NAGISING AKO ng may tumatawa sa gitna ko. At parang bulateng nag galaw. Halos hindi na makahinga si Liana kakatawa. Kaya kahit inaantok pa, gumising ako.
"Waaa, Daddyyyy stop naaa." natatawang sabi ni Liana habang kinikiliti ni Sean.
Tumigil si Sean ng makitang gising na ako. Napatingin din sakin si Liana at dali dali akong niyakap at hinalikan. Hinalikan ko din sya at tinignan kung anong oras na. 5am palang.
"You can sleep pa, mamayang 9 am pa naman ang alis natin. Alam kong matutulog pa din itong si Liana. Magpapadala na lang ako ng foods." sabi ni Sean kaya tumango na lang ako at natulog ulit.
Naramdaman kong nahiga ulit sila at yumakap si Liana kay Sean. Muntikan na akong matawa dahil sa paghilik agad ni Liana. Madali kasing makatulog si Liana lalo na pagpagod. Natulog na lang din ako muna.
Nagising ako ng tapikin ni Liana ang braso ko.
"Mom, wake up na po. Food is here po." sabi ni Liana habang hinahalikhalikan ang buong parte ng mukha ko. Napatawa ako dahil nakikiliti ako.
"Okay, Mommy's wake up." sabi ko at tumayo na.
Nakita ko si Sean na naghahanda ng pagkain. Napatawa ako dahil nakasimangot si Liana habang nakatingin sa mga babaeng nakatingin sa Daddy nya. Dahil sa pagtawa ko, napalingon sakin si Sean.
"Good morning." sabi nya at tumango na lang ako.
Pumunta ako sa cr para maka-ligo na. Napansin ko din na tapos na sila maligo. Dali dali akong naligo kahit malamig ang tubig.
Nagbihis na ako. Sweat Pants, Long sleeve, and boots. I love wearing boots, ang ganda nya kasi tignan. Lumabas na ako ng cr at nakita ko ang mga babaeng nakatingin kanina kay Sean.
"Tsh, ang landi nung babae. Ung lumabas sa tent. Kala mo naman kung sino." sabi nung isang babae. Di naman ako tanga para hindi ko malamang ako 'yon.
"Diba, sya 'yon? Tara kausapin natin." sabi nung kasama nya. Tsk, sige kausapin n'yoko tignan natin kung sino ang mapapahiya.
"Hoy!" sigaw nung mga babae kaya napatingin ang mga tao dito pati na din si Sean.
"Ba't mo nilalandi kanina ung lalaki don?!" sigaw nung isa saakin. Aakmang lalapit si Sean ang bulungan ito ni Liana at kumindat saakin.
"Hoy! Sumagot ka!!" sigaw nya saakin kaya napatingin ako sakanya.
"Ako ba ang kausap n'yo?" maang maangan ko. At mas tumalim ang titig saakin nung dalawang babae. Muntikan na ako matawa sa itsura nila.
"Bobo neto! Malamang! Bat nilalandi ung lalaki don?!" sigaw nya pa sakin kaya napatakip ako ng tenga. Nakakairita naman 'to, masyado maingay.
"Alam mo? Ang lapit lapit lang natin sa isa't isa ang ingay ingay mo." irita ko pang sabi sakanya. Napataas naman ang kilay nya.
"Wala kang pake!" sigaw nya pa.
"Tsk. Anong nilalanding sinasabe mo? Ayon bang lalaking 'yon? HAHAHAHAHAHA!" napatawa na lang ako dahil sa kagagahan nila, sumusugod ng walang dahilan e.
"Anong tinatawa tawa mo dyan?!" sigaw nya pa. Kaya napatingin ulit ako sakanya ng seryoso.
"Well, Ms. Whoever you are. Wala namang sigurong masama kung landiin ko ang ASAWA KO. Wala din naman sigurong masama kung lalabas kami ng ANAK NAMIN sa tent. Ms. Whoever you are, kung gusto mo landiin ang ASAWA KO, sabihin mo lang para naman hindi ka naiinggit. Gusto mo pala maging KABIT edi sana sinabi mo." sabi ko at natulala sila sa sinabi ko. Di na ako nagsayang pa ng oras at umalis na ako doon.
Ngiting ngiti naman si Sean habang nakatingin saakin. At si Liana naman ay masama pa din ang tingin sa mga babae. Nakakainis ang ngiti ni Sean muntanga.
"Ayos ka lang ba, ASAWA KO?" pang aasar pa nya. Kaya napatingin ako sakanya habang iniipitan ko ang buhok ni Liana.
"Pwede ba Sean? wag mo akong inisin ngayon. Wala ako sa mood." mataray kong sabi sakanya kaya napahalakhak sya.
Pagkatapos kong ipitan si Liana ay kumain na kami. Naayos na din ni Sean ang tent kaya kakain na lang kami tapos uuwi na. May trabaho pa ako.
Nandito na kami sa kotse at buti na lang ay nandito na kami dahil umuulan na. Mukha nalungkot si Sandro dahil uuwi na naman kami. Nagpaalam na muna kami kay Sandro bago kami pumunta dito sa kotse. 11 am na, kaya't pagod at tulog na naman si Liana sa backseat. Kaya nandito kami ni Sean sa harap.
Naglalaptop ako dahil may problema sa mga models. Nag leave ang isa sa magmomodels ng bagong labas na damit. I'm so dissapointed today. Mukhang napansin 'yon ni Sean kaya tumigil muna kami sa gilid.
"Are you okay?" nagaalalang tanong ni Sean kaya tumango ako at nagsimula ulit syang nagdrive.
Wala akong choice! Kundi ako ang magmomodel!
Sana'y naman na ako pag wala ung mga models ako ang magmomodel ngunit alam kong manonood ang mga officials. Because ang ilalabas na bagong designs is one of the best designs na napagusapan namin.
"Kasama kaba sa panonood ng mga models mamaya?" biglang tanong ko at tumango naman siya. Napabuntong hininga na lang ako.
"Yes, Iiwan ko na lang muna si Liana kina Ate Selene para may kalaro naman si Selein. Gusto kasi ni Ate na may kasama si Selein mamaya kasi gusto na nila sundan si Selein. Kaya doon muna sa bahay sila Selein kasama si Manang." sabi nya kaya napatingin ako sakany. Gusto na agad sundan nila Ate Selene si Selein? Alam kong 5 years old na si Selein pero wt HAHAHAH.
"Gusto na agad nila sundan? Ang bilis naman yata?" takang tanong ko. Natatawa syang tumingin saakin.
"5 years old na si Selein kaya pwedeng pwede ng sundan. Tska gusto kasi ni Ate na may lalaki sya tska matatanda na sila. Wag mo ng pansin" natatawang ani nya saakin. Naalala ko hindi pa pala sila kasal tas anak ulit?
Ano 'yon?
"Pero, hindi pa sila kasal diba?" takang tanong ko at tumango naman siya.
"Oo, pero engaged na sila. 6 months ago nagpropose si Kuya Khalix. This month ikakasal na sila. Pero natitigang ata kaya susundan na si Selein." natatawang ani nya kaya napatawa din ako dahil sa sinabi n'yang "natitigang" daw.
Nang makarating kami sakanila ay agad kong binuhat si Liana para dalhin sa kwarto nya. Sumunod naman saakin si Sean dala ang mga gamit namin. Nahiga nadin sya pero bumaba ako para makapagluto muna.
Kinakabahan ako mamaya dahil manonood si Sean. Di ako sanay na may nakakakita ng katawan ko, kahit nga ang photographer ko kaylangan babae para maging komportable ako.
Sana maging okay lang 'to huhu.
_____________________________________
-lsmaesxps: sorry isa lang update ko kahapon.
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceAlliana Menzel-Monteverde, Isang Babaeng naipit sa isang arranged marriage para sa kan'yang magulang. Hindi n'ya inaasahan ang mangyayari sa Arrange Marriage. Sean Monteverde, Lalaking naging asawa ni Aliana Cassanova, Gwapo, Matangkad, Malaki ang p...