mga instances talaga when I don't feel like talking to anyone.
After my morning workout, dumiretso agad ako sa washroom para maligo at magpalit. Nagsuot ako ng black and white striped knitted top from Chanel at high waisted shorts.
Kinuha ko ang white sneakers ko sa locker at sinuot 'yon nang makaupo ako sa bench. Kinuha ko ang phone ko para mag-selfie bago i-post sa IG story. I always feel the need to story or post whenever I wear something branded. Sayang naman kasi kung hindi ko ife-flex!
BINABASA MO ANG
Running the Risk (wlw/gxg)
RomanceRisk-Taker Series #1 Yumi Solaine Lamora spent years hiding her sexuality, ambition, and notably her feelings for Azaki Yanai. As her love for Azzy grows over time, their friendship, which is all that ever existed between them, stayed the same. Not...