Halik ng Pag-Ibig part 22

6.9K 172 5
                                    

Dahil sa mga nangyari, napagpasya kami ni Itay na ituloy na ang paglipat ng bahay base na rin sa mungkahi ni Erika nung gabing mag-usap kami.

Dumating na ang takdang-araw ng pagbabalik ng bestfriend kong si Pat sa Pilipinas. Kasama ko si Erika na sasalubong sa kanya sa airport. Matapos ang mahigit 30 minutong paghihintay, natanaw na namin ang kanyang pagdating. Nang makita kami agad siyang lumapit sa amin.


"Bestfriend! kumusta ka na " si Pat.
"Mabuti naman ang laki na nang pinagbago mo" sagot kong namamangha sa itsura niya.
"Oo nga Pat saka parang ang laki ng kasiyahan mo ngayon ah! May bagong lovelife ka na yata" si Erika.

"Tama ka kasama ko nga siya ngayon. Maya-maya papakilala ko siya sa inyo." si Pat. Hindi ko alam kung bakit parang affected ako sa mga narinig ko kay Pat. May bago na siyang karelasyon at masaya siya. Pero nanaig pa rin ang saya ko para sa kanya. Maya-maya may isang taong sumulpot sa tabi ni Pat.
"Bestfriend, Erika papakilala ko sa inyo si Alfred. Alfred si Erika at ang bestfriend ko si David." ang pagpapakilala niya sa amin sa isa't-isa.
"Hello guys, nice to meet you" si Alfred sabay nakipagkamaysa amin. 
"Ano pa ang hinihintay natin tara kumain na tayo" si Erika.


Nagpunta kami sa isang sikat restaurant sa Mall of Asia. Habang kumakain, pinagmamasdan ko ang kasama ni Pat. Pilipino rin pala ito, at may kagwapuhan rin.Nakikita ko rin ang madalas nilang paghahawakan ng kamay at pagsusubuan ng pagkain.



"Wow ang sweet naman nila kakainggit. Hindi katulad ng isa dito" si Erika sabay lingon sa akin. Agad ko naman siyang siniko at sinabing "Tumigil ka nga".
"Siyempre ganito naman talaga kapag nagmamahalan di ba." si Pat.


Pagkatapos kumain, naglibot-libot kami sa mall. Gabi na nang maghiwalay kaming apat. Umuwi na si Pat sa dating nilang bahay kasama si Alfred. Kami naman nagsabay ni Erika.



Nasa kwarto ako at nakahiga nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Si Tita Edna pala ito.


"Dave, anak pwede bang dalawin mo naman si Jake dito. Nag-aalala na kami sa kanya e. Hindi na siya masyadong kumakain at laging madaling araw umuwi na lasing." si Tita na medyo naiiyak na nagsasalita.
"Tita, sana po maintindihan niyo po na para sa pamilya ninyo ang ginagawa ko. Ayoko namang maghirap kayo at makagulo sa relasyon ni Jake at Cathy." sagot ko sa kanya.
"Dave, hindi ko na alam an gagawin ko baka kung ano na ang mangyari sa kanya. Gabi-gabi rin siya nag-iiyak at nagdadabog. Nahahabag  na ako sa itsura niya" si Tita.
"Medyo naawa naman ako kay Jake pero nagdadalawang-isip pa rin ako kung dadalawin ko siya o hindi. Nagpasiya na lang akong panindigang hindi na makipagkita sa kanya para na rin sa ikabubuti ng kanilang pamilya.

"Sige po Tita titignan ko" ang nasagot ko na lang.

Pagkaraan ng halos isang oras, may tumawag ulit sa akin. Ang bestfriend ko naman ito.

"Hello Pat, bakit ka napatawag?" tanong ko sa kanya.
"Bestfriend ayos ka lang ba, alam ko na ang lahat ng nangyari sa iyo sinabi na ni Erika"
"Ganun ba" ang sagot ko. Nagsimula na ulit pumatak ang mga luha ko.
"Sinasabi ko na nga bang mangyayari ito. Nagsisisi akong pinaubaya kita sa kanya. Lagot siya sa akin" ang medyo nagagalit niyang sabi.
"Pat, tama na mas lalo mo lang gagawing kumplikado ang sitwasyon." sabi ko sa kanya.
"Huwag kang mag-alala bestfriend nandito pa rin ako para sa iyo kahit may mahal na akong iba." si Pat.
"Salamat bestfriend, maswerte talaga ako na nakilala kita." sabi kong umiiyak na.
"Bukas dadalawin kita diyan" ang sabi niya.
"Sige hihintayin kita"


Kinabukasan, sa school, pagkapasok ko ng room, una kong nakita si Mark. Pero parang may kakaiba sa kinikilos niya. Habang nagkaklase napapansin kong balisa siya at di mapakali. Nag-aalala naman ako sa kanya, kahit papaano kaibigan ko pa rin siya kahit nakagawa siya sa akin ng masama. Nagpasiya akong kausapin siya pagkatapos ng klase. Hinintay ko siya sa may lobby para sabayan.



"Mark, kamusta ka na parang balisa ka ah may problema ka ba?" ang tanong ko na nag-aalala.
"Wa...wa...wa..walaaa naman hindi lang maganda ang pakiramdam ko" ang sagot niyang hindi makatingin sa akin.
"Sure ka kaibigan mo ako, baka matulungan kita sa problema mo" sabi ko sa kanya sabay hawak sa braso. Napatingin naman siya sa akin. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata na agad napunasan.
"Dave, patawarin mo ako pero kailangan ko nang umalis sige kita na lang tayo bukas" sabi niya sabay bitaw sa pagkakahawak at mabilis na naglakad palabas ng school.


Lalo akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya kaya naisip kong tulungan siya sa abot ng aking makakaya. Naalala ko namang bigla ang sinabi ni Pat na pupuntahan niya ako sa bahay kaya umuwi ako nang maaga. Habang naglalakad ako pauwi sa bahay nang biglang may taong nagtakip sa bibig ko. Tuluyan na akong nawalan ng malay.


Itutuloy..............

Halik ng Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon