Chapter Three: Chaos
"HELLO, Toto-lablab!"
Sinimangutan siya ng binata habang nagse-serve ito ng inumin sa mga nakaupo sa bar stool. Naging pang-umaga ang shift ng kaibigan niya dahil may professional bartender na ni-hire si boss Nick para sa bar. Pero imbes na matuwa ay tiyak na malungkot ang kaibigan kaya napagdesisyonan niyang bisitahin ito sa bar at kumustahin. Pero parang ayaw yata ng lalake ang presensiya niya.
"Galit ka ba, Toto-labs?" She pouted.
"Umuwi ka na, Niezel. Baka hanapin ka pa ng boyfriend mo. Nakakahiya namang inaagaw ko ang oras mo."
Natawa si Niezel. "Nagseselos ka?" Niezel looked at him in awe. "Nagseselos ka kasi wala ka pang girlfriend? Tapos naunahan kita?"
Inirapan na lamang siya ng kaibigan na ngayo'y abala sa pagse-serve sa mga kustomer.
"Sige. Ikaw bahala. Pupuntahan ko na lang 'yung boypren kong hilaw."
Hindi maintindihan ni Niezel ang pagtatampo ni Toto. Parati pa rin naman niya itong bibisitahin kahit may pekeng nobyo siya. Niezel heaved a sigh.
LOGAN rushed to the door when the doorbell rang. Walang tao sa HQ maliban sa kanya. At dahil kakatapos niya lang mag-meeting with his associates, ngayon lang niya napansin na may nagdo-doorbell.
He opened the door and he saw a kid wearing a school uniform with an ear piercing. Probably a teenager. Umiiyak ito at para bang balisa. May pasa rin ito sa noo and sa gilid ng labi.
"N-Nandito... po ba ang ate Izzy?" The boy asked in between his sobs.
"No, but go inside. I will call her. And tell me what happened to your face."
"Huwag na po. Hahanapin ko na lang si ate."
"I insist. Go inside and I will treat your wound. I am—" he cleared his throat. "—a trained Doctor."
LOGAN managed to ask Ray to sit on the loveseat just nearby the balcony. The said spot has a better lighting and it will help Logan do his first-aid.
He is not really a samaritan but he felt like helping today, especially when Ray was bleeding from his wound on the forehead. He hated wounds. He has this urge to disinfect and treat them right away.
"You were bullied by a fraternity group at your school simply because you excelled at your academics?"
"T—Tapos sinuntok ho nila ako kasi hindi ako pumayag na gawan ang grupo nila ng assignment. Ni-report na ni ate ang grupo nila pero hindi pa rin umaaksyon 'yung principal namin kasi anak ni Mayor 'yung leader nila."
"Mayor Cruz?"
"Opo."
Logan sighed. "Okay. We'll go to your school. Right now." Mabilis na tinapos ni Logan ang stitch sa noo ni Ray. "I will get my car key. Wait for me." He sprayed alcohol on his hands as his standard procedure everytime he touches someone. Naiwan si Ray na nabigla sa biglaang pag-aksyon nito.
Paharurot na minaneho ni Logan ang Range Rover papunta sa eskwelahan na sinabi ni Ray. Balisa ang binatliyo sa biglaang pagdilim ng anyo ni Logan. Sabay silang bumaba ng sasakyan at nagtungo sa Principal's office. At ganoon na lang ang gulat ng mga staff sa presensya ni Logan sa eskwelahan.
"Sir Logan, good afternoon. Why the sudden visitation?" Bungad ni Principal Balakeg. Huli na nang makita nito si Ray na nasa tabi lang ng binata.
"I want you to suspend the group who bullied Mr. Anadallo here. Tell the Mayor to get out of it or all my investements in his candidacy next year will be forfeited. And I rarely go out because the pollution is filthy, so you might have an idea how pissed I am right now."
Nagulat ang principal sa sinabi ni Logan. "Sorry, Mr. Miller. I didn't know about the incident—"
"Nagsumbong ho ako sa inyo, Ma'am! Pero pinapunta niyo lang ako sa infirmary!" Humihikbing sumbat ni Ray. "Nagkakanda-kuba ang ate ko magtrabaho para lang makapagbayad ng tuition niyo kahit pinipilit kong ayaw ko. Sabi ni ate, 'safe ka doon'! 'marami kang matututunan doon'. Tapos ganito kayo? Harap-harapan pong ipinarating sa'kin na mahina ako kasi mahirap lang kami!" Pinunasan ni Ray ang mga luha. "Naiiyak ako kasi madi-disappoint na naman si ate. Marami na siyang iniisip tapos dadagdag pa ako."
Now, Logan can imagine how pissed Niezel will be. Siguradong makikipag-away ang dalaga sa mga Principal kapag nalaman nito ang nangyari sa kapatid. Nakita na niya ang galit na anyo ni Niezel. His analysis about her tells him that she will flip this school upside down and cause a chaos just to bring out justice for her brother.
"Ray, sinabi namin kay Mayor ang nangyari kanina at siya ang nagsabi na dalhin ka na lang sa infirmary. This issue is between your families at alam mo 'yon. Mayor told me to get out of it and he will settle it with your sister."
Families? Issue?
"Ano?! Kasi asawa ni Mayor ang nanay ni ate?! Gano'n ba 'yon?"
Logan was strucked with that. Apparently, Niezel has secrets.
"Magsusumbong ako kay ate. Sabihin mo iyan kay Mayor niyong kurakot! At kaya kong mag-trash talk, mga putangina kayo!"
"Calm down, Ray. Let's go. I am sure this will be settled by your sister."
So, Mayor Justino Cruz has some stink buried underground, huh?
Iginiya niya si Ray sa sasakyan. Walang dudang magkapatid si Ray at Niezel. The way the two talked and argue are so identical. Even Ray's courage to stand up for himself is commendable.
"TWO HUNDRED thousand pesos?!" Nanlaki ang mga mata ni Niezel nang sabihin sa kanya ng manager ang katumbas ng four thousand 'bucks' na sinasabi ni Logan. Ang buong akala niya ay magkakahalaga lang ito ng mga siyam o sampung libo. Hindi niya alam na dolyar pala ang ibig sabihin ng 'bucks'. In-explain sa kanya iyon ng babae sa counter.
"Nagbilin ho si Sir Logan na ibigay sa inyo ang pera ngayong araw. Bank transfer ho ba, deposit, o cash?"
Naitikom ni Niezel ang nakanganga'ng bibig. Sa perang iyon ay kaya na niyang magpatayo ng bahay. Nalulula siya sa perang nakasulat sa isang piraso ng papel ngayon.
"Pwede po bang twenty thousand lang ang kunin ko? Tapos paki-transfer ulit sa account ni Si— este L—Logan?"
"Bilin po ng boyfriend niyo ma'am, eh, ang ibigay sa inyo ang pera ngayong araw kapag pumunta kayo dito."
She pressed her lips together while thinking of getting the money or not. Kailangan niya ng pera, walang duda doon. Pero bakit napakalaking halaga naman ata ang ibinigay sa kanya?
"Sige, paki-deposit sa account ko."
"Sige po, ma'am."
"Hingiin ko na rin 'yung bank account details niya. Alam mo 'yun? Kapag magba-bank transfer ako sa kanya ng pera."
"Noted, ma'am. Wait for a minute po while I'm processing your transaction. You may take a seat."
Maging ang pag-withdraw niya ng pera ay mismong ang manager ang nag-aasikaso sa kanya. While others wait in line outside just to have a transaction. Hindi akalain ni Niezel na ang convenient ng buhay ng mga taong may koneksyon.
She gritted her teeth when mind took her to memory lane. Kaya pala nagawa siyang talikuran ng kanyang ina para lang sa buhay na puno ng convenience. It has perks. It will make you feel superior and powerful.
She shrugged it off and just paid attention to the manager who's busy on the computer.
Her phone rang which woke up her senses. Napatayo siya at hinanap ang phone sa tote bag. She frowned when she saw the caller.
"Ray! May pasok ka, 'di ba? Bakit ka gumagamit ng selpon?!"
"Ate, nandito ako sa HQ ni kuya Logan. May nangyari po sa school kanina."
BINABASA MO ANG
Isla De Fuego Series 2: Perfection (EROTIC-ROMANCE)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT INSIDE | EROTIC-ROMANCE | R-18 Logan Miller sought and chased perfection throughout his life. That's his story. He came from a family of reputable perfectionists anyway. A tiny bit of imperfections are not allowed in their ho...