Chapter 5

488 17 4
                                    

After 2 months...

DALAWANG BUWAN simula nung huling mangyari ang away namin nila Lucy. Ngunit matatag si Lucy. Halos araw araw nya padin ako inaaway or pagsalitaan ng masasakit. Walang araw naman na hindi ako sinaktan ni Sean.

Nalaman nila kuya na sinasaktan ako ni Sean dahil nung pumunta sila dito ay nakita nilang sinasabunutan ako ni Sean. Nung una gusto nila itong ipakulong si Sean ngunit hindi ako pumayag. Nagsabi ako kay kuya na wag muna sabihin kay daddy ang nangyayari dahil ayaw ko mawalan ng pamilya ang anak ko.

Anim na buwan na itong tyan ko. Halatang halata nadin. Hindi padin nagbabago ang tingin ni Sean sa akin. Malandi padin ang tingin saakin. Kataka taka na malaki ang tyan ko kesa sa normal na anim na buwan. Siguro malusog lang ang anak ko.

"Aliana! Bilisan mo dyan! Pabagal bagal pa e!" sigaw ni Kera sa baba. Mamimili kasi kami ng mga gamit para sa anak namin. Limang buwang buntis na din itong si Kera. Sobrang ingat sakanya ni Kev. Hays, sana all hahahah.

"Oo naaa! Ang ingay ingay mo!" irita kong sabi sakanya at humalakhak lang si gaga. Dali daling bumaba.

"Ang sexy sexy mo padin kahit juntis kang babae ka!" manghang sabi sakin ni Kera at natatawang umiling na lang ako.

"San ka pupunta?" malamig na tanong ni Sean. Tinitigan naman sya ni Kera gamit ang kanyang matalim na titig.

"May paki ka pa pala sakanya?" mataray na sabi ni Kera kay Sean na hindi matanggal ang malamig na titig saakin.

"Kera ano kaba?! A-ah pupunta lang kami sa Mall mamimili ng damit." paalam ko. Pagkatapos kong magpaalam ay agad din syang umalis. Napabuntong hininga nalang ako.

"Kera, dapat hindi mo pinagsabihan ng ganon si Sean." pagsasaway ko kay Kera. Tinarayan lang ako ni Gaga.

"Dapat lang sakanya 'yon. Tsh, halika na nga nasira tuloy ang beauty ko jusko." yaya ni Kera at napapatawang sumunod na lang ako sakanya.

Habang nasa Mall ako ay nakakita ang maliit na baby crib. Hinawakan ko iyon at nagandahan sa design. Namili pa kami ng kung ano ano ni Kera at pagkatapos mamili ay nakaramdam kami ng gutom kaya kumain na muna kami.

Pagkatapos kumain ay naisipan naming magnood ng Cine. Nagaway pa nga kami dahil ang gustong panoorin ni Kera ay 365 days ako naman ay Panti Sisters. Sabi ni Kera maganda daw ung 365 days dahil dun daw nila natutunan magano ni Kev. Ay jusko tong babaeng to. Puro kahalayan nasa isip.

At ang huli, Panti Sisters ang pinanood namin. Ayaw ko naman kasi ng 365 days puro kahalayan lang nandon. Bumili muna kami ng popcorn at umupo na. Nasa pinakadulo kami dahil pakiramdam ko nahihilo ako pagsobrang lapit.

Makalipas ng dalawang oras ay naisipan na naming umuwi dahil maggagabi na din. Kumain muna ulit kami bago umuwi. Si Kev ang susundo samin kaya walang problema.

Nang maihatid na ako nila Kera sa bahay ay napansin kong madami atang tao dahil maingay. Sobrang ingay. Nanlaki ang mata ko ng makita ang mga kaibigan ni Sean na nagpaparty party sa bahay. Tila nagulat din sila sa pagpasok ko kaya natahimik. Nang mapansing tahimik ay biglang lumabas ng kusina si Sean.

"You're here. Kuhanan mo sila ng mga matutulugan." malamig na sabi sakin ni Sean at agad akong tumango at sumunod na lang sakanya. Ayaw ko ng away dahil pagod ako ngayon.

Nahirapan akong bumaba dahil madami akong dalang unan. Napansin ata nung isa sa mga kaibigan n'ya kaya dali dali nya akong tinulungan. Nagpasalamat ako pagkatapos. Umakyat muna ako para makaligo. Pagkatapos ko maligo ay naisipan kong magbasa muna.

Nagising ako ng may kumatok sa kwarto ko. Nakita ko si Dr. Sanchez. Halatang hindi ito naginom dahil wala kang maamoy na alak dito. Pinapatawag na daw ako ni Manang dahil kakain na daw.

Nagbihis muna ako bago ako bumaba. Nakita kong nasa hapag kainan na ang mga kaibigan ni Sean. Kasama si Lucy. Nakita ko din si Manang na naghihintay saakin.

"Hi, I'm Luke." pakilala nung isang gwapong lalaki na kulay asul ang mata.

"I'm Devo." sabi naman ng isang lalaki na kulay asul din ang mata.

"I'm Jero." sabi nung isang lalaking kulay berde ang mata.

"I'm pretty sure you know me." sabi ni Kash or Dr. Sanchez.

"Hi, I'm Aliana." pormal kong pakilala at ngumit sakanila. Nagsikain na kami. Madaldal si Jero at tahimik naman sina Devo at Luke pero halatang friendly. Tahimik lang ako dito habang nakain.

"Anong gender ng anak mo, Aliana?" tanong ni Luke kaya napatingin ako sakanila. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot.

"I still don't know. Ayaw kasi ipaalam ni Kera bestfriend ko. Tska na lang daw pag nanganak na ako." sabi ko at tumango naman sya kaya tumahimik na lang ulit ako.

Nalaman kong dito pala sila magoovernight kaya paniguradong hinding hindi ako makakatulog nito. Nandito ako ngayon sa sala nanonood sakanila. Di na ako umimik simula kanina dahil pagod na din ako. Aakmang aakyat na ako ng tawagin ako ng kaibigan ni Sean na si Jero.

"Kapatid mo diba si Alendra Menzel Santiago?" tanong n'ya at tumango ako. Nagulat sya sa pagtango ko sakanya magsasalita na sana ako ng bigla nyang dugtungan ito.

"So, ibigsabihin Menzel ka?" tanong nya at agad akong umiling. Di pa ito ang tamang panahon para magsabi ng totoo.

"Hindi ako Menzel, ampon lang ako ng Mommy namin. Ah, aakyat na ako ah pagod din kasi ako." paalam ko at umakyat na.

Inayos ko muna ang mga gamit ng anak ko at naligo ulit dahil sobrang init. Walang aircon dito sa kwarto ko dahil hindi pa totally tapos ito. Actually, si Mom lang talaga ang nagpagawa nito. Gusto kasi ni Mom na bukorin ako dahil masyado pa daw akong bata nung panahon na kinasal kami.

19 sya at 18 naman ako noong kinasal kami. Ngayon 22 sya at 21 ako, sa loob ng halos tatlong taon naming magasawa ay sinasaktan nya ako. Tinigil ko ang pagaaral ng Law para dito.

Menzel ang isa sa pinakamakapangyarihang pamilya sa Pilipinas dahil narin sa pamilya ito ng mga Lawyers. Bata pa lang ako ay gusto ko na maging Lawyer o kaya Architect. Ngunit mas pinagtuonan ko ng pansin ang Lawyer kaya don ako mas nagfocus.

Pagkatapos ko maligo at ayusin ang gamit ng anak ko ay inayos ko na ang higaan ko para makapahinga na. Masyadong madaming nangyari ngayong araw kaya gusto ko magpahinga na. Nagbasa basa muna ako ng libro bago matulog. At nagpray bago ako matulog.

Sana tahimik ang buhay ko bukas, dahil gusto ko naman magpahinga kahit onti.

_______________________________________
-iam_jaxii

Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon