"Mark! bakit nandito ka, at sino yang kasama mo?" ang may pagtatakang tanong ko sa kanya. Tumingin sila sa akin. Doon ko napansin na magkahawig silang dalawa.
"Mga iho upo muna kayo, may sasabihin sila sa inyo." si Tito Eddie. pumwesto kami ni Pat sa isang sofa katapat ng inuupuan ni Mark.
"Ano kasi, may ipagtatapat sana ako sa iyo Dave. Matagal na rin kasi akong naaawa sa iyo lalo na't nakikita ko na nalulungkot ka at nasasaktan. Yu...yung anak ni Cathy, hindi si Jake ang totoong ama nito. Bago pa sila magkakilala, naging nagkarelasyon siya sa nitong nakatatanda kong kapatid.
"Ha!!!!!" ang pagkagulat kong reaksyon. "Paano naman kayo nakakasiguro?"
Nagsalita na ang kapatid niya. Inamin naman ni Cathy sa akin ang tungkol sa pagbubuntis niya. Kaya nga nagsumikap ako na magtrabaho para suportahan ang bata. Sa katunayan, nga nadestino ako sa saudi. Pero nang sabihin sa akin ng kapatid ko ang bagay na ito, ay agad akong bumalik dito sa Pilipinas. Hindi ko matatanggap ang ginawa ni Cathy na iako sa iba ang anak namin.
Halos maguluhan na ang isip ko sa mga nalaman kong rebelasyon ngayon. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.
"Ayos ka lang ba best" si Pat sabay hagod sa likod ko.
"Oo best, medyo nagulat lang ako, huwag kang mag-alala," sagot ko sa kanya.
"Buti naman teka nga pala, nasaan na yung Cathy na iyon" tanong ni Pat sa dalawa.
"Wala na kayong dapat alalahain tungkol sa kanya, dapat kasama namin siya dito ngayon pero hindi pa siya handang humarap sa inyo. Naghahanap lang siya ng tamang tiyempo.
"So wala na pala tayo dapat problemahin pa ayos na ang lahat, salamat na lang sa dalawang ito" ang natutuwang sabi ni Tito Eddie.
"Tama, at kapag nalaman ito ni Jake ay siguradong matutuwa iyon at magbabalik na rin siya sa dati." si Tita.
"Dave, mabuti sanang ikaw na ang lahat kay Jake, alam ko kasing galit siya sa akin" si Mark.
"Sige kakausapin ko siya." Lahat ng lungkot ko at bigat ng damdamin ay nawala na. Ito na siguro ang daan upang magkabalikan kaming dalawa.
"Tita, nasaan po ngayon si Jake" tanong ko kay Tita.
"Lumabas lang siya saglit, pero pabalik na siguro yon." sagot sa akin ni Tita.
"Ano pa ba ang hinihintay natin, dapat masaya tayo, tutal nakahanda na ang hapunan, tara sabay-sabay tayong kumain" yaya ni tito Eddie.
Bigla naman akong nagsalita "Hindi ba natin hihintayin muna na bumalik si Jake?"
"Uuwi rin siya, baka nga masorpresa pa iyon pagdating niya dahil nandito ka." si Tita Edna.
Sinimulan na naming kumain ng hapunan, marami pa kaming napag-usapan ng gabing iyon. Nalaman kong mahigit 1 taon na ang relasyon nila Cathy at Bob, ang kapatid ni Mark. Kahit papaano naman ay napatawad ko na si Cathy sa mga ginawa niya. Sa kaso naman ng mga magulang ni Jake, kita ko rin ang kasiyahan sa kanila dahil hindi na maaakapektuhan ang kanilang negosyo.
Pasadong 10pm na nang umuwi ang magkapatid. Naiwan kami ni Pat para hintaying bumalik si Jake sa sala.
"Gabi na bakit wala pa siya" ang may pag-aalala ko nang tanong kay Pat.
"Dont worry darating din siya just wait" sagot ng bestfriend ko.
Lumipas na ang isang oras ngunit wala pang Jake na dumating. Lalo akong nag-alala sa kanya. Maya-maya lumapit sa amin si Tita.
"Wala pa ba si Jake, naku ano na kaya ang nangyari sa kanya?" sabi ni tita.
"Mabuti pa siguro tawagan niyo po ang mga kaibigan niya baka alam nila kung nasaan siya" suggestion ni Pat.
"Isa-isang tinwagan ni Tita Edna ang mga alam niyang kaibigan ni Jake. Ni isa sa kanila walang nakakaalam kung nasaan siya. Bigla ko namang naalala ang isang pangyayari noon. Ang ginawang paglalasing niya sa isang Bar malapit sa school. Naisip kong puntahan siya doon. Sinamahan ako ni Pat.
Pagkarating doon, kumpirmado nagpunta nga si Jake doon. Kinabahan na ako na baka may masama nang nangyari sa kanya. Naisipan naming libutin ang buong lugar, nagbabakasakaling makita siya.
Sa kotse habang nagmamaneho si Pat, patuloy pa rin ako sa pag-iisip, nagdadasal na sana ay walang mangyaring masama sa kanya.
"Bestfriend, alam kong sobra na ang pag-aalala mo, wag kang mag-alala, hindi na tayo titigil sa paghahanapsa kanya." si Pat at hinawakan ako sa kamay. Napaiyak na akong tumugon sa kanya.
"Maraming salamat at nandiyan ka para sa akin" Ngumiti lang siya sa akin. Doon ko lalong nalaman ang kahalagahan ng isang kaibigan sa oras ng pangangailangan.
Maya-maya tumawag si Tita. Agad kong sinagot ito. "Tita ano na po balita kay Jake?"
Lalo akong kinabahan nang hindi agad sumagot si Tita.
"Tita, ano po?" ang napalakas ko nang tanong. Narinig kong umiyak si Tita.
"Dave, nandito kami ngayon sa ospital" pautal na sagot ni Tita Edna.
"ANOOOO?"
Itutuloy.......
BINABASA MO ANG
Halik ng Pag-Ibig
Teen FictionKriiiiiiiiinggggggg!!!!!, ang tunog ng alarm clock na nagpagising sakin. Sa araw na ito magsisimula ang bagong school year. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ewan ko, naghalong saya, kaba at excitement ang emosyon ko ngayon. Bumangon na ako sa akin...