Chapter 12

514 20 3
                                    

Dahil love ko ka'yo. Maguupdate ta'yo HAHAHHA namiss ko kayoooo! Isang update muna dahil love ko ka'yo HAHAHA.
Happy 3k readers!








NAGMAMADALI AKONG nagbihis dahil isang oras na lang ay malalate na ako. Bawal ako malate lalo't na ako ang model. Naghihintay na saakin sa baba si Sean kaya mas binilisan ko. Naglalaro na sila Selein at Liana sa kwarto ni Liana.

"Let's go?" tanong sakin ni Sean ng nakababa na ako at tumango lang ako. Hinihingal pa ako ng bumaba ako kaya pinainom muna ako ng tubig ni Sean.

Agad agad kaming umalis at minadali ang drive. Mabuti na lang at malapit lang ang company namin. Nagayos muna ako bago ako bumaba ng makarating kami ng company.

"Bakit kaba nagmamadali?" takang tanong ni Sean ng makitang halos tumakbo na ako papasok sa company. Pero di ko sya sinagot, pagkapasok na pagkapasok ko ay nakita ko agad ang stylist na hinihintay ako.

"Sorryyyyyy, nalate ako alam n'yo naman si Liana." sabi ko at ngumiti lang sila. Inayusan nila ako habang si Sean nakatulala kasi nalaman n'ya ata na ako ung Model.

"I-ikaw ung model?" nauutal na sabi ni Sean ka'ya nagulat ung mga tao dahil nakita ata nila si Sean.

Hindi ba nila nakita ito pagpasok ko?

"M-mr. Monteverde!" kinakabahang sabi ng Stylist ko. Napatingin naman sakanya si Sean pero bumalik din ang tingin sa akin. Ang mata nya ay nagtatanong kung anong ibig sabihin nito. Tsh, asawa kita pero wala kang paki.

"Mimi, kausapin ko lang sya saglit." paalam ko at tumango naman sya.

Naglakad ako papunta kay Sean na tulala parin dahil sa nakita. Napabuntong hininga na lang ako.

"Oo, ako ang model dahil nag leave ung dapat na model." sabi ko at aalis na sana ako ng bigla nya akong hawakan sa braso kaya napayakap ako sakanya. Dali dali naman akong umalis sa pagkakayakap.

"Fvck, I don't want you to be a model. It's showy. Titignan ka ng mga lalaki." naiirita nyang sabi. Napakunot naman ako ng noo sa inaasta nya.

"Sean, ano bang nangyayari sayo? Diba sabi ko, kay Liana ka na lang bumawi wag na saakin." irita ko ding sabi sakanya kaya lumambing ang mukha nya at maiging napatitig saakin.

"Aliana, alam kong narinig mo ang sinabi ko. Mahal kita. Mahal kita, Aliana." malambing na sabi nya. Umiling ako agad. Alam kong hindi nya ako mahal. Mahal nya ako dahil may responsibilidad sya saakin at si Liana 'yon.

"No, Sean. Hindi mo ako mahal. Mahal mo ako dahil may anak ka sakin. Ayon yon." sabi ko sakanya. Agad naman nairita muli ang mukha nya.

"Fvck that reason, Aliana! Di mo ba maramdaman na mahal kita?!" galit nyang sabi kaya nakaramdam ako ng takot. Agad akong nanginig sa sigaw nya. Fvck, May trauma ako.

Nakita ata ni Sean iyon, kaya agad syang huminahon at dahang dahang lumapit saakin. At lumayo naman ako. Natatakot na naman ako sa'yo, Sean.

"Don't worry, I won't hurt you anymore, Aliana. I won't." malambing nyang sabi at umiling ako.

"No, give me some time Sean." nanginginig ko pading sabi at agad na pumunta sa dressing room. Nanginginig akong umupo.

"Ayos kalang ba?" tanong ng makeup artist ko at tumango ako. Sinimulan na nila akong ayusan.

Nakita ko na ang damit na aking susuotin. Fitted ito, alam kong makikita ang hubog ng katawan ko dito. Evening gown ito, kulay pula ang nasa pangibabang kulay at itim naman sa itaas. Pinagblend ang kulay itim at pula mula sa gitna. Hanggang talampakan ang haba nito.

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon