- - -
Kumakain sila gamit ang kutsara't tinidor na naging dahilan ng pagtunog ng kanilang mga plato. Iyon lang ang naririnig ko dahil wala ni isa sa walong taong nakaupo sa hapag ang nagpasyang magsalita.
Nag-almusal kami sa malapit na resto. Hindi ko nga alam kung paano ako nakapag-ayos at nakarating dito. If hindi pa kami niyaya ni Ashley na lumabas at magsibangon sa higaan, siguro tulog pa rin kaming lahat ngayon.
Pagkatapos naming kumain, nagsimulang makipag-usap ang lahat sa mga close nila, chattering about how they wanted to puke, how they needed paracetamol, and how much people they had slept with the night before.
"Wala na akong maalala sa nangyari kagabi..." Mahinang bulong ni Ziggy sa tabi ko.
"Kahit ako," tugon ko.
Dahil nabanggit 'yon ni Ziggy, napaisip tuloy ako kung ano nga ba ang nangyari kagabi. Natatandaan ko lang ang pagsayaw... pag-inom... Napakunot ang noo ko nang may maalala; may lumapit sa 'king lalaki... Tas... Ewan! Hindi ko na alam!
Lumapit ako sa tainga ni Ziggy. "Hoy! May hinalikan ba 'ko?"
Tinakpan pa ni Ziggy ang tainga niya na para bang napaka lakas ng bulong ko. Tumingala siya na parang sinusubukang alalahanin ang nangyari kagabi.
Lumitaw naman sa 'king paningin si Ashley na nakaupo sa tabi ni Ziggy. "Oo, girl! Ini-story pa nga ni Trish eh!" Siya ang sumagot sa tanong ko.
"Ano?!"
"Ano?! "
Sigaw namin ni Ziggy pero parang mas malakas pa yung kaniya.
Biglang lumingon si Ziggy at pinandilatan ako. "Lalaki?" He mouthed.
Umiling ako bilang tugon. Malay ko!
"Ano, Tess!" Tawag ni Ashley kay Tessa na nakaupo sa malayo.
Nakita ko kung paano sinenyasan siya ni Tessa na 'wait lang' kaya bumaling na ulit si Ash sa 'kin. "You didn't kiss him naman eh, he tried to kiss you kasi. The dare was to kiss the prettiest girl at the table. And siyempre, ikaw na 'yon."
"Ano? Paano nagkaro'n ng lalaki sa table? Tayo-tayo lang nun 'di ba?
"They wanted to join. And they're goodlooking naman eh, so why not?"
Napabuntong-hininga ako. "Hindi... Hindi ko naman siya hinalikan pabalik 'di ba?"
"Why don't you go see for yourself?" Napalunok ako sa kaba sa sinabi ni Ash bago siya lumingon. "Asa'n na ba kasi 'yon. Tessa!"
"Yesss? " Said Tessa, who was at last approaching us with a bemusedly smile. She then sat down on the vacant seat next to mine.
"Show her!" Ani Ashley.
"Yung what?"
"The vid!"
Bumuka ang bibig ni Tessa na parang alam na niya kung anong video ang tinutukoy ni Ashley. "Oh! That!" Kinuha niya yung cellphone niya.
Pinanood ko siyang buksan ang Instagram at pinindot yung story niya. Nang magsimulang mag-play yung video, narinig ko yung mga sigawan at pangungutya ng mga kaibigan ko habang naglalakad ang lalaki papalapit sa 'kin. Hindi ko inaasahan na sasampalin ko pala siya!
Nang matapos ang video at lumipat na sa ibang story, binaba na ni Tessa ang cellphone niya bago sila nagtawanan.
"Sana sinabi niyo na lang 'no! Tinakot niyo pa 'ko na parang hinalikan ko pabalik!" Reklamo ko.
"Cinut ko na yung susunod no'n. Pahiya siya eh haha!" Si Tessa na tawang-tawa.
"Anong ginawa niya pagkatapos no'n?" Tanong ni Ziggy na mukhang invested.
BINABASA MO ANG
Running the Risk (wlw/gxg)
RomanceRisk-Taker Series #1 Yumi Solaine Lamora spent years hiding her sexuality, ambition, and notably her feelings for Azaki Yanai. As her love for Azzy grows over time, their friendship, which is all that ever existed between them, stayed the same. Not...