Ang pag ibig nga naman ay misteryoso. Minsan kung sino pa ang ayaw na ayaw mo ay siya pang mapupunta sayo. Minsan bias, kung sino ang gustong gusto mo ay siyang ayaw sayo. Minsan mapaglaro, nagtagpo nga kayo ng taong gusto mo, pero madami namang may ayaw sa pinasok niyo. Pero pag ang lahat ng ito ay nalagpasan mo, magiging masaya ka naman na para bang isang alapaap na dinuduyan ng ulap. Pakiramdam na di mawari, kaligayahang di maarok at kasayahang di matapos tapos.
Ang pag ibig nga naman ay sadyang mahiwaga, puno ng misteryo at nababalot ng mga elementong di maipaliwanag, saka mo nalang maiintindihan ang lahat, kung sa paglipas ng unos ay bakit nangyari ang lahat ng mga nangyari. May mga pumapaloob ditong mga sangkap na magpapatibay sa dalawang pusong nagmamahalan.
Halina at tuklasin ang hiwaga ng mundo ng pag ibig ng ating mga bida. Dalawang taong magkasalungat sa maraming bagay. Mga bagay na di mapagkasunduan. Mga bagay na parehas ipinaglalaban na sumasalungat sa kagustuhan ng bawat isa sa kanila.
Si Perv ay isang bakla na ladlad ang kapa sa madla at ipinagmamalaki niya ito at di ikinakahiya. Isang baklang likas sa katauhan ang pagiging maharot, malandi, bulgar kung magsalita at komedyante. Siya yung tipo ng tao na kahit anong ibato mo sa kanya ay sasaluhin niya at sinisiguradong pag ibinato niya ito pabalik sayo ay di ka makakailag at sapul ang iyong prinsipiyo. Mahilig makipag kuro kuro at makipag talastasan lalo na kung ang topiko ay ang kanyang kasarian. At siya ay binansagang manyak dahil sa kayang taglay na kaharutan.
Si Jerk ay isang basag ulo, mahilig sa gulo, bully, tarantado, at galit sa bakla. Kaya naman lahat ng kasapi ng lahi na sumasampalataya kay hello kitty ay ilag sa kanya. Walang pinapalampas kapag sinumpong ng kademonyohan ang utak. Sakit ng ulo ng magulang dahil sa kakambal na niya ang salitang gulo.
Paano pag nagtagpo sila? , Paano pag nagkita sila? Tiyak magaganap ang royal rumble sa pagitan nila.
PAUNAWA
ANG KWENYONG ITO AY NAGLALAMAN NG MGA EKSENA AT SALITA NA HINDI ANGKOP SA MGA BATANG MAMBABASA. KUNG IKAW AY MENOR DE EDAD, HUMINTO KA AT HUWAG NG MAGPATULOY PA. HUWAG PASAWAY.
YOU ARE READING
PervXJerk
RomantizmThis story is all about boys love. A two boys fall inlove with each other regardless of their differences. Two boys destined to meet in the wrong place and wrong time. How will their feelings grow towards to each other? And how this love story will...