Hello mga kawatty, kamusta ang lahat? Nagustuhan niyo ba ang last episode ng ating kwento? Sana naman oo.
Anyway gusto ko makarinig ng feedback mula sa inyo, comment na para malaman ko naman kung nag eenjoy kayo.
Sa mga silent reader diyan, it's about time para naman narinig ko ang inyong saloobin ukol sa aking kwento huwag na mahiya, salamat in advance.
Fuel up may passion, keep your votes and comments coming. Para naman mas ganahan akong mag update. Thanks in advance love you all babies.
CHAPTER 6
Masayang pinagsaluhan nila Perv at pamilya ni Mark ang inorder niyang pagkain. Panay lang sila tawa dahil nga na prank sila ni Perv. Akala talaga nila ay nagalit na si Perv sa kanila.
Naikwento rin ni Marcus na magaling siyang magmassage dahil nag take siya ng short course sa tesda nito. Kaya sinabihan si Perv na kung gusto niya magpamassage ay sa kanya nalang, pwede rin daw siya ng home service.
Marami pa silang mga bagay bagay na napagkwentohan at panay lang sila tawa dahil nga sa maloko itong si Perv.
Maya maya ay naitanong ni Perv kung alam ba nila ang bahay ni Jerk. Tumango lang sila bilang kasagutan. Pinilit niya ang mga ito na ituro sa kaniya kung saan ang bahay nito. Ayaw nilang ibigay dahil nga baka daw puntahan ni Perv at baka mapahamak daw siya pero pinilit niya ang mga ito.
Walang nagawa ang tatlo sa katigasan ng ulo ni Perv kung kayat sinabi nila ang saktong lugar kung saan ito nakatira at maging ang kaniyang mga tambayan.
Nagpaalam na nga si Perv sa tatlo. May naisip kasi siyang kalokohan kaya naman nagmamadali ito sa pag alis. Sumisigaw sina Mark at Marcus na samahan siya pero di na niya pinakinggan ang mga ito.
Naisip lang naman ni Perv na asarin ang kumag na yon, kung kayat pinilit niyang alamin kung saan ito nag lulungga.
Hindi niya agad nakita ang bahay ni Jerk kaya nagtanong tanong siya sa mga taong andon. At dahil nga sa pagtatanong tanong niya ay madami agad mga usi ang naglabasan at nakikiramdam sa mangyayari at kung bakit may isang baklang naghahanap kay Jerk.
May naririnig pa siyang mga bulungan na baka daw nambabakla si Jerk. Na baka daw naggagalit galitan lang siya sa mga bakla pero ang totoo may nagaalaga sa kaniyang bakla.
At dahil nga sa gusto niyang asarin ito ay biglang nagliwanag ang kaniyang mukha dahil sa kalokohang naiisip.
Pumihit siya paharap sa mga usyosero't usyosera, ay opo tama po kayo, boyfriend ko nga po si Jerk, kaya hinahanap ko siya, ilang araw na kasing di nagpapakita kaya naisipan ko siyang dalawin, miss na miss ko na kasi ang isang yon eh.
Napapasinghap sa pagkabigla ang mga tao dahil sa nalaman. Lalo lang ikinatuwa ni Perv ang reaksiyon ng mga tao dahil andaling naniwala ng mga ito sa sinabi niya.
Ag sige po alis na po ako, puntahan ko na po ang boyfriend ko ang pagpapaalam ni Perv sa mga tao doon.
Sa kabilang banda nagdidiwang naman sa kasiyahan si Perv dahil nga malamang eh mas maaasar si Jerk pag nalaman niya ang pagkalat ng fake news about sa kaniya na siya ay namamakla.
Nang makita ang bahay lunggaan ni Jerk ay dina kumatok ito at nagtuloy tuloy sa loob ng bahay ni Jerk ng makitang bukas ang pinto.
Nadatnan niya doon si Jerk na nakaupo sa sala.
Hello there my hottest boyfie ang pagbati ni Perv ng may mapang asar na ngiti.
Anong ginagawa mo ditong bakla ka at sinong nagbigay sayo ng karapatang tumuntong sa pamamahay ko ang nagpupuyos na turan ni Jerk.
YOU ARE READING
PervXJerk
RomanceThis story is all about boys love. A two boys fall inlove with each other regardless of their differences. Two boys destined to meet in the wrong place and wrong time. How will their feelings grow towards to each other? And how this love story will...