Agad pinaharurot ni Pat ang kanyang sasakyan papunta sa sinasabing ospital ni tita. Ang nararamdaman kong pag-aalala ay lalong lumala. Tuluyan na akong umiyak. "Best, hindi ko kakayanin kapag mawala siya sa akin" ang naluluha kong pahayag kay Pat.
"Huwag kang mag-alala, alam kong makakaligtas si Jake." sagot niya. Alam kong sinabi lang niya iyon para pakalmahin ako.
Nang makarating, dali-dali kaming nagpunta sa emergency room pero hindi namin siya nakita kaya nilapitan namin ang isang nurse na nasa information.
"Excuse me po may dinala po bang pasyente dito na ang pangalan ay Jake Montecarlo." ang natataranta kong tanong.
"Ah meron po, nandun na po siya ngayon sa Rm. 404 sa fourth floor." ang sagot ng nurse.
Nagmadali kaming umakyat sa sinsabing kwartong pinagdalhan kay Jake. Buti na lang at natyempuhan namin ang elevator kaya mabilis kaming umakyat. Pagkadating sa fourth floor, agad naming nilibot ang mga aming mga mata sa mga pinto doon. Maya-maya nakita na namin ito. Kumpirmado, nakalagay ang pangalan ni Jake sa pinto na iyon.
Hindi ko agad nagawang buksan ang pinto. Parang hindi ko kasi kakayanin ang makikita ko sa loob.Pero mas nanaig sa akin ang pag-aalala sa taong mahal ko kaya nilakasan ko na lang ang loob ko. Naiiyak pa rin akong pinihit ang doorknob.
Nang makapasok sa loob, isang kahabag-habag na Jake ang nakita ko. May benda ang kanyang ulo braso at binti habang naka dextrose. Nilapitan naman ako ng mga magulang ni Jake pati na rin ni tatay na naroroon rin.
"Nakita na lang siya ng mga taong nakahandusay sa daan na duguan. Sabi ng mga nakasaksi na nahagip siya ng isang sasakyan habang naglalakad ng lasing. Tinakbuhan lang siya ng driver." si Tita na umiiyak na rin.
"Kamusta na po ang lagay niya?" ang sunod kong tanong sa kanila.
"Kritikal ang lagay niya. Himala na lang kung magkamalay siya kaagad" sagot ni Tito Eddie.
"Kasalanan ko ito, kung noon pa lang ay bumalik na ako sa inyo, hindi na ito mangyayari pa sa kanya. Alam ko masyado na siyang nasaktan sa mga ginawa ko" ang nauutal kong sabi kay Tita habang umiiyak din.
Hinaplos naman ni tatay ang aking likod. "Anak, huwag mong sisihin ang sarili mo, hindi mo kagustuhan ang nangyari. Hindi mo rin naman kasi alam pa ang totoo noon"
Umiiyak pa rin akong nilapitan si Jake at humawak. "Jake, bakit nangyari sa iyo ito? Patawarin mo ako kung sinaktan ko ang damdamin mo. Ako ang may kasalanan kung bakit nangyari sa iyo ito e. Sana naman ay magising ka na. Gusto na kitang makitang maging masaya ulit lalo na sa magandang balitang sasabihin ko sa iyo. Promise ko sa iyo na hindi na kita iiwan muli. I love you so much Jake." Pagkatapos noon ay niyakap ko na siya at tuluyan nang humagulgol, ang lahat ng aking emosyon ay inilabas ko na. Basang-basa na ang suot niyang puting damit sa mga luha ko.
Ilang segundo rin ako na nasa ganoong sitwasyon nang biglang may humaplos sa ulo ko at nagsalita. "Promise mo yan ha"
Sobrang nagulat ako nang lingunin ko kung sino ito. Si Jake na nakangiti sa akin. Maya-maya narinig ko na ang mga tawanan ng mga magulang niya pati ni tatay.
"Galing ng eksenang ito, para akong nanonood ng teleserye." si tita.
"Ibig sabihin nito wala talagang nangyari sa iyo" ang nagtataka ko nang tanong kay Jake.
"Oo naman, tignan mo pa ang buong katawan ko" sagot niya sabay tanggal ng lahat ng mga nakalagay at nakakabit sa katawan.
"Ikaw talaga, niloloko mo lang ako ha. ang nasabi ko na lang sa kanya.
"Pati kayo pinagkaisahan ninyo ako" ang medyo tampo kong baling kina tatay, Tita Edna at Tito Eddie.
"Ako ang nakaisip nito at natutuwa ako dahil sobrang effective. Pero yung sinabi mo ha promise mo yan sa akin" si Jake.
BINABASA MO ANG
Halik ng Pag-Ibig
Novela JuvenilKriiiiiiiiinggggggg!!!!!, ang tunog ng alarm clock na nagpagising sakin. Sa araw na ito magsisimula ang bagong school year. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ewan ko, naghalong saya, kaba at excitement ang emosyon ko ngayon. Bumangon na ako sa akin...