Ang sarap sa pakiramdam nang natupad na ang matagal mo nang minimithi, ang mahalikan ng taong matagal mo nang minamahal. Hindi ito isang panaginip lang. Habang hinahalikan niya ako, hindi ko maiwasang maluha ulit dahil sa sobrang kasiyahan. Masarap siyang humalik na parang sabik na sabik. Maya-maya kumalas na siya sa akin.
"Ngayon, kakalimutan mo pa ba ako, makakaya mo pa bang lumayo sa akin? Ito ang aking halik ng pag-ibig." si Jake. Hindi ako makapagsalita, natutulala pa rin ako sa ginawa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nila. Ako naman naging sunud-sunuran na lang sa kanya. Pagkapasok sa bahay, kita ko silang lahat na nakaupo at nag-uusap. Kita ko ang pagkabigla sa mukha nila nang makita kaming magkaholding hands.
"Tito Mariano, patawarin po ninyo ako kung sinaktan ko po ang damdamin ng anak niyo, pero narealize ko nung ayaw kong umuwi dito na hindi ko kayang mawala si Dave sa buhay ko. Kaya please po sana huwag na kayong umalis." si Jake. Kitang kita ko sa mata niya na totoo ang sinasabi niya.
"Ma, Pa, sasabihin ko po sa inyo na mahal na mahal ko si Dave sana po matanggap po ninyo ang aming relasyon gaya ng pagtanggap ko sa aking pagkatao. Alam ko na ngayon kung saan ako magiging masaya." dagdag niya.
"Anak, natutuwa kami at huwag kang mag-alala susuportahan ka namin kung saan ka magiging masaya." si Tita na naluhasa kasiyahan.
"Jake, alam mo naman siguro na mahina ang utak ng anak ko sa pag-aaral kaysa sa iyo at pumapalpak sa maraming bagay." si Itay na agad sinagot ni Jake.
"Alam ko po Tito, makakaasa po kayong tutulungan ko siya at aalagaan." si Jake.
"Ang saya, bukas magkakaroon tayo ng salo-salo hehehehehe" si Tita.
Naluha ako sa sobrang kasiyahan sa mga nangyari. Natupa na ang pangarap ko na mahalin ni Jake. Wala na akong mahihiling pa. Pagkatapos ng aming usapan, pumasok na kami sa kani-kaniyang kwarto para makapagpahinga.
Sas kwarto, nakahiga akong nakangiti na. Pero may bumabagabag pa rin sa akin na baka bukas e bumalik sa dati ang pakikitungo niya sa akin, at siyempre naalala ko si Cathy. Minabuti kong puntahan siya at kausapin. Kumatok ako sa pinto at agad naman niya itong binuksan.
"Dave tara, pasok ka" si Jake na nakangiti. Pumasok na ako at naupo sa kama niya.
"Oh bakit parang di ka masaya, sabihin mo may problema ka ba? nag-alalang tanong niya sabay tabi sa akin.
"Iniisip ko lang na baka bukas e magbago ka ulit saka paano na si Ca" ang sinabi ko nang takpan niya ang bibig ko ng hintuturo niya.
"Shhhhh! iyan ba ang inaalala mo? Huwag kang mag-alala, hindi ako magbabago at tungkol naman kay Cathy, wala kaming relasyon, kaibigan ko lang siya. Binabalak ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa atin. Teka, dapat nga ako ang magtanong sa iyo niyan e."
Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. "Bakit mo nasabi yan?" ang tanong ko.
" Dahil marami akong karibal sa iyo. Nung mga nakaraang buwan marami akong natatanggap na text galing sa ibat-ibang number at mga sulat na nagsasabing aagawin ka nila sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba sarili ko. at nang makita ko si Mark, doon ko nakumpirma sa sarili ko na nagseselos ako. Gulung-gulo ako ng mga panahon na iyon. Lalong nasaktan pa ako ng makita ko kayong sabay umuuwi, sabay nagmemeryenda sa Jollibee at siyempre sa kanya ka na sumasama sa tutorial. Mababaw lang iyon sa iyo pero di ko maiwasan e. Nung gabi na uminom ako, dahil iyon sa nakita kong paghawak niya sa kamay mo at pagkiss sa pisngi mo habang naglalakad kayo. Masakit kasi hindi ko nagawang gawin sa iyo yun dahil sa confusion ko sa sarili. Ang pagtanggap ko sa sarili ang nagbibigay sa aking ng sobrang kaligayahan. Salamat sa iyo Dave." si Jake habang hinahaplos ako sa ulo.
Nagulat naman ako sa mga revelations niya. Unti-unting naliwanagan ang isip ko. Matagal na pala siyang may nararamdaman sa akin, pero naging manhid ako. Nagseselos na pala siya kay Mark. Teka, pumasok bigla sa isip ko ang sinabi ni Jake na marami ang nagtetext sa kanya at nagpapadala ng mga sulat. Naalala ko yung araw na nakita kong maraming sulat at sim cards si Mark.
"Jake, may sinabi kang maraming kang natatanggap na text at sulat di ba?" ang natanong ko.
"Oo, huwag mong sabihing isa na sa kanila ang mahal mo?" si Jake na may selos ang tono ng boses.
"Hindi ano ka ba, naalala ko kasi na yung mga nakita kong papel at sim cards kay Mark e. Jake, naitabi mo ba ang mga sulat at na save ang mga text" sabi ko.
"Wala na, siyempre hindi ako magtatago ng mga bagay na nagbibigay ng pasakit sa akin." ang sagot niya.
"Ahh, may kailangan lang akong kumpirmahin bukas"
"Ano iyon, sabihin mo sa akin" si Jake.
"Malalaman mo rin iyon bukas. Sige, balik na ako sa kwarto ko." tatayo na sana ako nang bigla akong hinawakan ulit ni Jake sa kamay.
"Dave, hindi ka muna pwedeng lumabas." si Jake, sabay hinila ang kamay ko na dahilan upang mapahiga ako sa kama at umibabaw siya sa akin.
Ang kaninang nararamdaman kong pag-aalinlangan kay Mark ay napalitan nang kung anumang init ng katawan. Nakatitig siya sa akin na parang sinasaulo ang bawat detalye ng mukha ko. Muli, hinalikan niya ako, mas mapusok na ito kaysa sa kanina. Halatang gigil na gigil siya sa akin. Naramdaman kong tumigas na ang pagkalalaki ni Jake sa pagdikit-dikit niya nito sa aking ari. Tinigasan na rin ako. Maya-maya huminto siya sa paghalik at sinimulan na niya akong romansahin. Dinilaan at inamoy-amoy niya ang buo kong katawan pababa. Hinubad niya bigla ang aking suot na shorts at brief. Walang kagatul-gatol siyang isinubo ang tigas na tigas ko nang ari. Napaungol at napapikit na lang ako sa sobrang sarap na aking nararamdaman.
Itutuloy................
BINABASA MO ANG
Halik ng Pag-Ibig
Teen FictionKriiiiiiiiinggggggg!!!!!, ang tunog ng alarm clock na nagpagising sakin. Sa araw na ito magsisimula ang bagong school year. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Ewan ko, naghalong saya, kaba at excitement ang emosyon ko ngayon. Bumangon na ako sa akin...