01

206 4 0
                                    

- - -

Dali-dali akong bumangon nang makitang 11:23 a.m na! Alam ko nagising na ako kanina dahil narinig ko ang mga yapak ni ate Az na palakad-lakad kung saan-saan sa kwarto, pero natulog nalang ulit ako no'n nung nakita kong 7 pa lang sa alarm clock. Sabi ko matutulog lang ako ng saglit, e!

Mabilis akong naligo at nagbihis sa brown thin v-neck sweater at puting cotton shorts. Pagkatapos ay nagsuklay ako ng buhok ko at inayos ang ilang hibla sa gilid ng kilay ko. Pagkababa ko, inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Gusto kong makita si ate Az but instead, si Euiko ang nahagip kong naglalakad papalapit sa 'kin na naka plain blue shirt at black shorts.

"Good morn-"

"Sa'n si ate Az-"

Napahinto kaming dalawa ng sabay kaming nagsalita.

"Ay, good morning," bawi ko bago siya sabayan ng lakad patungo sa dining room. "Kumain ka na breakfast?"

"Nope, coffee lang." Tumango ako sa sagot niya. "Bakit ngayon ka lang pala bumaba?"

"Ngayon lang din kasi ako nagising," inaantok kong sabi bago uminat.

"Oh, maganda siguro tulog mo kagabi? May gusto akong puntahan nating dala-"

Kumunot noo ko. "Ha? Date na naman 'to?" Please lang, halos mamatay na ako sa dami naming pinuntahan kahapon!

Nagsalubong ang dalawang kilay niya. "May problema ba do'n?"

"Wala! Pero easy-han mo lang uy. Lagi mo na 'ata ako nilalabas."

"Bakit mo pa rin ako kinakausap na parang tropa mo? I'm your suitor."

"Oh, tapos? Ano naman ngayon?" Patay-malisya kong tanong.

Naguluhan ako do'n ah. Ano ngayon kung manliligaw ko siya?

His lips slightly bent downward before releasing a sigh. "Kung ayaw mo mag-date or if you're bored with just the two of us, we can always bring someone else." Winalang-bahala niya yung tanong ko.

"Hmm..." Nagkunwari akong nag-iisip pero alam ko na talaga kung sino gusto ko isama. "Ate mo kaya?"

"Uhm, I thought about bringing our friends. Ashley and the others?"

"Ay, true, true kaso..."

"Kaso...?"

"P'wede pero... Hay, ewan." Bumuntong-hininga nalang ako sa inis bago binilisan ang lakad. Wala kasi akong maisip na dahilan! Mamaya nalang kapag meron na.

Nakarating na kami sa dining room, at nagulat ako nang makita kong may nakahain na sa table, fried rice and omelette! Naglakad ako papunta sa table nila na may walong upuan. Umupo na ako habang si Euiko naman ay umupo sa harapan ko.

Si tita kaya nagluto nito? But, tita usually leaves the table empty for me or Euiko to prepare breakfast or lunch dahil maaga siya pumupunta sa hospital.

"May iniwan naman na pala si tita na pagkain dito. Hindi na natin kailangan lumabas," pangatwiranan ko.

"Si ate nagluto niyan," pagtatama niya sabay maliit na ngumiti.

Hindi ko mapigilang bahagyang mapangisi sa gilid ng labi ko. Kaya naman pala! Hindi ko alam kung bakit mabanggit lang siya, kinikilig na agad ako. Understandable naman dahil crush ko na siya noon pa pero malala na 'ata 'to.

"Asan nga ba siya?" Mausisa kong tanong.

"Out with her friends," Euiko answered in a bored manner as he reached for a rice paddle to place rice on both of our plates.

Running the Risk (wlw/gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon