Entry 11| The Fault in Our Past [@WCL219]

172 7 7
                                    

Word Count: 2495

☜。◕‿◕。☞

 Sa alaala nakaangkla ang pag-iibigan at pangako ng dalawang pusong nagmamahalan. Ang memorya ang parang nagsisilbi nating photo album na naglalaman ng mga masasaya at malulungkot na nangyayare sa atin araw-araw.


Pero paano 'pag, kada taon na nadadagdagan ang edad ng mahal mo o kabiyak mo sa buhay ay sya namang unti-unti nyang nalilimutan ang lahat sa inyo. Unti-unti ka nyang nalilimutan habang tumatakbo ang panahon. Kakayanin mo pa ba, kahit para na syang isang sigarilyo o kandila na unti-unti ng nauupos?!

"Babe.. mahal na mahal kita!" sabi ni Brix sa 'kin. "Kahit anong mangyare, hinding hindi kita kakalimutan. Hinding hindi ka mawawala sa isip ko." dagdag nya pa!

Bago nga pala ang lahat. Ako nga pala si Selena Freah Real, proud girlfriend ni Brix Thomas Monlinton. Galing kami pareho sa isang mayamang pamilya. Perfect, sobrang gara.. yun kami date. Pero noon yun, dahil pinili namin ni Brix na mamuhay ng normal. yung malayo mundo namin namin date. Na halos parehas lang. Mga mayayaman na 'pag may party eh.. kala mo mga magkakasundo lagi sa buhay. Pero yung totoo mga nagpa-plastikan lang naman para sa business ng bawat isa. Mga matang nakasunod sa mga gagawin mo, kung  tama o mali kayo.

Nasa may garden nga pala kami ng bahay nung kaibigan namin ngayon. Dito kasi kami ikakasal eh. Dito kasi kami ikakasal eh. Yes ikakasal na kami. Actually, next week na nga yung kasal namin eh.. ambilis noh! Garden wedding kasi yung napili namin ni Brix na concept kaya na'ndito kami ngayon.

"Pangako mo yan babe ha. Kahit anong manyare hinding hindi mo 'ko kakalimutan." sabi ko. Naiiyak naman ako. Hihi, ikakasal na kasi 'ko eh. Biruin mo 'yun. Dati naglalaro lang ako ng mga manyika na regalo sa 'kin ni Mommy dati. Pero ngayon kita nyo naman ikakasal na 'ko, at sa taong gusto at mahal na mahal ko pa!

Hinarap nya ko sa kanya, "Pangako yan babe. Ikaw ang pinakamagandang regalo sa 'kin ni Lord, kaya hindi kita kayang itapon o sangayin lang" aww.. okay kinikilig na 'ko!

Si Brix na ang pinakamagandang regalo sa 'kin ng panginoon. Dahil sa ubod na sya ng gwapo at pinakasikat at pinagkakaguluhan ng mga babae eh, ako ang pinili nya. Napakabait nya at napaka-maalaga. Inaamin ko, hindi din naman perpekto yung pagsasama namin. Nag-aaway din kami, pero hindi yung brutal na away. Kasi hindi kami natutulog nang hindi kami nagso-sorry sa isa't isa. Kahit ano pa ang dahilan ng away namin!

"Oh.. baka langgamin na kayo dyan!" biglang dumating yung apat naming bestfriend. Sina Dina, Flor, Roi, at Dennis. Bestfriend namin sila mula High School at College. At syempre hanggang ngayon.

Sina Dina at Roi ay magsyotadin. Pero sila Flor at Dennis, hindi pa naamin na sila na. Pero halata naman sa mga ikinikilos nila kahit pa minsan lagi silang parang aso't pusa kung magbangayan. Ewan ko nga kung bangayan yun oh.. yun yung lambingan nila eh.

"Hoy.. nakikita nyo yun? Yung langgam oh.. nilalanggam din. Ang sweet kasi masyado dito sa garden nila Roi eh." Sabi ni Dennis at itinuro pa yung malapit sa inuupuan namin ni Brix.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MPBC One-Shot Writing ContestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon