MASAHE

7 0 0
                                    

Hello mga kawatty kamusta kayo, sana ay lagi kayong ligtas at malayo sa anumang karamdaman. At sana ay nag eenjoy kayo sa aking munting kwentong handog sa inyo during this pandemic period.

Konting suporta naman diyan mga kawatty, vote comment and share naman diyan. Thank you sa inyong lahat.

God Speed to everyone of us.

CHAPTER 4

Pagkauwi ni Marcus ay agad niyang ibinida sa kanyang kuya ang nangyari. Muli ay di makapaniwala si Mark sa kanyang narinig. Nawiwirduhan siya sa mga pangyayari lalo na kay Perv. Si Perv na walang ibang alam gawin kundi ang maglandi at lantarang ipinapakita sa lahat ang kanyang kagaslawan pagdating sa makamundong pagnanasa ay may kakahayang taglay sa pakikipaglaban? Di niya lubos maisip kung anong meron kay Perv na di pa niya nalalaman. Kung isa ba itong basag ulo rin na nagkukibli lamang sa pinapakita niyang katauhan ngayon. Sino nga ba talaga siya. Gayon pa man, salungat naman sa nararamdaman ni Mark ang kay Marcus. Sa nasaksihan ay lubos pa siyang humanga kay Perv at tila ba may pakiramdam siya na di niya maipaliwanag. Pakiramdam na mahirap intindihin ngunit magaan sa pakiramdam. Yung tipong parang nalilito siya subalit may kung ano sa kanyang kaibuturan ang labis na nagdidiwang sa kaligayahan. Di na niya sinabi sa kanyang kuya ang nararamdaman niyang kakaiba kay Perv. Sinarili na lamang niya ito at nagkasiya na sa pagbabalik tanaw sa mga nangyari kanina lalo na sa kung paano niya napatumba ang mga masasamang loob na umatake sa kanya.

Kinabukasan sa department nila Perv ay agad siyang inusisa ng kanyang mga  kaibigan.

Hoy Perv ano ibig sabihin nung kagabi, paano mo nagawa yon ang nagtatakang tanong ni Raf na hanggang ngayon ay di pa nakakaget over.

Guys, nakaduty tayo, work muna bago chika okey, maya niyo na ako gisahin ng mga tanong pag nag breaktime na tayo pwede. Chuuuu balik sa mga pwesto niyo ang pagtataboy ni Perv sa mga kaibigan.

Wala nang naging imik pa ang kaniyang mga kaibigan dahil alam na nila ang ugali ni Perv. Sobrang tutok ito sa trabaho. Di iimik ito kung hindi importante. Wala sa bokabularyo niya ang salitang petics kahit na konti lang ang kanyang ginagawa. Pagkatapos ng kaniyang ginagawa ay naghahanap talaga ito ng gagawin dahil sayang daw ang ibinabayad sa kanya ng kumpaniya kung kayat ikinatutuwa ito ng matataas na staff ng kanilang kumpaniya kaya naman mabilis ang pagtaas ng kaniyang sahod na siyang ikinaiinggit ng iba niyang katrabaho.

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Tila binagsakan ng tonetoneladang trabaho si Perv sa dami ng mga katanungan ng kaniyang mga kaibigan tungkol sa nangyari nga kagabi. Halos di na siya makakain dahil niratrat siya ng mga ito ng samut saring mga katanungan. Kaya naman tumanggi siya sa imbitasyon ng mga kaibigan ng ayain siyang maggala.

Nagdisisyon si Perv na pumunta sa isang massage parlor na inirekomenda sa kaniya ng kakilala niya dahil subok na daw niya itong maganda ang serbisiyo at talaga naman daw na marerelax ka at masisiyahan sa serbisiyong ibinibigay ng bawat masahista ng nasabing SPA.

Agad na pumara ng taxi si Perv at saka sinabi sa driver ang lokasyon ng naturang SPA. Nagulat nalang siya ng makita ang kanilang dinadaanan ay papunta sa lugar nila Mark. Malapit pala ito doon at ilang kanto lang ang layo mula kila Mark. Pagdating sa SPA ay agad niyang kinausap ang tao sa front desk.

Nang matapos ang pakikipag usap ay may tinawag namang isang masahista ang babae sa front desk saka sinabihan ang masahista na iassist si Perv.

Good evening sir welcome to Angel's Hand Spa, ang pagbati ng masahista sa kaniya saka siya ginabayan patungo sa room na sinabi nung babae sa front desk.

Ano po ba ang gusto niyo sir, soft meduim or hard massage sir? ang tanong nung masahista kay Perv.

I prepared hard, mas masarap kasi pag hard para masarap tulog ko mamaya ang sagot naman ni Perv sa masahista.

PervXJerkWhere stories live. Discover now