Word Count: 2492
☜。◕‿◕。☞
Humahangos na binilisan ni Au ang paglalakad, mahuhuli na siya sa klase. Masungit ang guro nila sa Design at mainit ang dugo nito sa mga mag-aaral na nahuhuli sa pagpasok sa silid-aralan na inookupa ng klase nila sa semestreng ito.
Nasa panghuling taon na niya sa kursong Architecture kaya kuntodo tiis siya lalo na ngayong kaunti na lang matatapos na niya ang limang taong pakikipagbuno sa mga libro. Pagdating niya sa silid-aralan nakita niyang nasa loob na ang mga klaklase niya. Nasa harapan na ang guro nilang si Mr. Dechavez at kasalukuyang isa-isa nitong tine-check ang attendance ng mga estudyante.
Patay! Front seat pa naman ako. Kitang-kita na late ako kapag dumiretso ako doon.
Nanlulumong napasandal siya sa dingding ng silid-aralan nila. Kapagkuwa’y sumilip uli siya. Nakatalikod ang guro at may kung ano’ng isinusulat sa pisara. Sinuyod ng mga mata niya ang kabuuan ng silid at naghanap ng posibleng maupuan habang hindi pa napapansin ng guro na wala siya.
Hayun.
Napapitik siya sa hangin at tinapunan ng tingin ang nakatalikod pa rin nilang guro. Ma bakanteng upuan sa pinakahuling hanay malapit sa mga bintana, sa tabi ng isa niyang kaklase na hindi niya matandaan ang pangalan.
Irregular student kasi siya kaya hindi niya kilala ang iba. Dahan-dahan siyang pumasok sa nakabukas na pinto habang ang mga mata ay nakatuon sa guro nila. Nakikita siya ng mga kaklase pero nagkunwari din ang mga ito na walang nakikita.
Narating niya ang tinutumbok na upuan. Palihim siyang nakahinga ng maluwag pero hindi niya tinatantanan ng tingin ang guro baka makahalata na pumuslit lang siya papasok. Nakita niya mula sa sulok ng kanang mata na napalingon sa kanya ang katabi. Kunot-noo ito pero hindi ito nagtagal sa pagkakatingin sa kanya.
Iyon naman ang piniling pagkakataon ng guro para humarap uli. Pag-angat nito ng tingin ay nahagip ng mga mata ni Mr. Dechavez ang noo’y nakaupo nang si Au. Alanganing nginitian ni Au ang guro. Ikiniling naman ng guro ang ulo sa direksyon niya tanda ng pag-acknowledge nito sa kanya.
“Have you been sitting there all this time, Miss Lacasa?” tanong ni Mr. Dechavez sa kanya. Hindi agad siya nakasagot, baka ‘pag sinabi niya na oo kanina pa siya nakaupo doon ay mayroong magsumbong na pumuslit lang siya kani-kanina lang.
Bahala na. Oo na lang.
“Y-yes sir,” nauutal siya sa kaba.
“Is that so?” mukhang hindi kumbinsido ang guro nila, “Mr. Montelibano, nagsasabi ba ng totoo si Miss Lacasa? Kanina mo pa siya katabi?” paniniyak ni Mr. Dechavez.
Biglang sinaniban ng matinding kaba si Au. Hindi niya kilala ang kaklase niyang tinatanong ni Mr. Dechavez, paano kung ilaglag siya nito? Tinapunan muna siya ng tingin ng kaklase niyang tinatanong ng guro bago ito sumagot. Nahigit niya nag hininga nang magsimulang bumuka ang mga labi ng katabi para sumagot.
BINABASA MO ANG
MPBC One-Shot Writing Contest
RandomCome on read and vote the top three (3) best one-shot for you :) Every votes counts