Bago ang lahat, ipapakilala ko muna ang sarili ko. Ako si John David Rodriguez, 16 years old nasa ikaapat na taon na ako sa high school sa isa sa mga paaralan dito sa Maynila. May height na 5'8, average looking daw sabi ng iba. Inaamin ko na ako ay may kahinaan pagdating sa halos lahat ng bagay lalo na sa pag-aaral. Sa klase namin, isa ako sa pinakakulelat. Pero palakaibigan naman ako.Ako rin ay isa sa tinatawag nilang paminta. Lalaking-lalaki kung kumilos pero sa loob ay may pagnanasa sa kapwa.
"Dave anak, nandito na ang kaklase mo" sabi ng aking ama.
"Sige, tay pakisabi na patapos na ko magbihis". tugon ko.
Si Mariano Rodriguez, ang aking ama. Simula ng mamatay ang aking ina, siya na ang nag-alaga sakin. Magaling siya sa larangan ng pagluluto. Ang kita mula sa aming negosyo na carinderia ay ginagamit sa pangtustos sa aking pag-aaral. Sobrang bait ng aking ama, dahil mapagmahal, maalalahanin at tanggap ang aking pagkatao.
"Bestfriend, tara na bilis sa school na lang tayo kumain", sabi ng bestfriend ko na si Pat.
"Oo na masyado naman ito excited." sagot ko sa kanya.
Si Patrick de los Santos o Pat ang pinakamatalik kong kaibigan at kaklase.Nagkakilala kami nung nasa first year pa lang ako. Mas mataas ang height niya sakin, mga 5'9 sya, medo maputi, maganda ang tindig, at may itsura. Masasabi ko na pwede siya ihanay sa mga guwapo. Hindi siya kasing hina tulad ko dahil ok naman ang performance niya sa school at magaling sa sports lalo na sa basketball.Hindi siya gaano katalinuhan.Alam ni Pat ang aking totoong pagkatao.Tulad ng ama ko tanggap din niya ito.
Naalaala ko pa kung paano kami nagkakilala at naging magbestfriends. Unang araw ko bilang first year student, habang nag orientation ang aming teacher sa English bigla siyang sumulpot sa pintuan ng classroom. Siyempre agaw-pansin siya lalo na sa mga kaklase kong babae dahil sa angking kagwapuhan. Nalate siya dahil hinanap pa pala niya ang classroom namin.Sa unang tingin ko sa kanya, nayayabangan ako at naisip ko na kapag nalaman niya ang totoong kong pagkatao ay aasarin niya lang ako kaya naisip ko na iwasan siya.
Sa paglipas ng mga araw, nagpapakitang gilas si Pat sa mga teacher namin. Halos lahat ng mga kaklase namin ay naging malapit sa kanya dahil sa pagiging friendly nito.Hindi ko talaga siya pinapansin at dumidistansya ako sa kanya pag nakikita ko siya. Ganito lagi ako sa kanya ngunit bigla na lang ito nabago isang araw. Habang papauwi na ako may biglang nag text sakin.
"Dave, balik ka sa room saglit meron ka nakalimutan" galing sa isang unknown number. Nagtaka naman ako kung sino at ano ang sinasabi niya na kinalimutan ko sa room. Tutal wala naman mawawala sakin kaya sinubukan kong bumalik. Pagdating ko sa room, nakita ko siya na nakauposa isang teachers table at parang may hinihintay. Nang makita niya ako, biglang lapit niya sakin, hinawakan ako sa kamay at hinila papunta sa upuan kaharap ng table kung saan siya nakaupo.
"Dave, ahm may galit ka ba sa akin kasi napapansin ko yung mga pag-iwas mo eh. Sa ibang mga kaklase natin di ka naman ganoon. May problema ba?" deretsahang tanong niya.
Tila nawala namn ako sa sarili ko sa pagtingin ko sa mukha niya. Makikita mo talaga ang kagwapuhyan niya sa malapitan at ang pagtitig sa kanya na tila nanghihipnotismo. Pero agad naman bumalik ang ulirat ko at sinagot ang tanong niya.
"Ah eh di naman kita iniiwasan." pagtanggi ko sa kanya kahit na alam kong totoo.
"Nang-iiwas ka dinideny mo pa, alam mo di naman ako kumakain ng tao eh saka mabait naman ako nakikita mo naman di ba?" tanong ulit niya.
Ewan ko ba kung sasabihin ko sa kanya ang totoong dahilan o aalis na lang ako para maiwasan pa ang issue. Kaya ang naisip ko na lang ay umalis ng room. Ngunit bago pa ko makalabas ng pintuan bigla niya ako hinila pabalik, dinikit sa pader at tinukod ang dalawang kamay doon.
"Ano ba problema mo? gusto ko lang namn makipagkaibigan sayo ah, sana naman bigyan mo ako ng pagkakataon. Papatunayan ko sa iyo na mabuti akong tao". may galit niyang sabi.
Doon ko narealize ang pagiging seryoso niya sa pakikipagkaibigan sa akin. Kaya pinagbigyan ko siya. Simula noon naging magkaibigan na kami.
Ngunit napansin ko sa kanya na mas sumaya na siya kaysa noon. Palagi na siyang bumubuntot sa akin at pinagtatanggol. Nililibre at binibigyan ako ng pagkain pag recess. Hinahatid sa amin at tinuturuan ako ng mga alam niya sa pag-aaral. Hanggang sa isang araw, naisip kong sabihin na sa kanya ang totoo kong pagkatao para malaman ko na rin niya at mabawasan ang pag-aalinlangan ko.
"Ah Pat, may sasabihin sana ako sa iyo eh, matagal ko nang tinatago ito kung di mo ko matatanggap pag sinabi ko sayo OK lang sa akin ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa pagkakaibigan natin. Isa akong bading. Tinatago ko lang ito para di pagtawanan at laitin ng iba." pag -amin ko sa kanya.
"E ano ngayon kung ganun ka wala namang problema di ba saka mas maganda yan dahil may pag-asa palang magkagusto ka na rin sakin. Alam mo kasi aaminin ko, matagal na kong may gusto sayo eh kaya nga naalala mo gumawa ako ng paraan talaga para maging friends tayo kahit dun man lang mapalapit ako sayo lahat inalam ko tungkol sa iyo sa pamamagitan ng mga kaklase natin, cellphone number at tirahan mo.Wala ako pakialam kung mahina ka , basta cute ka at mabait OK na un sakin hehehehe." rebelasyon niya na lubusan kong kinabigla.
Laking tuwa ko naman dahil sa pagtanggap niya sakin at sa kabilang banda naman ay pagtataka sa pag-amin niya ng nararamdaman sa akin. First time kasing may nagkagusto sa akin at nagsabi na cute daw ako. Sinabi ko naman sa kanya na kahit ganito ako hanggang matalik na kaibigan lang kang kaya kong maibigay sa kanya. Yun kasi ang naramdaman ko sa kanya sa mga oras na iyon. Makalipas ang tatlong taon ito magkaibigan pa rin kami. Patuloy siyang umaasa na mamahalin ko rin siya tulad ng pagmamahal niya sa akin.
Sabay kami pumasok ni Pat. Habang nasa jeep kami, panay pa sweet niya sa akin. Nandyan ung pahawak-hawak ng kamay na siyempre inaalis ko agad. At binulong niya ang palagi niyang sinasabi sa akin na "Balang araw, mamahalin mo rin ako, di ako susuko" na may kasama pang killer smile.
Nakarating kami sa school 5 min bago oras ng first subject. Habang naghihintay kami kasama ang mga kaklase namin, biglang nagkagulo naman sa may corridor na nakaagaw ng pansin sa amin kaya sinilip namin para alamin ang dahilan.
"Si Jake! Si Jake!, Ay mas gwapo na siya ngayon!", sigaw ng isang estudyanteng babae.
Dumating na pala ang tinaguriang Campus heartrob ng school na si Jake Montecarlo. Crush ko na talaga siya simula nang mag transfer siya rito nung third year.Parehas lang kami ng year level pero nasa highest section siya.Bukod sa gwapo kasi matalino pa. Ang taas ng IQ level niya ayon sa mga naririnig ko at di lang yan mayaman ang pamilya nila.Pero kung gaano kaganda ang physical apprearance at mental abilities niya kabaliktaran naman sa pag-uugali. Likas na masungit ang taong ito at galit sa mga taong di niya kauri.
"Hoy sobra ka na makatitig sa kanya ah, bakit di ka ganyan sa akin ha?", pagbulyaw sakin ni Pat nag nagpabalik ng ulirat ko sa kakatingin sa dumaan.
"ah eh ano ka ba humahanga lang naman ako sa tao at alam ko naman na malayo ang agwat namin at malabong mapansin niya ako saka bakit parang nagseselos ka ha?", balik tanong ko sa kanya.
"Siyempre naman, bestfriend mo ko baka ipagpalit mo na ako sa kanya eh saka alam ko siya ang gusto mo eh. Sana sa akin mo na lang ilaan ang damdamin mo sa kanya, masusuklian ko pa yan ng tapat na pagmamahal " sagot ni Pat.
"Ang drama mo naman tara na nga upo na tayo baka dumating na yung teacher natin." sabi ko.
Naging maayos naman ang buhay-estudyante ko sa paglipas ng mga araw. Ganun pa rin kami ni Pat at nakikita ko pa rin sa campus ang crush ko pero di pa rin niya ako pinapansin. Pero nag-iba ito dahil sa isang pangyayari sa canteen ng aming school.
Itutuloy..........
BINABASA MO ANG
Halik ng Pag-Ibig
Teen FictionKriiiiiiiiinggggggg!!!!!, ang tunog ng alarm clock na nagpagising sakin. Sa araw na ito magsisimula ang bagong school year. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ewan ko, naghalong saya, kaba at excitement ang emosyon ko ngayon. Bumangon na ako sa akin...