Chapter 6

629 32 12
                                    

THANKYOU FOR WAITING SA UD! IREADY NYO NA UNG TISSUES NYO HAHAHAHAH. ROAD TO 1k READERS THANKYOUU!!


NAGLILINIS AKO ngayon ng sala. Isang linggo na ang nakalipas nung simula nung nandito ang mga kaibigan ni Sean. Naging close nadin kami at nakilala ko ang mga nobya nila. Mas close kami ni Maxine na kasintahan ni Devo. Hindi sya kagaya ng nobyo na tahimik.

Habang naglilinis ako ng bahay, may napansin ako sa gamit ko. Isa itong sulat, mula sa pamilyang kinalakihan ko. Binuksan ko ang papel at ito ang nabasa ko.

Mahal kong Aliana,
Alam kong balang araw mababasa mo din ito. Pasensya na sa ginawa ni Mamay ha? Alam kong galit ka sakin kasi late mo ng nalaman na ampon ka lang namin. Masaya ako dahil nahanap mo na ang tunay mong mga Pamilya.

Sana inaalagaan ka nila dyan. Alam ko namang ikaw lang ang naging anak ko kaya nagiging maingat ako sa'yo. Pumunta ka naman dito sa probinsya. Miss na miss kana nila dito. Nabalitaan ko may asawa kana. Pinadala ko ito kay Selene.

Napagalaman ko na kapatid ito ng asawa mo kaya nagsabi ako na ipadala ito. Nak, lagi mong tandaan na mahal na mahal na mahal ka namin lalo na si Mamay. Magiingat ka ha.

-Mamay.

Matapos kong mabasa ang sulat ni Mamay ay naluha ako. Oo, nagalit ako sakanila dahil huli na ng malaman kong Menzel ako. Masakit para sakin na magalit sakanila. Ngunit hindi ko na makikita pa si Mamay dahil kasama na nya ang Diyos.

Inayos ko na ang sarili ko at pinagpatuloy ang paglilinis. Habang naglilinis ako ay biglang nagring ang cellphone ni Sean. Mukhang nakalimutan nya ito. Dali dali kong sinagot ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko sa tumawag.

"Sino ka? bakit hawak mo ang cellphone ni Sean?" sabi ng isang taong hindi pamiliar sakin. May narinig akong mura. Un ung boses ni Sean. Dali dali kong pinatay ay binitawan ni Sean. Alam kong magagalit ito saakin.

Nanginginig kong nilinis ang larawan nilang dalawa ni Lucy. Biglang bumukas ang pinto kaya nabitawan ko ito. Nanginig ako ng makitang nabasag ito. Tinignan ko ang pumasok at nanlaki ang mata ko ng malamang si Sean iyon.

Dali dali nya akong hinawakan at nanggigil na hinarap sakanya. Kita ko ang galit sa mata nya. Natatakot ako, mahalaga sakanya ang larawan na iyon. Natatakot ako sobra. Ngayon ko lang nakita na ganto si Sean. Oo, sinasaktan n'ya ako pero never ko nakita ang galit sa mata nya.

Agad akong nakaramdam ng sakit ng sabunutan nya ako. Hinawakan nya ang panga ko at pinagsasampal ako. Namamanhid na ng sobra ang mukha ko. Tinayo nya ako at hinawakan sa braso ng napakadiin.

"NASASAKTAN AKO!!" sigaw ko ka'y Sean na mahigpit na nakahawak sa braso ko. Alam kong mali na pinakeelaman ko ang mga gamit nya pero maglilinis ako.

"WALA AKONG PAKIELAM! HINDI BA'T SINABI KO SAYO NA WAG NA WAG NA WAG MONG PAPAKIELAMANAN ANG MGA GAMIT KO?! DIBA?! HANGGANG KAYLAN MO BA MAPAPASOK SA KOKOTE MO YAN?!" sigaw nya at tinulak ako. Napahawak ako sa tyan ko ng bigla itong sumakit. Naramdaman ko ang mga kamay nya sa leeg ko.

"S-sean, h-hindi a-ako m-makahinga. B-bitawan m-moko." nahihirapang ani ko. Ngunit mas lalo nya lang ako sinakal. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na pagod na ako. Biglang may pumasok kaya nabitawan nya ang leeg ko.

Nakita ko si Manang na pumasok. Dali dali nyang tinulak si Sean palayo saakin. Habol ang hininga kong hinihimas ang tyan ko ng maramdaman kong mas sumakit pa ito lalo. Natatakot ako.

"Ano kaba Sean?! Hindi kana ba naawa sakanya?! Halos araw araw mo na sya sinasaktan!" asik sakanya ni Manang. Nananaliksik ang matang nakatingin kay Sean. Hinawakan nya ang likod ko bilang gabay.

Naiinis na umalis si Sean at bago pa sya makalabas ay ito ang sinabi nya "HINDI PA AKO TAPOS SAYO, ALIANA!" Mas lalong sumakit ang tyan ko. Halos hindi ko na alam ang gagawin ng sumakit pa ito ng sumakit.

Naramdaman kong nabasa ang mga binti ko kaya hinawakan ko ito. Nagulat ako ng makitang may dugo dito. Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagaalala ako sa baby ko..

"Jusko! Aliana dinudugo ka! Juskoo!! Maghintay ka, Aliana tatawagan ko si Kev." sabi ni Manang, ngunit bago pa tawagan ni Manang si Kev ay biglang lumabas si Kev sa pintuan.

"Kev! Mabuti at dumating ka! Dinudugo si Aliana!" natatarantang sabi ni Manang kaya dali dali akong binuhat ni Kev papunta sa kotse nya.

"What are you doing?" walang emosyon na sabi n'ya. Dali dali naman s'yang sinuntok ni Kev.

"PAG MAY NANGYARING MASAMA SA ANAK N'YO! AKO MISMO ANG PAPATAY SAYO!" sigaw ni Kev, ramdam kong galit na s'ya. Hinawakan ko ang kamay n'ya ng mas sumakit at mas dumami ang daloy ng dugo sa binti ko.

"Nagiinarte lang 'yang si Aliana. Tska di ako sigurado na anak ko 'yan. Dahil malandi naman 'yang si Aliana." sabi ni Sean. Lalong mas lumakas ang bugso ng luha ko sa narinig ko. Oo, wala s'yang paki samin ng anak n'ya. Sa loob ng 6 na buwan na dala dala ko ang anak namin lagi n'ya akong sinasaktan. Napapagod na ako.

"K-Kev a-ang b-baby ko.." nagaalalang sabi ko dahil madami ng dugo ang mawawala saakin. Natatakot akong mawala ang anak ko.

"Hold on, Aliana dadalhin na kita sa hospital." ani n'ya at dali daling pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito. Ngunit nandidilim na ang mga paningin ko.

Pagkagising ko ay agad kong kinapa ang tyan ko, nakaramdam ako ng saya ng maramdaman ang umbok padin nito. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ko si Manang na nakatulala.

"Manang." sabi ko sa mahinang boses. Napatingin agad sakin si Manang at aligagang kumuha nung tubig.

"Ito, uminom ka muna ng tubig." sabi ni Manang at uminom na ako. Biglang pumasok si Kev ng mugto ang mata, nagtataka ako kung bakit sila gan'yan, may nangyari ba?

"Aliana, gising kana pala.." sabi ni Kev. Nagtataka ako ng bigla s'yang umiyak.

"Anong nangyari? Kev? Anong nangyari sa anak ko?" nagaalala kong tanong at bigla n'ya akong tinignan. Kinakabahan ako.

"Wala na ang isa sa kambal mo, Aliana. Kambal ang batang dinadala mo, ngunit hindi masyadong napakapit ang isa sa kambal mo kaya nawala ito." umiiyak na paliwanag nito. Natulala ako sa narinig ko.

Hindi pwede.

Hindi maari..

"Kev, wag ka naman magbiro ng ganyan oh." naiiyak na sabi ko. Ngunit alam kong seryoso s'ya.

"Nasan ang anak koo?! Ipakita n'yo s'ya saakin!!!!" umiiyak na sigaw ko..

Biglang may pumasok na isang nurse hawak hawak ang isa sa kambal ko na wala ng buhay. It's a girl. Dali dali akong naiyak habang inilapit saakin ng isang nurse ang isa sa kambal ko.

"Condolences Mam, but hindi na talaga kinaya ng isa sa kambal mo. Masyadong maselan iyang bata kaya magdoble ingat ka po." sabi ng nurse at umalis na.

Nanginginig kong hinawakan ang mukha ng anak ko na wala ng buhay at umiyak na malakas. Agad akong inalo nila Manang at Kev.

"Aliana, magpakatatag ka para sa isa mo pang kambal. Nandito lang kami." sabi ni Manang na umiiyak na rin.

"A-anak, pasensya kana ha? Masyadong nastress at nasaktan si Mommy kaya pati ikaw nadamay. Hayaan mo, aalagaan ko na ang kakambal mo. Sorry anak sa pagkukulang ni Mommy, mahal na mahal na mahal ka ni Mommy." umiiyak na sabi ko at hinalikan ang anak ko.

Pasensya kana anak, at hindi naging matatag si Mommy. Hayaan mo ipaghihiganti kita. Mahal na Mahal ka ni Mommy...

________________________________________
-iam_jaxii

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon