Entry 4| Mani [@FebalouCollide]

244 18 6
                                    

Word Count: 896

☜。◕‿◕。☞

"Oh ano 'tol? Sa Saturday ha?"

"Sa Trinoma."

"Sa medium..."

Hindi ko na narinig ang sinasabi nila Chad at Miko dahil napukaw ng isang babaeng nasa dulo ng kalsada ang bumibili ng maning tig-lima o sampung piso, ang pumukaw sa atensyon ko. Hindi head turner ang hitsura ng babae, pero may uniqueness naman, kasi nakatagilid sya sa saakin kaya hindi ko masyadong makita ang mukha. Nakauniform sya ng kulay puting longsleeve at kulay blue na skirt. Naka sling bag sya na pahilis sa katawan nya.

Ngumiti sya 'dun kay manong na nagtitinda, at'saka nya inabot ang kulay gold na barya, na sa tingin ko ay limang piso. Inilagay nya ang mani sa loob ng bag at kinuha ang hawakan ng bisekleta nya saka nagsimulang maglakad.

"Ang trapik pa. Bababa nalang ako." Wala sa sariling nasabi ko kina Miko at Chad. Hindi ko na sila hinintay sumagot dahil bumaba na ako sa Porsche na sinasakyan namin.

Malapit na rin naman ang academy school na pinapasukan ko kaya mabuti na siguro ang maglakad kesa malate. Hindi. Ang totoo nyan trip ko lang sundan yung babaeng mahaba ang itim na itim na bagsak na buhok na hanggang bewang nya. Nakatalikod sya saakin kaya buhok nya lang ang nakikita ko, at batay sa buhok nya lang ay malinis na. Mga nasa 5'2 ang height nya. Kumapara sa 5'11 kong height.

Pumasok sya sa isang kantong saktong short cut sa school na papasukan ko.

Napansin ko yung sling bag nya na malinis rin tignan kahit kumukupas na yung kulay nyang sa tantya ko ay polka blue.

Napatawa ako ng mahina sa nakita ko. Hindi sa pinagtatawanan ko sya, nakyukyutan lang ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi mapapangiti sa isang babaeng nasa gilid ang bisekleta nya habang hawak ang hawakan tapos habang din naglalakad sya ay unti-unting naglalaglagan bawat isang mani sa dulo ng butas ng bag nya.

Sa bawat malalaglag na mani ay pinupulot ko. Nakakapagod pero hindi naman ako magsasawa. Nakakagiliw syang pagmasdan, muntanga lang ang hitsura kong pinupulot ko ang bawat mani habang nakangiti.

Pero... hindi ba sya nilalamig? Alas sais palang ng umaga kaya sobrang lamig ng temperatura. Wala kasi syang suot na jacket o kung ano pa man na proteksyon sa lamig. Para tuloy gusto kong tumakbo palapit sakanya at ibigay sakanya ang suot kong jacket. Pero ako naman ang lalamigin? Eh kung yakapin ko nalang kaya sya? 180° naman ang nakukuha sa heat body temperature.

Ano bang pinagiisip ko?

Kahit yata nalilito ako ay hindi pa rin mawala ang ngiti ko sa labi. Kahit pa ring ng ring ang cellphone ko ngayon lang ay nakangiti ko pa rin itong sinagot.

"Chad?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Jian! Nasaan ka?"

"Mauna na kayo sa school. Kitakits nalang mga tsong." Sagot ko at pinuol na ang tawag.

Hindi ko namalayan ay wala na ang babaeng pigurang sinusundan ko kanina. Mga bakas nalang na mani ang naiwan. Sunos sunod pa ang pagkalaglag.

Syet! kahit alam kong pangbabae lang ang naniniwala sa destiny ay pakiramdam ko hinila talaga kami para sa isa't-isa ng langhyang destiny na 'yun.

Nagmamadaling pinagpupulot ko ang mani, kahit punong puno na nang laman ang kamay ko ay sige pa din ako ng sige. Hindi ko na inabala pa ang sarili kong lumingon sa iba. Tanging yung mga mani lang ang pakiramdam kong dapat bigyan ko ng pansin.

Sa huling mani ay isang malambot at makinis na bagay ang nadampot ko.

Parang napapasong pinaghiwalay din ang mga kamay namin.

Syet ulit! Ano nanamang pakulo ni Destiny ito? At nakita ko nang malapitan ang mga mata ng sinunsundan ko lang kanina? Halos ilang pulgada na lamang ay magkakahalikan na nga kami eh.

"Uhm..." kinuha nya lahat ng mani sa kamay ko nang mabilisan. Napahanga ako at simbilis nya si Flash.

"Sa...Salamat." Iginialaw pa nya ang mani palapit saakin at inilayo rin naman.

May urge saakin na itanong ang pangalan nya pero walang ni isang lumalabas sa bibig ko. Parang naka-tape simula ng makita ko ang buong mukha nang babae. Dinaig nya pa ang anghel sa kagandahan.

Hindi man ako babae pero alam kong natural lang yung haba ng pilik mata nya, pati na rin ang mapupula nyang labi.

Bigla nyang inextend ang kanang kamay nya, kita ang kaba at kahihiyan sa mga mata nya pero pinilit nya pa ring ngumiti.

"Ako nga pala si Angel Cruz..."

Tinignan ko lang ang mga kamay nyang ang kinis tignan at hawakan. Ewan ko kung bakit pero sa ideyang hahawakan at makikipagshake hands sa kamay nya ay parang tinutunaw ang mga tuhod ko. Nakakabakla 'to!

Makikipagbigayan lang ng pangalan at hindi ligawan! Umayos ka Jian! Sigaw ng utak ko.

Nang mapansin nyang tinitignan ko lang ang kamay nya ay agad nya iyon ibinaba at idinikit ang palad sa paldang suot nya. Nakaramdam ako ng kaunting dismaya dahil sa kagaguhang ginawa kong pambabalewala sa pagpapakilala nya ngunit agad din bumalik ang tuwa ko ng ipinamunas lang pala nya ang palad sa uniform nya at inextend ulit ang kamay nya.

"'Wag kang mag-alala, walang germs 'yan." Nakangiti nyang sabi.

Napakamot ako sa batok sa sobrang kahihiyan. Tinanggap ko rin naman ang kamay nya at nagpakilala.

"I'm Jian Velasco..."

At noong nagshake hands kami. Takte! Bakla man kung bakla pero para rin akong nakuryente. Tangina. Sparks ba 'yun?

Sa pagkakahawak ko sa kamay nya. Napaisip ako.

Kaya ko pa bang pakawalan 'to?

  

MPBC One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon