02

189 4 0
                                    

- - -

I'm lying down on the single sofa with my arms crossed and a scowl on my face as I listen to the conversation between Azzy and her friends from a distance. Mukhang sinusubukan nilang kumbinsihin siyang mag-sleepover dito pero ayaw pumayag ni ate Az.

Wala akong ginawa kundi panoorin ang buong movie mula sa kinauupuan ko. Nadismaya ako kanina dahil pagpasok ko nakaupo na si ate Az kasama ang mga kaibigan niya. Akala ko pa naman no'n makakatabi ko siya!

"Ano'ng iniisip mo?" Ate Az gently tapped my cheeks with her index finger.

I came back to my senses. "Wala," malamig kong tugon bago lumingon sa pinto. "Umalis na sila?"

"Oo. Bakit ka naka simangot d'yan?" She was facing me and had her back leaning against the sofa's armchair. "Dahil ba wala si Euiko dito? Gusto mo ba tawagan ko?"

"Wag na."

"Why?"

"Kasama niya mga kaibigan namin ngayon. At ayaw ko siyang makausap."

There was a brief moment of silence. "Okay. Ako nalang kausapin mo."

Nagulat ako sa sinabi niya kaya biglaan akong napaayos ng upo.

"Usap? Tayo? Bakit? May topic ka na ba? Ano naman gusto mo pag-usapan?" Na-excite ako!

Pinatili niya ang aming titigan, na tila hindi siya nababahala. "Kahit ano," sagot niya.

Nag-isip ako ng pwedeng i-topic. Kami kaya? "Hmm... Miss mo ba 'ko?" I flashed a smile as I twitched my brows.

Umiwas na siya ng tingin bago binaling ang kaniyang ulo sa gilid. Kinilig 'to! Chos, asa naman ako.

Wala pa rin siyang imik. Sus, siya raw kausapin ko tas ayaw sumagot!

"Bili! Hala, hindi? Kasi ako... Namiss kita," malambing ang tono ng boses ko.

I observed her reaction. As usual, walang pakialam.

Matiyaga akong naghintay sa sagot ni ate Az. Pero biglang nag-ring ang phone niya! Halos parang nakaramdam pa siya ng ginhawa sa kung sino mang tumawag dahil sinagot niya ito kaagad bago tumayo ng tuwid.

"H-hoy!" I pointed my index finger at her as she walked out. Wala man lang 'excuse me, I'll take this call'?!

When she disappeared from my view, I scoffed, feeling deeply offended. I pulled my phone out of my pockets to calm myself down.

As soon as I opened Instagram, I noticed that I now had 6 new followers. At mula 'yon sa mga kaibigan ni ate Az kanina! I remembered that one of them asked for my Instagram username because she said she'd include me in her story mentions.

Finollow back ko muna silang lahat bago i-check ang story na 'yon. The image shown was Azzy's television with the caption 'Texas Chainsaw Massacre' which is the title of the movie we watched. Sa ibaba inilagay ng kaibigan ni ate Az yung mentions. Agad kong na-recognize yung username ni ate Az kaya cinlick ko 'yon para makapunta sa profile niya.
-
azaki_yanai

12 posts - 1,543 followers - 187 following

This Account is Private
Follow this account to see their photos and videos.
-
Bumagsak ang balikat ko dahil sa pagkabigo. Bakit naka-private?!

E' di i-follow! Wala namang malisya 'yon 'di ba? Problem solved! Kaso... paano nalang kapag hindi niya ako finollow back? Paano kung inignore niya lang yung follow request ko? Hindi papayag pride ko!

"Are you stalking my accou-"

"Ah, mama!" I had a brief momentary flash of Leatherface. I dramatically pressed my phone against my chest while breathing through opened lips as I turned to face ate Az. Kaya ayaw ko manood ng horror movies eh. "Ano ba! Bakit ka nanggugulat?!"

Running the Risk (wlw/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon