NANDITO NA kami sa bahay nila Sean. Nagpaayos pala ng bahay sila Sean. Mas lalong gumanda at lumaki. Nakita ko si Manang. Grabi namiss ko si Manang.
"Manang! Namiss po kita!" sabi ko ka'y Manang at natutuwang niyakap nya ako. Sobrang higpit. Natawa ako ng paghiwalayin kami ni Liana.
Ow, my baby girl is jealous.
"Aliana! Jusko kang bata ka! Mas lalo kang gumanda! Ay, sino sya?" takang tanong ni Manang. I just laughed kasi nakasimangot si Liana.
"Ah si Liana, Manang. Anak ko." nakangiti kong sabi kay Manang. Dahang dahan nanlaki ang mga mata ni Manang at namamanghang tumingin saakin.
"Ito na ba ang anak mo? Jusko! Napakagandang bata! Kamukhang kamukha ni Sean! At kaugali din!" natatawang ani ni Manang kaya napatawa kami nila Sean. Mas humalakhak ako ng sumimangot si Liana.
"Tara sa dining area. Nandon si Dad at si Ate Selene." sabi ni Sean kaya napatingin sakanya si Liana. Mukhang nagtataka ito. Inayos ko muna ang mga gamit namin ni Liana bago kami bumaba.
Napaka ganda ng kwarto. Sabi ni Sean pinagawa nya daw ito para sa magiging anak n'ya na babae. Kulay pink ang kulay ng kwarto. Napakaganda sa paningin dahil maaliwalas. May queen size bed sa gitna ng kwarto na madaming teddy bear sa kama.
May napansin akong isang unan na may pangalan na "My Princess, Liana." My heart melted sa ginawa n'ya. Alam kong pinasadyan n'ya ito dahil may kausap sya kanina. Alam kong matutuwa si Liana dito.
Masaya ako dahil bumabawi sya sa anak nya. Ngunit, malamig padin ang pakikitungo ko sakanya dahil hindi ko maalis ang galit ko na sya msimo ang pumatay sa sarili nyang anak. Kung hindi dahil sakanya edi sana kasama namin ngayon si Sandro. Sana may kalaro si Liana. Sana may kasama si Liana.
Kung minsan ay pinupuntahan ko ang cementeryo kung saan nakalibing si Sandro kasama si Liana. Kapag napunta kami sa libingan ni Sandro ay laging naiyak si Liana, dahil sayang daw at di nya nakita ang kakambal nya.
"Mommyyyyy! Can we go to kuya Sandro?" tanong sakin ni Liana na nagpabalik sakin mula sa pagiisip. I smiled at her dahil talagang hindi nya kinakalimutan anong Kuya nya. Sinabi kong mas matanda sakanya si Sandro dahil mas maaga itong lumabas kaso nga lang wala ng buhay.
"Sure, baby." nakangiti kong sabi sakanya, at dali dali syang bumaba dahil gutom na daw sya. Kinakabahan ako dahil after 5 years ngayon ko na lang ulit makikita ang pamilya ni Sean.
"Babyyy! Be careful!" sigaw ko pa at tumawa lang sya.
Jusko, itong batang 'to.
Sumunod na din ako kay Liana para makakain na kami at makatulog na. Gabi na din kaya gagawin na namin assignments ni Liana at magtratrabaho na ako ng mga new designs para sa next na ilalabas ng Menzel Designs.
"Aliana? ikaw na ba iyan?" tanong ni Tito Seja. Nakangiti akong tumango at nanlaki naman ang mga mata nya. Kalaunan, ay may babaeng sumisigaw at nagrereklamo. Kasabay nya si Sean at mukhang si ate Selene ito.
"Daaaad! Looked! Sobrang dami kong gagawin sa Companyyyy! At ito namang kapatid ko! Tamang pasarap lang! Pahiga higa! Samantalang ako! Stress na Stress na!" sigaw ni ate Selene kaya napatawa kami ni Liana.
"Oh, ito na ba ang apo ko, Aliana?" tanong ni Tito Seja at tumango ako. Agad na nagmano ang anak ko sa Lolo n'ya.
"Good evening po Lolo. Good evening po Tita Selene." magalang na sabi ng Anak ko.
Halatang hindi makapaniwala si Ate Selene sa narinig maging itong si Tito Seja. Sinabi ko kanina kay Liana ang pangalan ng lolo at tita nya. Tinanong nya pa nga kung nasaan ang Mommy nila ngunit sabi ko ay namatay na ito. Nalungkot panga si Liana non dahil hindi man lang daw ito naabutan ni Liana.
"Oh my g!!!!!!! Ang pamangkin kooooooooo!!! Kyaaaaaaaaaaaaa!" tili ni Ate Selene kaya napatakip ng tenga ang anak ko at sinaway si Ate Selene.
"Tita, don't shout. It's hurts eh." sabi ng anak ko at tumawa lang si Ate Selene nakangiting niyakap ang anak ko. Niyakap nadin ni Tito Seja si Liana.
"Oh, daddy? Bakit ka po nakapout? It's not bagay po. You like a duck." sabi ng anak ko, hindi namin mapigilan ang hindi matawa. Nakapout si Sean dahil hindi sya pinapansin ng anak nya. Kanina pa kasi nagpapapansin si Sean kay Liana kaso hindi sya pinapansin.
"Di mo kasi ako pinapansin! I hate you!" childish na sabi ni Sean at nagpout pa. God, he's so childish.
"Well, I hate you more daddy! Ngayon ka lang nagpakita. I hate you more!" sigaw sakanya ni Liana. At eto ako, natatawa sa iringan ng dalawa. Masama naman ako nilang tinignan at masama ko din sila tinignan.
Tignan natin ngayon.
"Waaaa, I love you Mommyyyy!!" paglalambing saakin ni Liana at hinalikan pa ako sa pisngi ko.
"I love you tooo!" hinalikan ko din sya sa pisngi.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na kami kina Tito na magpapahinga na. Tapos na pala ni Liana ang mga assignments nya. Maya maya, tinawagan ko pa muna si Ate Alendra para kamustahin si Leo. Matagal tagal na din kaming hindi nakakadalaw sakanila.
Pagkatapos naming magusap ni ate. Ay nakita kong tulog na si Sean at Liana. Nagsabi si Sean kung pwede sa iisang kwarto kami. Sa sofa sya, malaki naman ang sofa kaya kasya sya. Kami namang dalawa ni Liana ang nasa kama.
Hinalikan ko muna ang pisngi ni Liana bago ako lumabas at tumungo sa veranda. Napakaganda ng tanawin pag gabi. Maganda ang tanawin dahil gabi, tapos mahangin din. Perfect view.
Hindi ko maiwasang maalala ang paghihirap ko dati kay Sean. Masakit isipin na sya ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko. Dahilan kung bakit magisa ngayon si Liana. Dahilan kung bakit hindi kami kompleto.
May nagpunas ng luha ko. At napatingin ako kung sino 'yon.
Si Sean.
"Patawad, sa lahat ng nagawa ko." paghingi ng tawad nya.
"Walang magagawa ang patawad mo sa sakit na naranasan ko. Maaring papatawarin kita sa pananakit mo sakin dati pero hindi kita kayang patawarin sa pagpatay sa anak ko. Hindi mo kaylangan bumawi saakin. Kay Liana ka bumawi, mas kaylangan nya ng bawi mo hindi saakin. Hinding hindi mo na maibabalik ang dating ako dahil binago mo ako. Binago mo ako simula nung patayin mo ang anak ko." umiiyak na sabi ko at pumasok na sa kwarto.
Tumabi na ako kay Liana, humalik muna ako sakanya bago ko ipikit ang mga mata ko. Naramdaman ko pa ang buntong hininga ni Sean bago din syang matulog muli.
Walang magagawa ang sorry mo dahil hindi na kayang ibalik non ang buhay ng anak ko.
______________________________________
-lsmaesxps: short update muna, kakatapos lang kasi ng oc kaya medj pagod. Happy 2k readers! loveya!
GOOD DAAAY! LAST UPDATE KO NA MUNA PO ITO, MADAMING PROJECTS AND ASSIGNMENTS E, Bawi po ako bukasss, thaankyouuu!!
BINABASA MO ANG
Arranged Marriage
RomanceAlliana Menzel-Monteverde, Isang Babaeng naipit sa isang arranged marriage para sa kan'yang magulang. Hindi n'ya inaasahan ang mangyayari sa Arrange Marriage. Sean Monteverde, Lalaking naging asawa ni Aliana Cassanova, Gwapo, Matangkad, Malaki ang p...