Natuwa ako dahil sa kauna-unahang pagkakatapos napasok ko na ang kwarto ng crush ko. Nakakamangha ang itsura, lalaking-lalaki kaya di masasabi mo talagang straight ang may-ari. Naalala ko tuloy yung mga sinabi niya dati na ayaw niya sa mga gays.
Pinaupo niya ako sa silya sa may study table niya. Siya naman kumuha ng mga librong gagamitin namin sa kanyang shelf at umupo rin sa study table niya katapos ko. May kaba akong nararamdaman and at the same time kilig dahil kasama ko sa kwarto ang aking pantasya.Sinimulan na niya ang tutorial.
"Makinig ka mabuti sa mga ituturo ko sa iyo ha, mamaya bibigyan kita mga exercises. Una nating pag-aaralan ay English. Sa grammar muna tayo." pag-uumpisa niya.
Habang nagsasalita siya nakatingin lang ako sa mukha niya. For the first time ang gentle niyang magsalita tulad ng pakikipag-usap niya sa mga kabarkada niya at di siya galit. Kahit papaano, di pa rina nawawala ang concentration ko sa sinasabi niya.binuklat niya ang isang English book sa isang page na ang topic ay Parts of speech.
"Ok, so what are the parts of speech? Read." sabi niya sabay bigay sakin ng libro para basahin. Matapos basahin ang definition,
"So lets start with nouns. Nouns are names of persons, things, places, animals, and events."pag-explain niya.
Pinaliwanag din niya ang lahat ng concepts about nouns. Natuto naman ako dahil sa galing niya sa pagtuturo." Ang galing-galing talaga ng crush ko" sa isip ko.Pagkatapos ng paliwanagan ,binigyan na niya ako ng 20 item test. Ang score ko 10/20.Pinaliwanag niya sa akin ang ilan sa mga mali ko.
"Ahm, pasang-awa pero ok na rin kaysa bagsak." puna niya sa nakuha kong score.
"Ang plural ng man ay men hindi mans. Meron talagang nouns na nagpapalit ng spelling when pluralizing it." paliwanang niya.
" Mayroon kasi ako nabasa eh ung sentence na The dog is mans bestfriend." sabi ko.
"Hay naku iba ung mans dun may apostrophe yun saka ganito dapat pagkasulat man's" si Jake.
"Ah ok hehehehe" mahiya-hiya kong tugon.
"Next sa verbs naman tayo. Verbs are action words." pag-uumpisa niya ng bagong topic.
Pinaliwanag niya ang ilang concepts sa verbs tulad ng tenses, gerunds at subject-verb agreement. Then tulad kanina binigyan niya ako ng 20-item exercise. Ang score 11/20. Ok daw ito. Pinaliwanag niya ulit ang ilan sa mali ko.
"Ano ba ung sagot mo dito kasimpleng tanong lang nito ah. Tingnan mo tonmg number 3. Ang sagot dito ay am hindi is.Oo nga singular ung I na pronoun pero special siya kaya am lagi ang helping verb sa present tense." napalakas niyang sabi.
Napatango na lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya.
"Ok hinto muna tayo sa English. Math muna tayo. Mag-uumpisa muna tayo sa algebra. Sa algebra gumagamit tayo ng mga letters called variables to represent unknowns." pag-introduce niya sa unang math topic.
Tinuro niya sa akin ang paraan sa pag solve sa mga unknowns sa isang math equation.Pagkatapos exercise ulit at kahit inaantok na ay pilit ko pa ring sinasagutan ito wag lang magalit si Papa Jake ko.
" Hay pang anim na set ng exercise mo na to, wala pa ring nag-iimprove sayo" medyo naiirita na niyang pahayag.
"Talagang mahina ang ulo mo sa math kaya dito tayo magcoconcentrate ngayon." dagdag niya.
Inabot ng mahigit 6 na oras ang unang tutorial namin. Dalawang buwan na ang nakakalipas ganun pa rin ang set-up namin. Lahat ng subject natuturo niya sa akin. Pang all-around talaga ang dreamboy ko. Minsan talagang nagagalit siya na halos mapuputol na ang litid niya sa leeg kapag di ko makuha ang tinuturo niya. Sa kaso naman ng ibang kasama namin sa bahay, tuwa naman ang reaksyon ng mga magulang niya pati ni tatay na busy sa pagtatayo ng bagong negosyo. Si tita dinadalhan niya kami ng pagkain.Sa halos araw-araw naming pagpupuyat di ko na maiwasan angmanamlay sa school dahil sa sobrang puyat na di nakaligtas sa bestfriend ko.
"Best, ok ka lang bakit ganyan na ang mata mo tapos ang tamlay mo pa, pumayat ka eh. May problema ka ba, mimaltrato ka ba sa tinitrihan mo? Sabihin mo naman sa akin oh nag-aalala na talaga ako sayo" si Pat sabay haplos sa ulo ko.
"Wala ito ok lang ako wag kang mag-aalala" sabay tayo ko at tumalon talon at tumawa para ipakita na ok lang ako. Alam ko na di kumbinsido si Pat sa mga sinabi ko.
"Mr. Rodriguez!" sigaw ng teacher ko na nagpagising sa akin. Nakatulog pala ako habang nagtuturo siya. Natawa naman ang mga kaklase ko at nang sipatin ko si Pat sa likod, nakatingin lang siya sa akin at kitang- kita sa mga mata niya ang pag-aalala. Sumenyas lang ako na ok lang.
Uwian na naman, tulad ng dati, pumunta ako sa labas ng gate para hintayin si Jake at sabay umuwi. Habang hinihintay ko ang aking dreamboy, nagulat ako at kinabahan dahil sa isang boses na tumawag sa pangalan ko.
"Dave"
Itutuloy.................................
BINABASA MO ANG
Halik ng Pag-Ibig
Teen FictionKriiiiiiiiinggggggg!!!!!, ang tunog ng alarm clock na nagpagising sakin. Sa araw na ito magsisimula ang bagong school year. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ewan ko, naghalong saya, kaba at excitement ang emosyon ko ngayon. Bumangon na ako sa akin...