Chapter Seven: Let the war commence

4.4K 181 3
                                    

Chapter Seven: Let the war commence

NAPANGIWI si Niezel sa imbitasyon na ibinigay ni Corinne sa kanya. Bago siya umalis ay may ibinigay itong pamphlet na para sa fundraising na annual na ginagawa ng isla Anubis. Taon-taon ay iba-iba ang pakulo ng naturang fundraising pero ngayon ay nagdesisyon ang mga ito na magsagawa ng human auction.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Niezel. Human auction? Legal ba 'to?

Nakaupo siya sa bar stool ng bar na pinagtatrabahuhan ni Toto habang iniisip kung pupunta ba siya sa event o hindi.

Napatingin siya sa kaibigan na ngayon ay hindi pa rin namamansin. She heaved a sigh as she surveyed the place. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Logan na nakaupo sa dulo lang ng island counter at nakatingin sa kanya. Walang masyadong tao sa bar na 'yon kapag umaga kaya hindi imposibleng makita niya ito kaagad.

Malakas na kumalabog ang puso ni Niezel at nag-iwas ng tingin. Binasa na lamang ng dalaga ang pamphlet.

"Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?"

Nagtaas ng tingin si Niezel nang makita si Toto. She smiled from ear to ear. "Bati na tayo?"

Toto hissed in between his teeth. "Hindi kita matiis. Ang cute mo kaya para hindi pansinin."

Sinuntok ng dalaga ang braso nito. "Aray, Niezel Rathalia! Namamaga ang braso ko!" Ngumiwi si Toto at sinapo ang brasong sinuntok niya.

Nag-aalala namang hinawakan ni Niezel ang braso nito at hinila para matingnan ang braso ng kaibigan. "May cramps ka na naman ba? May vapor rub ako sa bag."

"Stupid, all he needs is an ice pack and a bit of rest."

Nagulat si Niezel nang marinig ang pamilyar na boses na iyon sa kanyang tabi. It was Logan, of course. Nakatingin pa ito sa braso ng kaibigan at para bang sinusuri ang braso nito.

Natataranta namang binawi ni Toto ang braso mula sa dalaga. "Okay lang ako, Niezel. Sorry po, Boss."

"Sigurado ka? Kasi kapag nilagnat ka ulit at na-ospital, hahambalusin kita ng walis."

Logan couldn't imagine the thought of Niezel beating up a body with a broom. That could've been so painful.

"Nga pala, Juanito, gusto mo sumama? Pupunta ako sa human auction. Fundraising daw?"

Nagpamewang si Toto. "Human auction? 'yung nag-a-auction sila ng babae o lalake para maka-date sa mananalong bidder?"

Nakahinga nang maluwag si Niezel. "Iyon pala ang human auction! Akala ko magbebenta sila ng—"

Isang malakas na pitik sa noo ang natanggap niya mula sa kaibigan. "Aray! Sapakin kaya kita?"

"Ang sarap mong pitikin. Naiinis ako. Bakit mo naman kasi naisip na illegal ang auction?"

"Malay ko ba?!" Gumanti rin ang dalaga sa pamamagitan ng pagpalo sa kamay ng kaibigan. Pinandilatan niya ito ng mata. "Sige, gumanti ka!"

Ngumisi na lamang si Toto at inilapag sa harap niya ang inumin na kanyang in-order. "Paborito mo, chocolate milkshake na may extra drizzle ng syrup."

Nangislap ang mga mata ni Niezel at mabilis na inatake ang milkshake.

"I'll have one, as well."

Napatingin si Niezel kay Logan. Nakatingin ang binata sa shelf ng mga alak sa harap nila habang hinihintay ang order.

"By the way, Niezel. I didn't know you have a second name."

"Ha?"

"Rathalia. Niezel Rathalia. Who named you?"

"Tatay ko. Nakukuha niya raw ang mga pangalan namin sa magazine o comics. Bakit mo natanong?"

"Nothing. I just thought it's a beautiful name."

Tumango si Niezel. "I agree, celery."

"I am here to ask you about your thoughts. Will I have a chance? Because I can find someone if you don't want the role."

Natawa si Niezel. "Sineseryoso ko pa rin naman ang kasal, kaya pinag-iisipan ko nang mabuti."

"But, do I have a chance of getting 'yes' from you?"

"A—Ano..." Napapikit nang mariin si Niezel. Meron nga ba?

"Instead of flirting with your bestfriend, why don't you think about my offer? The sooner I hear your reply, the better."

Pinagmasdan niyang nagwalk-out si Logan at tila ba naiinis. Nangunot-noo ang nagtatakang si Niezel habang sinusundan ito ng tingin.

Flirting? Siya? Nakikipagharutan sa kaibigan niya? Eh, ganoon naman talaga sila mag-asaran ni Toto simula pagkabata. Then, his question hit her

May plano nga ba siyang sagutin ito ng 'oo'?

"Niezel, nag-propose na pala sa'yo si Boss Logan?"

Napatingin siya sa kaibigan. Dismayado ang mukha nito at tila pinagsakluban ng langit at lupa. "Nag-propose siya kahapon."

"Mahal kita, Niezel."

Namilog ang mga mata ni Niezel sa biglaang pagtatapat ni Toto. Bakas sa mukha nito ang pagsisisi. "Kung sana ay sinabi ko nang mas maaga. Sana ako na lang ang nag-alok."

Hindi maka-imik si Niezel sa sobrang pagkabigla. Napayuko na lamang siya.

"Niezel, nasabi ni Ray na balak mo akong pakasalan kasi nagbabalak kang magkapamilya pagkatapos ng graduation nila. Gusto kong malaman mo na pumapayag ako."

Nag-angat ng tingin si Niezel at nakita ang determinasyon sa titig ni Toto. Nanlambot siya sa kinauupuan. Mahal niya si Toto pero bilang isang kaibigan at sa tingin ni Niezel ay magkakasundo naman sila ni Toto kapag um-oo siya.

Pero paano si Toto? Masusuklian niya ba ang pagtingin nito? Ayaw naman niyang ikulong ang kaibigan sa isang sitwasyong siya lamang ang may gusto.

If Niezel really thought about it, Logan is the right choice. They both wanted to get married for the same goals. The agree with each other's agenda and knows exactly the terms. Hindi kakayanin ni Niezel na makitang nasasaktan ang kaibigan kung sakali mang hindi niya masusuklian ang pagmamahal na mayroon ito sa kanya.

"Nagseselos ako kaya hindi kita pinapansin. Naiinis ako kapag nakikita kong magkasama kayo ng boyfriend mo. Nakaka-irita lang kasi biglaan. Hindi ako nakalaban ng patas."

Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila ni Toto. Hindi siya maka-imik. Para siyang na-estatwa sa kinauupuan.

"Hindi kita pine-pwersang piliin ako. Gusto ko lang na malaman mo na mahal kita at kaya kitang pasayahin, kahit hindi ako mayaman. Magsisikap ako na buhayin ka, Niezel. Aalagaan kita at po-protektahan. Magiging mabuti akong asawa."

"Alam ko, To. Alam ko." Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "Kaya ayaw kong idamay ka sa mga desisyon ko sa buhay. Hindi ko masusuklian iyang nararamdaman mo dahil kung kaya ko ay dapat dati pa. Ayaw kong makita kang malungkot kapag hindi tayo kasing-sweet ng mga mag-asawa na nakikita natin sa kalye."

Naikuyom ni Toto ang kamao. "Kaya ba pinili mo si Boss? Kasi wala siyang nararamdaman sa'yo? Kaya ba mabilisan kayong naging mag-syota?"

Tumango si Niezel. "Sinasabi ko ito para hindi ka na umasa. Pero bilang respeto na rin sa nararamdaman mo, pag-iisipan ko ang alok mo."

Nangislap ang mga mata ni Toto sabay pisil ng kanyang pisngi. "Iyan ang Niezel na kilala ko."

.

.

.

LOGAN is horrified by how deep Niezel and Juanito's conversation is. The guy just confessed to Niezel and Logan's pissed for no apparent reason. Nakatayo si Logan sa likod ng pader na nasa tabi lang ng doorway at rinig na rinig ang usapan ng dalawa.

He doesn't want to have a rival, especially to the things he wanted to get. He is sure to exceed among his peers no matter what, and it seems like Toto's a threat to his goals.

If Toto wanted a fair fight, Logan will give it to him no matter what. Let the war commence.

Isla De Fuego Series 2: Perfection (EROTIC-ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon