Word Count: 2160
☜。◕‿◕。☞
Dianne's POV:
"dianne are you still happy with me?" biglaang tanong sakin ni joe
"oo naman. bakit mo naman natanong yan?"
"wala lang. akala ko kasi nabobored kana sakin eh. lagi nalang kasi tayong sa bahay nyo nagkikita o sa bahay namin. tapos kapag lumalabas naman tayo, laging sa mall lang kita dinadala. baka kasi nabobored kana dahil paulit ulit nalang tayo." nabigla ako sa sinagot nya. oo medyo nabobored na ko pero siguro part lang yun ng relasyon lalo na kung matagal na kayo, yung minsan mabobored kana dahil ulit-ulit nalang. yung wala na kayong alam pagusapan. yung kahit sweet parin sya ay mamimiss mo parin yung dating sweet moments nyo na kinikilig ka. ganito ba talaga kapag matagal na ang isang relasyon? dumadating yung time na nagsasawa kana.
"tsk.. ano na naman naiisip mo no? sempre minsan paulit-ulit na lang talaga ang mga pinupuntahan natin lalo na at limited lang ang budget natin, nagaaral pa tayo eh" sagot ko
me and joe have been together since 3rd year highschool. graduating college students na kami ngayon so 5 years na din kami. si joe ay nakapa understanding na boyfriend, yung tipong kahit may date kami tapos bigla kong icacancel dahil nag-aya yung friend ko na mag-get-together tapos ayos lang sa kanya kahit yung reason ko ay hindi katanggap-tanggap. tapos kapag nagaaway kami kahit ako yung may kasalanan sya yung magsosorry sakin at maglalambing. actually joe is my dream guy. gwapo, matalino, matangkad, sweet, malaki ang katawan at napaka caring.
"tara na nga. ihatid mo na ko samin. 7pm na din eh" sabi ko tapos tumayo na kami. nandito kami ngayon sa garden ng bahay nila.
"anne i love you" he hugged me so tight
"i love you too joe" i hugged him back
"tara hatid na kita. magpapaalam lang ako kina mama." sabi nya. nagpaalam na kami sa parents ni joe tapos hinatid na ako sa amin.
pagdating namin sa bahay hindi na bumaba si joe. hinintay muna nya akong makapasok sa gate bago sya umalis. "good evening mama" bati ko kay mama na nasa sala "ma kumain na ako kina joe kaya wag nyo na po akong hintayin magdinner ha? akyat na po ako good night." sabi ko at umakyat na sa kwarto ko.
kinabukasan agad akong nagising dahil maaga ang pasok ko. tinext ko muna si joe 'good morning joe. kumain ka agad pagkagising mo ha? mamimiss na naman kita nyan kasi di kita makikita sa school. sana wala din akong pasok hehe. i love you' pagkasend ko agad na akong nagayos. "good morning mama, goodmorning papa. good morning bunso" bati ko sa kanila pagkababa ko.
"kumain kana." sabi ni mama kaya kumain na ko. pagkatapos naming kumain sumabay na ako kay papa sa pag-alis. maaga pa naman pero gusto kong nasa school na ako dahil ayokong sumasabay sa maraming students.
habang naglalakad ako papuntang building namin hinahanap ko yung phone ko sa bag pero hindi ko makita. naku naman. naiwan ko ba sa bahay? "aray!" nabungo ako ng isang lalake kaya nahulog ko yung mga books
"miss sorry hindi kita napansin." paghingi nya ng tawad tapos tinulungan nya akong magpulot ng books ko
pagtingin ko sa kanya natulala ako. grabe ang gwapo nya "so-sorry din hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko" sabi ko
"saan ba yung building mo para ihatid na kita?" tanong nya "para naman makabawi ako sayo."
"hindi, ok na ko. hindi mo na ko kailangang ihatid." sagot ko
BINABASA MO ANG
MPBC One-Shot Writing Contest
NezařaditelnéCome on read and vote the top three (3) best one-shot for you :) Every votes counts