- - -
Nilabas ko na ang orders ko mula sa paper bag at binaba 'yon sa office table niya; wala namang mga papeles, gadgets o kahit ano kaya rito ko na lang inilagay.
Kinuha ko ang upuan na nasa harap ng table at ipinuwesto iyon malapit sa swiveling chair para magkatabi kami. At gaya nga ng sinabi ko kanina, hinintay ko siya. Tinignan ko ang oras sa phone ko at 8 minutes pa lang ang lumipas simula nung umalis siya.
Nagugutom na talaga ako... Iniwas ko ang ulo ko para pigilan ang kagustuhang ubusin ang pagkain sa harap ko.
Ang sabi ko maghihintay ako! Kaya 'yon na nga ang gagawin ko! Pero... Wala namang masama kung kukuha ako ng kaunting balat ng chicken 'di ba? Deserve ko naman kumain dahil kanina pa ako naghihintay.
Nang kukurot na sana ako gamit ang mga daliri ko, bigla namang bumukas yung pinto! Nanlaki naman ang mata ko sa tuwa nang makitang si ate Az 'yon!
Nagsalubong ang kilay niya nang pinasadahan niya ng tingin ang table. "Bakit hindi ka pa kumain?" Tanong niya bago sinarado ang pinto sa likod niya.
"Ah! 'di ba sinabi ko maghihintay ako?"
"'di ba sinabi ko rin na mauna ka nang kumain?" Sagot niya sa pamamagitan ng pagtatanong, tila naiirita.
Napasandal ako sa upuan. Inaaway na naman ako nito! "Eh ayaw ko nga kumain ng wala ka!"
"Ano?!"
"Bakit ka galit?!" Tinaasan ko rin siya ng boses.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago sinabit ang kaniyang lab gown sa isang rack matapos itong hubarin.
Bumaba ang tingin ko sa sahig nang marinig ang yapak niya na papalapit. Mula sa side view ko, nakita ko siyang umupo sa swivel chair.
"Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Kumain na tayo, bilis."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinalobo ko na lang ang pisngi ko.
"Yumi," tawag niya ulit, this time kinurot pa ang pisngi ko, pero patuloy pa rin ako sa pagpapakipot ko.
Napairap ako nang marinig ko ang pagbuntong-hininga niya, assuming na sumuko na siya pero hindi ko inaasahan ang paghila niya ng upuan ko!
"Ah?!" Bumagsak ang katawan ko sa kaniya habang ang kamay ko ay bumaba sa balikat niya para pigilan ang sarili kong mahulog ng tuluyan.
Napangisi ako nang magtama ang paningin namin. "Muntikan na 'kong ma-fall sa 'yo." Bahagya akong napatawa, nakahawak pa rin sa balikat niya.
"Muntikan ka nang mahulog sa sahig, you mean?" She corrected as her gaze fell to my hand. "You can let go. And will you sit up straight so you can eat?"
"Fine." Sumunod ako ng may mapaglarong ngiti sa labi.
Kinamay ko na lang yung chicken dahil mahihirapan ako kung gagamit pa 'ko ng tinidor para hatiin 'yon. Ginamit ko naman ang kutsara para kumuha ng kanin at kumagat ako ng malalaki dahil sa sobrang gutom!
Palihim kong sinilip si ate Az na nakaupo sa tabi ko, pinagmasdan ko kung paano niya marahang ibinuka ang kaniyang bibig para kumagat. Patuloy siyang kumain nang maayos at malinis gamit ang isang tinidor at kutsara habang nanatili ang kaniyang tuwid na postura.
Bigla akong nakaramdam ng konting hiya. Dahan-dahan kong inabot yung tissue para punasan ang daliri at bibig ko. Nagpatuloy na rin ako sa pag-kain gamit ang tinidor.
"So, Leah... said you were disrespectful, more specifically, stirring a fight."
Mas nagulat ako sa pagsisimula niya ng conversation kaysa sa pagsumbong ng receptionist sa naging ugali ko.
BINABASA MO ANG
Running the Risk (wlw/gxg)
RomanceRisk-Taker Series #1 Yumi Solaine Lamora spent years hiding her sexuality, ambition, and notably her feelings for Azaki Yanai. As her love for Azzy grows over time, their friendship, which is all that ever existed between them, stayed the same. Not...