Halik ng Pag-Ibig part 15

7.4K 187 6
                                    

Nahabag ako sa nakikita ko. Kita-kita ang pamumuo ng mga luha sa mata ni Jake. Akmang hahawakan ko siya nang bigla siyang bumulyaw.

"Layuan mo ako, lumayas ka, ginulo mo ang pagkatao ko" si Jake na humahagulgol pa rin.

"Jake, lasing ka lang, alam kong may problema kaya. Maaari mo namang sabihin ito sa akin baka matulungan kita.Tara na, nag-aalala na si Tita." sabi ko sabay hawak sa braso niya para alalayang tumayo.

"Huwag mo akong hawakan, umalis ka. Tutulungan mo ako, e lalo mo lang sinasaktan ang damdamin ko e. Dahil din sa iyo confuse na ako sa sarili ko! napapasigaw na niyang sabi. Napapatingin na ang mga tao sa amin.

"Please tara na, saglit na lang at darating na si Tita." panunuyo ko pa rin sa kanya.

"Hindi muna ako uuwi hanggat nandun ka pa sa bahay, kaya inuulit ko, layuan mo na ako! si Jake.

Biglang bumigat ang dibdib ko sa mga narinig ko sa kanya. Kahit lasing siya, alam niya ang mga sinasabi niya. Naisip ko tuloy na ako ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito siya.

"Ano, tutunganga ka pa ba diyan, alis na" si Jake sabay tulak sa akin.

Hindi ko na rin napigilang maluha sa nangyayari. Ang taong mahal ko pinagtatabuyan na ako ngayon. Nasasaktan din ako tulad niya. Napayuko na lang ako habang humahagulgol. Maya-maya isang kotse ang huminto sa harapan namin. Napatingin naman ako sa taong bumaba sa pag-aakalang sina Tita Edna ito. Ngunit lalong bumigat ang dibdib ko parang tinutusok ng napakaraming karayom sa nakita ko. Si Cathy.

"Jake, anong problema, bakit nagkakaganyan ka, halika na ihahatid na kita sa inyo, simula nang magtext ka nag-aalala na ako sa iyo" si Cathy sabay alalay kay Jake na tumayo.

"Salamat Cathy, please wag mo muna akong iuwi sa amin hanggat nandun pa ang taong sanhi ng problema ko, doon mo muna ako sa inyo dalhin." pakiusap ni Jake.

Tuluyan nang umagos ang luha ko. Kumpirmado, ako ang pinakadahilan niya sa kanyang paghihinagpis. Naisakay na ni Cathy si Jake sa kotse. Tuluyan na silang umalis. Ako, dahil sa sobrang hinanakit halos manlambot na ang tuhod ko at di makatayo. Napaupo na ako sa sento sapo ang mukha ng dalawang kamay at humihikbi. Maya-maya isang tao ang humaplos sa likod ko.Unti-unti kong inangat ang mukha ko. Si Itay pala kasama ang mga magulang ni Jake.

"Tay, ang sakit-sakit naman, bakit ganito ang nangyayari sa akin?" sinabi ko kay Itay na humihikbi at napayakap sa kanya.

"Anak, tara na muna sa bahay pag-usapan natin ang problema mo." si Itay.

"Dave, anak ano nangyari, nasaan na si Jake." si Tita Edna na bakas din sa mukha ang pag-aalala sa anak.

"Umalis na po siya,ayaw na niya sa akin, pinagtatabuyan na niya ako" naiiyak ko pa ring sabi.

"Mabuti pa pare, iuwi na natin siya." si Tito Eddie.

Sumunod na lang ako sa kanila. Hanggang sa loob ng kotse naiiyak pa rin ako. Si Itay namanm patuloy na hinahaplos ang ulo ko at pinapatahan ako. Nang makarating sa bahay...

"Anak, kumain ka muna" si Itay.

"Ano ba nangyari, sabihin mo sa amin? si Tita Edna.

Naiiyak ko pa ring kinuwento sa kanila ang lahat ng nangyayari sa amin ni Jake. Kita ko sa mukha ng mga magulang niya ang pagkabigla na animo'y may nalalaman sa problema ng anak nila. Pero di ko na inusisa muna ito dahil sa emosyon ko ngayon.

"Tita, Tito, tay pahinga muna ako sa kwarto" paalam ko sa kanila para makapagpahinga naman ako.

"Sige anak, pahinga ka na muna, pag-usapan na lang ulit natin ito bukas" si Itay.

Halik ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon