MATAPOS ANG gabing iyon ay hindi na kami masyado nakapagusap ni Sean. Kay Liana sya nagfofocus. Alam kong nasaktan ko sya pero mas masakit ang ginawa nya. Halos araw araw magkasama sila ni Liana, nagshoshopping or naglalaro sa bahay.
This weekend, aalis kami papuntang Hongkong dahil sa pangako ko kay Liana na pupunta kami. Next week na kasi ang 5th birthday ni Liana. I want to suprise her. Nagyaya naman muna si Liana na pumunta kami sa puntod ni Sandro.
Habang papunta kami sa puntod ni Sandro ay nakikita kong nanginginig ang mga kamay nya. Kaagad namang hinawakan ni Liana ang kamay ng ama nya at tinitigan naman sya ni Sean.
"You're shaking Dad. Don't worry, I know Kuya Sandro already forgive you." malambing na sabi ni Liana sakanya. Hinalikan naman ni Sean ang noo ni Liana.
"Thank you, Princess. You make Daddy fell better. I hope Baby Sandro already forgive me." nakangiwi nyang sabi, napaiwas na lang ako ng tingin.
"Mommy said, dapat hindi po tayo magtanim ng galit lalo na pag kapamilya natin kasi bad po iyon." sabi ni Liana. Naguguilty ako dahil ako mismo hindi magawa 'yon ngunit hindi ko maiwasan dahil ng dahil sakanya nawala anak ko.
"Really?" manghang sabi ni Sean. Tumango naman si Liana. Sean looked at me, ngunit umiwas naman ako ng tingin. Napabuntong hininga na lang sya ng gawin ko iyon.
Habang nasa byahe pa kami ay nakatulog ako. Marahil sa pagod na din. Naramdaman kong may humahaplos ng mukha ko.
"Sorry, sorry sa lahat ng ginawa ko sainyo ng anak natin. Sana patawarin mo ako. Handa akong magpaliwanag sa lahat ng nagawa ko sayo. Mahal na mahal kita." rinig kong sabi ni Sean. Sa hindi malamang dahilan ay biglang tumibok ng mabilis ang puso ko na para akong aatakihin sa bilis ng tibok nito.
Napabuntong hininga sya bago ako kalabitin para gisingin.
"Hey, wake up sleepy head." malambing na sabi ni Sean. Kunwari pa akong inaantok ng magising ako ngunit ang diwa ko gising na gising sa sinabi nya.
"Where's Liana?" tanong ko ng mapansing wala na si Liana sa paligid namin.
"Nauna na sya." sabi nya at tumango nalang ako. Pagkababa na pagkababa ko ay malamig na hangin ang sumalubong saakin. Kaya napahawak ako sa mga braso ko.
"Nilalamig ka? Meron akong jacket na extra dito." pagaalala nya, agad akong umiling.
"No, nagulat lang ako sa salubong ng hangin." sabi ko at tumango sya.
Sabay na kaming pumunta sa puntod ni Sandro. Nakita ko si Liana na nakaupo don at bagot na bagot na hinihintay kami kaya napatawa ako. Napatingin naman sakin si Sean kaya napatingin din ako.
"I miss hearing your laugh." nakangiting sabi nya kaya napangiti na din ako.
Nung nakita i'yon ni Liana ay nanunuksong tingin ang iginawad nya saamin kaya sinamaan ko sya ng tingin ngunit hindi naalis ang nanunuksong tingin nya. Napatawa na lang ako dahil don.
"What took you so long Mom?!" panenermon saakin ni Liana kaya hinalikan ko sya sa pisngi at naggiggle naman sya.
"Hi Baby Sandro, I've missed you. Sorry ngayon lang si Mommy ha? Busy kasi e." paghihingi ko ng tawad sakanya at tinignan si Sean na nangingilid na ung luha.
"Ah, baby Sandro. This is Daddy Sean." pagpapakilala ko kay Sean at nagulat namang tumingin ito saakin.
"Your son, wants to meet you." nakangiti sabi ko. Nakangiti syang tumabi saakin at hinawakan ang puntod ng anak.
"Hi Anak. Pasensya kana ha? Ngayon kalang nadalaw ni Daddy. Pasensya na din dahil ako ang dahilan kung bakit ka nawala. Mahal na mahal ka ni Daddy." naiiyak na sabi nya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at wala sa sariling niyakap ko sya para mapagaan ang damdamin nya.
Naramdaman kong nagulat sya sa ginawa ko ngunit yumakap din sya pabalik. Parang kinilig naman si Liana dahil nagpagulong gulong sa damuhan habang nagtititili kaya napatawa kaming dalawa.
Umiyak ng umiyak si Sean saakin habang magkayakap kami. Makalipas ang ilang pang minuto ay kumalas na din sya at humingin ng pasensya.
"Pasensya na, nabasa ko pa tuloy damit mo." paghihingi nya ng pasensya at tumango lang ako.
Padami na ng padami ang mga tao at pagabi na din. May nagtatayo ng tent, paniguradong dito sila magpapalipas ng gabi.
"Mom, can we spend our night here?" tanong sakin ni Liana at tumingin naman ako kay Sean dahil alam kong may camp tent.
"Daddyyy?"
"Yes, sure princess pero uuwi muna tayo para makakain tayo tapos kukunin natin ung camp tent natin. Okay?" sabi ni Liana at nauna ng pumunta sa sasakyan. Tinulungan akong tumayo ni Sean at sabay na kaming pumunta sa sasakyan.
Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami dating bahay ni Sean para kunin ang tent. Malaki na din ang pinagbago ng bahay si Sean o namin. Pinuntahan ko ang kwarto ni Sean at namula ako ng maalalang dito ko isinuko ang Virginity ko.
"Remembering something?" nakangiting tanong ni Sean kaya sinamaan ko sya ng tingin. Tumawa lang si gago.
"Mom, why are you blushing?" takang tanong ni Liana at tumawa ulit si Sean kaya sinamaan ko sya ulit ng tingin.
"Nothing, baby. Hoy! Kunin mo na ang tent puro ka tawa!" utos ko sakanya at pinakita nya saakin ang lagayan ng tent.
Kumuha kami ng unan at napatili ako ng nabangga ko si Sean at napahiga kami sa kama. Napatitig kami sa isa't isa. At namula ako ng marealize ko ang posisyon namin.
Nakapaibabaw ako sakanya, shit.
"Mom! Dad! Where are youuuu!!" sigaw ni Liana kaya agad akong napaalis sa ibabaw nya. Tawang tawang tumayo naman si Sean.
Anong kahihiyan ang ginawa, Alianaaaaaaa!
Lumabas na kami sa kwarto at dumeretso na sa sasakyan. Tatawang sumakay si Sean sa sasakyan kaya binatukan ko sya. Masama syang tumingin sakin.
"What the-" pinutol ko ang sasabihin nya habang tinignan sya ng masama. Natatawang tumango sya.
Nagcecellphone si Liana habang nasa byahe kami hanggang sa makatulog sya. Nakabihis naman na sya ng pantulog pati ako. Nagising si Liana ng tumigil ang sasakyan. Mabilis syang bumaba habang ako ay tinutulungan si Sean na ibaba ang mga gamit.
Si Sean ang nagaayos ng tent habang ako ay pinapanood sya. Pawis na pawis na sya kaya inabutan sya ng towel ni Liana. Naghubad si Sean ng pangtaas kaya napatili si Liana. Napaiwas din ako ng tingin sa ginawa nya. Kinikilig na lumapit saakin si Liana.
"WAAAA!!!! Mommyyy! Ang hot ni Daaaaaaddyyyyyyyyyyyyyy!!!! KYAAAAAAAA!!" tili ni Liana kaya napatawa kami ni Sean.
Matapos magayos ng tent si Sean ay agad na humiga si Liana dahil pagod na daw sya. Humiga nadin kami. Nasa gitna namin si Liana na nakatulog agad. Hinalikan ko ang noo ng anak ko at natulog na. Naramdaman kong hinalikan ni Sean ang noo ko at ni Liana.
"Goodnight, my sunshines." huling salita nga bago nadin natulog.
______________________________________
-lsmaesxPs: Sorry late update. Kakagising lang kasi HAHAHA btw, hindi ko maisip kung Happy ending or hinde kase madaming napasok na imagination sa utak q HHAHAHA.
Add n'yoko sa facebook: Lexie Deviour
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceAlliana Menzel-Monteverde, Isang Babaeng naipit sa isang arranged marriage para sa kan'yang magulang. Hindi n'ya inaasahan ang mangyayari sa Arrange Marriage. Sean Monteverde, Lalaking naging asawa ni Aliana Cassanova, Gwapo, Matangkad, Malaki ang p...