GOODMORNING Y'ALL! FIRST UPDATE FOR THIS DAAYY! EAT NA KA'YO NG BREAKFAST! LOVEY'ALL!
NAGISING AKO sa sinag ng araw sa kwarto ko. Tinignan ko ung orasan at 7:00am palang. Tulog pa siguro sila Sean, magluluto na lang muna ako. Bumaba na ako at nagluto ng almusal.
Si Kabit ay este si Lucy.
"Goodmorning, Ali." nakangiting sabi ni Lucy. Napangiwi ako ng banggitin n'ya ang aking nickname.
"Morning din." bati ko din sakaniya. Akmang kukuha ako ng plato ng patidin ako ni Lucy.
Agad akong napahawak sa tyan ko ng biglang sumakit ito. Napaiyak ako dahil sobrang sakit na ng tyan ko.
"Aliana! Jusko kang bata ka! Lucy!! Anong ginawa mo! Ba't mo pinatid si Aliana!" galit na sigaw ni Manang.
Dali dali akong tinulungan ni Manang ngunit di ako makakilos sa sobrang sakit ng tyan ko. Nakita kong may tinawagan si Manang.
"Kera, ija pwede ka bang pumunta dito? kaylangan kita." nagaalalang sabi ni Manang. "Salamat ija." pasasalamat ni Manang.
Napahawak ako sa braso ni Manang ng mas sumakit pa ang tyan ko. Sa sobrang sakit ay wala akong naririnig kundi ang iyak ko. Maya maya pa ay dumating agad sila Kera.
"Oh god, Aliana! Manang kaylangan na po natin syang dalhin sa hospital. Baka mapapano po sya." aligagang sabi ni Kera ngunit agad akong umiling. Nagtataka naman akong tinignan ni Kera at Manang.
"I-i d-don't l-like i-in h-hospital. D-dito n-nalang a-ako. C-call M-mom." nanghihinang sabi ko.
"Puro ka lang inarte Aliana. Mas maganda namang mamatay na lang 'yang anak mo! Para di mo pinapasa kay Sean ang responsibilidad." sabat ni Lucy kaya napatingin kaming lahat. Nagulat na lang ako ng makarinig ng sampal. Agad akong nagtaas ng tingin at nakita kong sinampal ni Ate Selene si Lucy.
"Ate!" narinig kong sigaw ni Sean mula sa taas. Nakita ko ang galit sa mata nya. Di namin inaasahan ang paguwi ni Ate Selene mula States. Kapatid ni Sean si Ate Selene.
"How dare you to say that Lucy? Bakit ikaw ba ang magkakaroon ng responsibilidad? Ha? Pamamamahay 'to ng Daddy Ko kaya wala kang karapatan dito. Kahit pinapasok kapa ng kapatid ko. Wala akong pakielam kahit sinong Collins kapa. Kilala mo ba ang pinagsasalitaan mo ng ganyang salita?" galit na sabi ni Ate Selene kay Lucy na napatahimik. Dali daling bumaba si Sean para pigilan si Ate.
"Ate pwede ba? Wag mong idamay ang girlfriend ko sa galit mo sakin. Tska tama lang naman ang sinabi n'ya e. Dapat mamatay na 'yang batang 'yan sa sinapupunan ni Aliana." sabi ni Sean. Parang tinusok ang puso ko ng mga narinig ko 'yon. Kaya nyang patayin ang anak nya para lang kay Lucy.
Napatingin si Ate Selene kay Sean. Nakita ko ang pagkadismaya sa mata ni ate. Ako naman ay umiiyak. Nasa likod ko lang sila Kev, Kera, At Manang na tahimik lang din. Kanina ay alam kong gusto ng suntukin ni Kev si Sean ngunit pinigilan sya ni Kera.
"I'm so disappointed for this, Sean. Iba na ang Sean na kilala ko. Ibang iba na. Sana kilala n'yo muna ang binabangga nyo bago nyo pagsalitaan ng mga salita na hindi karapatdapat sakanya." dismayadong sabi ni Ate at tinulungan ako.
Nawala na ang sakit ng tyan ko ng hawakan ko ito. Medyo maambok nadin ang tyan ko. 4 months na. Excited na akong makita sya.
"Ayos kalang ba, Aliana? May masakit ba sayo? Gusto mo bang pumunta tayo ng hospital?" nagaalalang sabi ni Ate Selene sakin. Umiling na ako dahil okay na din naman ako.
"Ayos ka lang ba, Love?" nagaalalang sabi ni Sean. Napatingin ako sakanila. I've never seen Sean like this before. His soft side. Sana ganyan din sya saakin.
"Gusto ko umuwi, Love. Samahan mo muna ako sa bahay pls?" parang naiiyak na sabi ni Lucy. Dali daling umakyat sila Lucy at Sean para magbihis.
"Wag mo kasing isipin sila Lucy, Aliana. Naiistress ka masyado. Kung gusto mo dun ka muna sa bahay para maalagaan ka. Halatang hindi ka naaalagaan dito." sabi ni Ate Selene ngunit agad akong umiling. May sariling bahay si Ate Selene. Kasama ang asawa nya. Si Kuya Leo.
"Okay na po ako dito sa bahay po. Inaalagaan naman po ako ni Manang. Tska, mas komportable po ako." sabi ko kay Ate at sinugurado naman ni Ate.
Hindi na natawagan si Mommy dahil sa nangyari. Umalis na din muna si Ate Selene ngunit nanatili dito sina Kera. Nagusap usap kami kung kaylan namin balak magmamili ng damit.
Habang naguusap kami ay biglang tumawag ang Mommy ni Kera kaya nagpaalam na sila na aalis muna. Pumayag na lang din ako tska para makapagpahinga din muna ako. Umidlip muna ako para makapagpahinga sa mga nangyari kanina.
"NANG DAHIL SA'YO! NAGALIT SAAKIN SI ATE SELENE AT LUCY! NANG DAHIL SAYOOO!!! PURO KAMALASAN NA LANG BA ANG GAGAWIN MO SA BUHAY KO?! HA?! PURO KAMALASAN?!" sigaw sakin ni Sean. Hawak hawak n'ya ng mahigpit ang pulsuhan ko. Alam kong namumula na 'yon pero wala syang pakielam.
"Iho, huminahon ka. Kasalanan din naman ni Lucy kung bakit nagalit ang ate mo." pagpapakalma ni Manang kay Sean. Tinignan ni Sean si Manang.
"Manang, bakit n'yo ho ba kinakampihan si Aliana? Sya ang mali hindi si Lucy. Kung hindi nya sinabi kay Daddy na may anak na ang ate nya edi sana hindi kami ang kinasal! Kaya namang tanggapin ni Daddy ung anak ng ate nya e! Edi sana si Kuya at ang Ate nya ang magkasama ngayon!" sigaw ni Sean. Nakaramdam ako ng galit dahil pati ang anak ni Ate ay idinamay n'ya.
"Bakit kaylangan mong mandamay ng batang inosente? Walang alam ang bata dito kaya wag kang mandamay. Kasal na ang ate ni Aliana ngayon. Masaya na ang ate ni Aliana at ngayon idadamay mo? Anong isip meron ka, Sean?" nadidismayang tanong ni Manang sakanya.
"Oo nga, Manang! Kasal na nga ang ate ni Aliana! Pero kung hindi nya sana sinabi na may iba ang ate nya edi sana hindi kami naipit sa ganto! She seduced me! Gusto nya akong makuha!" sigaw ni Sean saakin. Frustrated syang umalis muli ng bahay.
Oo, dapat ang Kuya nya at ang Ate ko ang ikakasal. Ngunit nalaman kong buntis si ate kaya sinabi ko sa Daddy ni Sean na buntis si ate at handa akong maging kapalit ni Ate. Sinabi ng Daddy ni Sean na masyado pa akong bata kaya kay Sean nya ako ipapakasal. Nagulat ako ng malamang Monteverde pala si Sean.
Hindi alam ni Sean na isa akong Menzel. Menzel ang isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Reazadel ang ginagamit kong apilyedo. Oo, alam kong maling magsinungaling pero kaylangan.
Hindi pa nya pwedeng malaman ang totoo..
_______________________________________
-iam_jaxii
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceAlliana Menzel-Monteverde, Isang Babaeng naipit sa isang arranged marriage para sa kan'yang magulang. Hindi n'ya inaasahan ang mangyayari sa Arrange Marriage. Sean Monteverde, Lalaking naging asawa ni Aliana Cassanova, Gwapo, Matangkad, Malaki ang p...